Episode 016

33 2 1
                                    

Episode 016



Maaga pa lang ay naka-abang na ko sa salas nina George.

"Kumain ka na ba, hijo?" tanong ng mama nya sa akin.

"Opo, kakatapos lang" sabi ko at tumango ito sakin saka nagtungo sa dining area.

Naglapag sya ng kape sa harapan ko at ngumiti sakin.

"Siya, magkape ka muna habang naghihintay. Nagbibihis pa siya eh..." sabi nya at ngumiti ako.

"George! Bilisan mo at naghihintay si Tris!"

"Opo!" rinig ko naman sagot ni George mula sa kwarto nito.

Uminom ako sa kapeng tinimpla ng mama nya at sakto naman ang paglabas nya sa kanyang kwarto. Magulo pa ang buhok nya pero kumpleto na ang suot nyang uniporme papasok ng eskwela.

Bitbit nya ang kanyang bag kaya naman napatayo ako para kunin iyon sa kanya.

"Akin na," sabi ko at umiling sya saka nilapag iyon sa maliit na center table.

Naglagay sya ng kung ano sa buhok nya saka sinuklay iyon pagkatapos ay muli nyang kinuha ang bag nya sakin.

Kumuha sya ng isang powder at naglagay sa mukha bago sinuot ulit ang salamin at isang pink na lipstick naman sa kanyang labi. Pagkatapos noon ay ibinalik nya ang lahat sa bag at bumaling sakin.

"Tara na," at nauna na syang lumabas ng bahay. Nagpaalam ako sa mama nya at tumango naman ito samin saka sumunod sa kanya palabas.

Papunta kami sa school nya nang magsalita sya.

"Gagabihin pala ako."

"Bakit?"

"May gagawin ako mamaya."

"Hihintayin kita"

"Hindi na, nakakahiya naman."

"Hindi ka dapat mahiya, mahalaga ka sa 'kin kaya ko ginagawa to." seryosong sabi ko at nag-iwas na lamang sya ng tingin sa akin at ibinaling ang atensyon sa labas ng bintana.

"Kung yan ang gusto mo." sabi nya at huminto naman ako nang makarating kami sa school niya.

Bumaba sya sa sasakyan at kumaway sakin bago pumasok sa loob. Dumiretso naman ako papunta kay mom dahil may usapan kaming magkikita nito.

Pagkarating sa isang restaurant kung saan kami magkikita ay agad ko syang nakita na sumisimsim sa kanyang red wine.

"Mom" bati ko at humalik sa kanyang pisngi. Nilahad nya ang upuan sa harapan at umupo ako roon.

"Kumain ka na?" tanong nya at umiling ako saka kumuha ng pagkaing nakahain na sa harapan. Mukhang umorder na siya bago pa man ako makarating.

"By the way, may isa pa tayong kasama." sabi nya ngunit hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain.

Ilang sandali pa ay narinig ko na ang isang pamilyar na boses na tumawag sa gawi namin.

"Tita!" tawag ng isang pamilyar na boses.

Ngumiti sa kanya si mom at bigla naman akong natigilan sa kinalalagyan ko. Nilingon ko sya nang makalapit siya sa amin. She looks more mature than the last time we met.

"Sierra! I miss you!" sabi ni mom at bumeso rito

"I miss you too, Tita. It's good to be back here! Hi Tris!" bati nito sakin sabay hawi sa kanyang umaalong buhok ngunit tumango lang ako.

I saw her pouted her lips nung hindi ko siya gaanong pinansin.

Sumabay sya samin ni mom at nakipagkwentuhan ito sa amin. Nagpatuloy lamang ako sa pagkain at sinasagot lamang ang mga tanong na tinatanong niya sakin. Napansin ko na malapit na pala ang awasan nina George.

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon