Episode 035
Papalubog na ang araw at nakasuot na ko ng isang mahabang light floral peach maxi dress at white strap sandals. Suot ang sumbrero ay naglakad-lakad ako sa dalampasigan habang dinadama ang malamig na ihip ng hangin. Lahat sila ay nasa loob at nagpapahinga dahil sa pagod sa pagsiswimming kanina. Tumigil ako at lumapit sa dagat para mabasa ang aking mga paa na puno ng buhangin saka pinagmasdan ang tanawin.
"Mykonos' sunset is one of the best views in the world" nilingon ko sya at nakasuot sya ng puting longsleeves at shorts. Nakapamulsa siya at nakatanaw lamang sa unti-unting paglubog ng araw.
Nilingon niya ako at ngumiti habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil sa pagkailang.
Naramdaman kong binalik niya ang tingin sa karagatan at nagsalita.
"Ilang araw na tayong magkasama dito sa Mykonos, George. Pero hindi manlang tayo nag-uusap ng maayos. So I just want to ask... Kamusta ka na?" tanong nya at agad ko siyang nilingon.
"Okay naman" diretsong sagot ko at bahagya siyang tumungo. He chuckled a bit at pagkatapos ay humarap sa akin. Mapupungay ang mga matang tumitig siya sakin at ramdam ko na hindi ko magugustuhang marinig ang sasabihin niya. Iniwas ko ang paningin ko sa kanya at pinigilan ang nagbabadyang pagluha.
"Ah, ang laki na ng pinagbago mo. Namimiss ko na kasi yung George, na makulit, masiyahin...yung dating George na willing gumawa ng paraan para sa akin, yung hindi ako sinusukuan. Yung George na patay na patay sakin."
Oh please, wag to...mukhang di pa ko handa para rito, please.
"Araw-araw pilit akong nagsosorry sa lahat ng mga nagawa at pagkukulang ko. Kahit na alam kong wala namang may sala sa nangyari. Iniisip ko kasi na kung sana naipagtanggol kita kay Sierra...kung sana naihatid kita noon sa school mo...kung sana pinuntahan kita ng mas maaga para magpaliwanag ang lahat at di na ipinagpabukas iyon. Di sana, di ka mapapahamak...I'm sorry for everything George, I really am sorry for all of it." he said it again, that two words na hindi ko inaasahan maririnig ko uli sa kanya ngayon matapos ang gabing iyon.
"Stop this, please" halos hindi ko na makilala ang boses ko dahil sa pagpipigil ko sa nagbabadyang paghikbi.
"I'm sorry, George. I'm really really sorry. At hindi ako titigil hangga't hindi mo ko napapatawad."
Nangingilid ang mga luhang humarap ako sa kanya.
"Tama na, Tris. M-matagal na yun. At napatawad ko na kayo sa lahat, nakalimutan ko na ang lahat ng sakit...nagmomove on na nga ko ngayon, eh." sabi ko
Umamba akong aalis doon ngunit agad niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at pinigilan.
"Wait, please hear me out...I want to tell you everything" aniya at mariin akong napapikit. Why does it have to be like this?
Hindi ko sya nilingon para di nya makita ang itsura ko.
"Okay, makikinig ako" sagot ko at narinig ko ang pagbuntong hininga nya.
"I was at your graduation that time...I was watching you from afar. Simula nung bumalik ako galing Italya...gustong gusto ko ng makasama ka. Halos hindi ako umalis sa tabi mo noon, I sing for you, I cry for you that time. Then my grandmom needed me, ang hirap sa akin na iwan ka. Pagkabalik ko, sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko lahat para bumalik ka sakin. To be more worthy of your love." aniya at halos pigilan ko ang sarili kong harapin sya dahil baka mas lalo akong manghina.
"But then, seeing you with Carlos kills me. Naisip ko na baka hindi ako ang para sayo. Dahil wala naman akong ibang ginawa kundi ang saktan ka. You almost die because of me. Then after that, umalis ako, nagpakalayo-layo...sinadya kong hindi magparamdam at putulin ang communications sa kanila. I want to be alone, to think about everything and also to forget. Kaya nga ako bumalik dito sa Greece...because this is my safe haven. Si Ate Lia lang ang nakakaalam kung asan ako. Hiniling ko sa kanya na wag iyon sabihin sa lahat. Akala ko makakalimutan kita, ang lahat. Pero hindi, each time I look in the sky, naalala kita. I miss you everytime and in all the things I do. Siguro ganun talaga pag sobrang mahal mo, George."
Inikot nya ako paharap sa kanya at halos hindi ko sya makita sa panlalabo ng aking paningin dahil sa mga luha... Pinunasan nya iyon at ngumiti sakin ngunit makikita pa rin ang sakit. He's hurt! I know it! The man I love until now is hurting because of me. Because I'm scared to tell him about how I truly feel. Kasi hanggang ngayon ay siya pa rin. Hanggang ngayon siya pa rin ang mahal ko at hindi nawala yon, kahit kailan.
"I still love you, George" aniya at hinaplos ang aking pisngi. napapikit ako at dinama iyon. I held his hand while it's still on my cheek at umaagos na ang mga luhang tumitig sa kanya.
"And I'm true about everything I just said." dagdag nya habang nakatingin sa mga mata ko.
"I --"
"Georgina..." agad kaming bumitaw at natigilan kasabay niyon ay lumingon ako sa tumawag sa akin.
Mabilis na bumitaw si Tris habang pinunasan ko naman ang mga luha ko.
"Anong nangyayari dito?" tanong ni Vini nang makalapit samin. Siniguro kong napunasan na lahat ng mga luha sa aking mga mata. Ngunit batid kong napansin niya ng umiiyak ako kanina.
Lumubog na ang araw kaya medyo madilim na rin sa pwesto namin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at napatungo hanggang sa napatingin ako sa gawi ni Tris nang lumapit ito kay Vini.
"Wala, sinamahan ko lang si George. Namimiss niya na daw kasi yung pamilya niya sa Pinas." si Tris at agad napatingin si Vini sa kanya.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito sakin. Tumingin ako kay Tris na tipid na ngumiti lamang sa akin.
"Maiwan ko na kayo" sabi nya at umalis na roon.
Sinundan ko sya ng tingin at parang hindi ko na naman mapipigilan ang pagluha.
"Georgina?" agad kong nilingon si Vini na nag-aabang ngayon sa akin.
"Tara na" pag-aaya ko at marahan syang tumango saka ako naunang maglakad pabalik sa villa.
Naisipan nilang mag-bonfire at saktong may dalang gitara si Terrence sa gabing yon.
"Kantahan tayo dali!" si Wanda at agad namang sinimulan ni Zach iyon. Kinanta nya ang Iris ng Goo Goo dolls pagkatapos ay pinasa kay Tris ang gitara.
"Ikaw naman pre, alam kong magaling kang kumanta." sabi nya at agad iyong tinanggap ni Tris.
"Oo na, oo na!" aniya at humalakhak saka umayos ng kaniyang puwesto.
"Go Sir Tris!" sigaw ni Wanda at nginitian niya lamang ito.
Sinimulan nyang magtipa ng isang pamilyar na kanta. Dahilan para mangunot ang noo ko.
"This time, this place. Misused , mistakes
Too long, too late...Who was I , to make you wait"Napatingin ako sa kanya at napatingin din sya sakin. Halos kumalabog ang puso ko dahil pakiramdam ko ay nasa akin ang buong atensyon niya.
"Just one chance, just one breath.Just in case , there's just one left. Cause you know...You know, you know..."
Nararamdaman ko na naman ang pagbabadya ng mga luha lalo na nung dumating na sa koro ang kanta. At hindi ko na rin napigilan pa ang palihim siyang sabayan.
"I love you, I have love you all along..." halos pumiyok ang boses ko habang sinasabayan sya. Tila wala na kong pakialam sa mga taong nasa paligid ko ngayon.
"and I miss you, far away for far too long.
I keep dreaming, you'll be with me and you never go. Stop breathing, if I don't see you anymore..."
BINABASA MO ANG
Far Away
RomanceHow far can you go? How long can you wait? For a love that has been too far away? Tristan Eros Porteu Linden or Tris has it all, he's smart, handsome, rich. An ideal man whom every woman or lady wants to have and no one has ever caught his attenti...