Episode 042

27 2 0
                                    

Episode 042


Lumipad kami ni Tris sa Canada para sa kasal nina Gabriel at Sierra. Ilang linggo ang nakalipas matapos ang pag-uusap namin sa cafe. Ilang araw rin akong sinuyo ni Tris dahil doon at aminado naman ako na pagdating sa kanya nagiging mahina ako. Kaya nga, ngayon ay magkasama kami sa kasal ng pinsan niya at ng babaeng minsan ay pinagselosan ko.

Isang klasikong tugtugin ang maririnig ngayon sa buong hall ng isang prestihiyosong hotel. Pinagmasdan ko ang napakagandang si Sierra kasama ang pamilya nina Gabriel sa unahan. Katatapos lamang ng kasal at lahat kami ay masayang nakikinig sa sinasabi ng papa ni Sierra sa unahan. Hindi ko inaasahan na sila ni Gabriel ang magkakatuluyan lalo pa at alam kong matindi rin ang pagkagusto nya kay Tris. I was jealous of her before because she got that model beauty and body. Pero ngayon na kasal na siya and how she sorry she was for all the trouble she'd cause. I guess it's time for me to put everything in the past.

"Kayo, kailan ang kasal?" tanong ni Kaizer sa amin at nakangiwi siyang nilingon ni Tris.

Most of our friends were sitted at the same table with us. As usual ay inaasar nila Kaizer si Tris.

"Wag kang atat..." si Tris at nagtawanan naman sila.

"Palibhasa, nape-pressure." dagdag ni Laxus at nagtawanan kami.

Suminghal si Tris saka inabot ang aking kamay at pinisil iyon. I turned to him just to see that his brows were furrowed while looking at me.

"Kailan nga ba tayo ikakasal?" parang batang tanong nya at lihim akong natawa.

"Bakit? Nag-propose ka na ba?" pang-aasar ko at ngumuso naman sya. He's still holding my hand and at the same time playing with some of my fingers.

"Kailangan pa ba yun? Kung sakin rin naman ang bagsak mo... tss" mahinang bulong nya at umirap na lamang ako sa sinabi niya. Saan kaya siya kumukuha ng lakas ng loob?

"Everyone, let's all give a toast for the newly weds" anunsyo ng papa ni Gabriel sa unahan at isa-isa kaming nagsitayuan. Itinaas ang aming mga wineglass para sa kanila saka sumimsim doon.

"Don't drink too much" bulong nya sakin habang nakatingin sa harapan.

Natapos ang kasal at pabalik na agad kami sa Mykonos para ayusin ang trabaho ko. We actually stayed in Canada for three days including the wedding ceremony. Nagpaalam na rin kami sa mga kaibigan namin at sa bagong kasal dahil may ilang bagay pa kaming aasikasuhin sa Mykonos.

I'm going to resign at Vini's company at magtatrabaho sa Lineage dahil yun ang gusto nya. No matter how much I told him that it's fine for us to work in a different company. He still insist on the thought of me working with him at the same place.

"I'll be just right here..." aniya at tumango ako saka pumasok sa opisina ni Vini.

"Georgina, nakabalik ka na pala" salubong nya sakin at ngumiti ako.

Tiningnan ko siya at napagtanto kong naging mabuting tao sa akin si Vini. He never asked for anything aside from my happiness. At gaya ng sinabi ko noon, he really deserve someone who will love him back, unconditionally.

"Andito ako para ibigay to." ani ko at nilapag sa mesa nya ang resignation letter.

"It will be effective after a week...Gusto kasi ni Tris na sa Lineage ako magtrabaho..."

"Si Tris, talaga... okay then. Basta imbitado ako sa kasal ha" pagbibiro nya at tumawa ako.

"Hindi pa nga nagpo-propose. Sige na, naghihintay na siya sa labas eh" paalam ko at lumabas na ng opisina niya.

Nagulat ako nang may humila sakin sa kung saan at bumulong sa aking tenga.

"Ang tagal mo, akala ko ano na nangyari sa loob... Papasok na sana ko para bawiin ka." aniya at napairap naman ako saka inalis ang braso nya sakin.

"Tara na, mag-aayos pa tayo" sabi ko at naunang maglakad.

Nag-aayos kami ng mga gamit nang biglang may tumawag sa phone ni Tris. I glanced at the phone and saw it was from an unknown number.

"Tris! Phone call!" tawag ko rito...

"Sagutin mo,"

Inislide ko ang screen ng phone nya saka iyon nilagay sa aking tenga.

"Hello?"

"Hello? Is my son there? This is his mom...I need to talk to him...Please, it's an emergency!"

"This is George po, may inaayos po si Tris sa kitchen. Ano po ba yun?" tanong ko

"May nangyari sa Lineage Architectures
...his father was being blamed for this. He needs to come here immediately please..." saad nito at agad akong napatingin kay Tris na ngayon ay nakalapit na sakin.

"His father was sued for stealing, kinasuhan sya. We need him here as soon as possible... please, hija tell him about this." halos maiyak ang boses ng kanyang mom sa kabilang linya. Napalunok ako dahil sa pag-iyak ng mom niya roon. The call was ended after her long cry. Halos manginig ako habang binababa ang phone niya.

I looked at him who is staring at me intently with a glass on his hand.

"Anong sabi?" tanong ni Tris sa akin.

I swallowed hard getting all the courage to tell him about what I have heard from his mother. I know for sure that this will be definitely hard for him.

"Ang Dad mo, Tris." saad ko at nangunot ang noo niya sa sinabi ko.

"What about my dad?" he asked confused

"K-kinasuhan daw sa salang pagnanakaw sa kumpanya ninyo. He's under arrest now and your mom said that they need you there." nanginginig kong sambit sa kanya at kita ko ang pagbitaw nya sa hawak na baso.

Halos mapapikit ako nang narinig ko ang malakas na pagkakabasag noon sa sahig habang nanginginig sya. Halatang hindi matanggap ang mga narinig mula sa akin. It was as if he's waiting for me to tell that this was just all a joke, a prank. Pero hindi, hindi iyon isang biro. It was the truth that was told to me by his mom.

Kung pwede ko lang sabihin sa kaniya na hindi totoo iyon para hindi siya masaktan ay gagawin ko. Pero hindi ko ata kaya dahil mahirap manipulahin ang katotohanan kahit gaano mo man ito kagustong takpan ng kasinungalingan, mapawi lang ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon