Episode 037

31 1 0
                                    

Episode 037



Lumingon akong muli kay Vini at tumango sya sakin. Saka ko tumakbo at agad hinabol si Tris. Halos kapusin ako ng hininga dahil sa bilis niyang humakbang palayo sakin.

"Tris, sandali!" sigaw ko habang tumatakbo, pero kingina ang bilis ng mga hakbang nya!

"Tris , ano ba?!" sigaw kong muli ngunit hindi niya pa rin ako pinapansin at patuloy pa rin siya sa paglalakad palayo.

Tumigil ako saglit at agad pumulot ng isang seashell mula sa buhangin at binato iyon sa kanya. Tumama iyon sa ulo nya dahilan para tumigil sya. Ha! Ano, di tumigil ka?

Tumakbo ako palapit sa kanya at agad hinawakan ang braso nya. Pilit ko siyang inihaharap sakin pero dahil mas matangkad siya ay medyo nahirapan ako.

"Mag-usap tayo..." sabi ko at nag-iwas sya ng tingin. Mabilis akong pumunta sa harapan niya para makapag-usap kami ng maayos.

"Mag-usap tayo, please?" I said to him pero hindi niya pa rin ako tinitingnan.

"Ano pa bang pag-uusapan natin? Alam mo bang kanina pa ko nagseselos sa inyo ni Vini? Hindi lang kanina, sa tuwing nakikita ko pa kayong dalawang magkasama. Sa tuwing hinahatid ka niya pauwi sa bahay mo. Tapos ano makikita ko pang magkayakap kayo doon sa may tabing dagat? Di ka ba marunong makiramdam?" inis na sabi nya at hindi ko alam pero bigla akong natawa sa reaksyon nya.

"Oh. Bakit ka natawa? Nagseselos na nga ko dito, George! Selos na selos na ko tapos pinagtatawanan mo pa! Dun ka na sa boss mo!" singhal nya at mas lalo akong humagalpak sa tawa dahil pinagkrus niya pa ang dalawang braso niya.

"Ayoko nga..." nang-aasar na sabi ko at nakasimangot syang nilingon ako saka muling nag-iwas ng tingin.

"Nandito kasi yung taong mahal ko...ayokong iwan kasi nagseselos" nakangising ani ko at kitang-kita ko kung paanong unti-unting nag-iba ang ekspresyon niya dahil sa pagkagulat sa sinabi ko.

Lumingon sya sakin at hinawakan ang mga kamay ko habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"Mahal mo ko?" tanong nya at tumango ako.

"Wala naman nagbago" nakangiting sabi ko at agad naman syang nagsisigaw roon.

"Yes! She said it! She said it!" sigaw nya at nagtatakbo roon.

Natawa pa ko habang kinakamayan nya ang ibang turista at pinagsisigawan ang sinabi ko sa kanya. Napailing na lamang ako at sa di malamang dahilan ay nangilid ang mga luha ko sa sobrang saya. So this is how it feels to finally said what you really feel. Yung wala kang kinikimkim at tinatagong nararamdaman. Yung hindi mo niloloko ang sarili mo at ang ibang tao. Yung kaya mong sabihin kung ano ba talaga ang nararamdaman mo.

Patakbo siyang bumalik sakin at biglaan akong binuhat mula sa kinatatayuan ko.

"Tris!" sigaw ko dahil sa sobrang gulat.

"Hindi ka makakawala sakin ngayon, George..." at agad nya kong dinala pabalik sa villa. Mabuti na lamang at wala ng tao sa first floor.

Pumasok kami sa kwarto saka nya ko nilapag sa kama. Nagpaulan sya ng maliliit na halik sa aking pisngi, ilong at noo saka umabot sa aking labi. Marahan ang bawat ritmo ng kanyang halik sa aking labi. I can taste some mint and mixed of alcohol in his mouth. Halos malasing ako dahil roon, ang mga kamay nya ay nakasuporta sa aking likod at batok. Isinandal niya ako sa tabi ng bintana at patuloy na hinalikan. I snaked my arms around his neck and our kisses continued to get deeper and deeper. Bumitaw sya sa pagitan ng mga halik namin. Our faces are just a few inches apart. I'm gasping for air after that kiss and I can almost sense his breath. He cupped my face and caress it as close my eyes feeling every bit of it. At habang nakapikit ay bumulong siya sa pagitan ng bawat paghinga.

"I love you, George. Always and nothing else" aniya at saka muli akong siniil ng mainit at marahang halik sa labi.

Nagising ako sa pagtama ng sikat ng araw. Nakapatong ang kanyang braso sakin habang mahimbing na natutulog. Pinagmasdan ko ang mukha nyang maamong natutulog at marahang hinaplos iyon. Tinitigan ko sya ng mabuti at hindi pa rin ako makapaniwala na yung dating hinahabol ko, ngayon ay kasama ko na. Yung dating pinapangarap ko nasa harapan ko na. Yung dating ako lang ang nagmamahal, ngayon minamahal na ko pabalik.

Matagal kong pinagmasdan ang natutulog niyang mukha. Ang kanyang mga pilikmata ay mahahaba at ang kilay ay sakto lamang ang kapal. Matangos ang kanyang ilong at ang mga labi niya ay namumula. Minsan nga naiiingit ako dahil mas makinis pa siya kaysa sakin. Wala manlang pimple breakouts tong lalaking to. Naalala ko pa na ganito ang unang beses na nakita ko siya. Mahimbing ang tulog at parang akala mo ay hindi nagsusungit sa buhay.

"Good morning" aniya ng bahagyang magising habang ang isang mata ay bahagyang nakadilat.

"Good morning din" nakangiting bati ko at mas nilapit nya pa ko sa kanya. Niyakap niya ko ng mahigpit halos marinig ko na ang tibok ng puso niya.

"Tulog pa tayo..." sabi nya at hindi na ko kumibo pa.

Alas-nuwebe na nang lumabas kami sa kwarto. Ngumiti si Vini sa amin pagkapasok namin sa kusina bago siya lumabas doon. Lumapit ako sa lababo para magtimpla ng hot chocolate sa isang mug. Bigla syang yumakap sa likuran ko at humalik sa aking pisngi saka inabot ang lagayan ng kape sa gilid.

Nilingon ko sya at nagtaas ng isang kilay habang pinapanuod nya kong magtimpla ng tsokolate. Nilapag ko ang tsokolate at nilapag nya naman ang kape nya saka kami nagsimulang kumain.

"Sa akin ka na sumakay mamaya" aniya at tumango ako.

Hapon na at lahat kami ay nakapag-impake na ng mga gamit namin. Lumapit sakin si Wanda at siniko ako habang nakatingin kay Tris na inilalagay ang mga gamit namin sa kotse nito.

"I'm happy for you, girl! Finally!" sabi nya at tumawa ako.

"George, tara na." tawag ni Tris at nagpaalam ako kay Wanda saka sumakay sa kotse ni Tris. Kumaway ako sa kanya bago rin ito sumakay sa kotse ni Zach.

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon