Episode 018

26 2 0
                                    

Episode 018


Ilang linggo na ang nakakalipas ngunit wala pa rin syang malay. Nasabi sakin ng ina nya na bumisita rin ang mga kaklase, kaibigan at professors nya sa school. Lahat sila ay nalungkot sa nangyari at sinapit ni George.

Tulala ako sa harapan ng pagkain kasama si mom at Sierra. Inimbitahan ako ni mom na kumain at hindi ko alam na inimbita niya pala si Sierra roon.

"Tris, Tris" napapitlag ako sa pagtawag ni mom at napatingin sa kanya. Nag-aalala ang kanyang mukha na nakatingin sa akin.

"Are you okay?" tanong nya

Hindi agad ako nakasagot, lumunok ako pagkatapos ay binaba ang kubyertos saka tumayo.

"I'm sorry, I have to go." paalam ko at umalis na roon.

Bumaba ako sa parking lot at binuksan ang kotse at sumakay. Nagmaneho ako papuntang ospital at agad akong binati ng guard doon.

"Good evening, Sir." bati nito at ngumiti na lamang ako.

Umakyat ako sa palapag ng kanyang kwarto pagkabukas ng elevator ay sumalubong sa akin ang kanyang ina.

"Magandang gabi po" bati ko pagkalabas ng elevator.

"Mabuti at nandito ka na...ikaw na muna magbantay sa kanya, magpapahinga lang ako..."

"Sige po, Tita." tumango siya sa akin at sumakay na sa elevator habang pumasok naman ako sa loob.

Ganoon pa rin ang itsura nya ngunit ang ilang galos ay gumagaling na rin. Hinalikan ko ang tuktok ng kanyang buhok saka muling umupo sa tabi nya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Kamusta? Sarap ng tulog mo ah...andami mo ng absences sa school. Baka di ka makagraduate nyan..." pagbibiro ko.

Tumayo ako saglit para mag-inat ng konti. Gumala ako sa buong kwarto at hinawi ang kurtina sa bintanang naroon. Walang ibang makikita bukod sa katabing building ng ospital.

Umupo ako muli sa kanyang tabi at hinaplos ang kanyang buhok. Ngumiti ako habang sinusuklay ang kanyang buhok.

"Would you help me find a new way?
Would you guide me through all of this again? Don't let me slip away...I need you here till the very end."

This is one of your favorite songs, right?

"So stay here with me. There's so much love in your smile, when I look at your face. And I'm here to stay. You're my first and my last loving you're my escape."

I remember how you usually sing this song, George. I can still recall it...I can still recall how you always sing this to me.

"You're the one I love and the one I need..." yumuko dahil sa hindi na namang mapigilang paghikbi.

This is almost new to me, I have never cried for a girl in my entire life. Nevertheless, I never felt like this. Somehow I felt, that she was the only one who can made me feel like this.

Kinabukasan ay nagising ako sa mahinang pagtapik sa aking balikat. Bumungad sa akin ang ina nya kaya naman napaayos ako.

"Tita, Magandang umaga po." bati ko rito.

"Magandang umaga din, andyan ang mom mo sa labas" aniya at gulat naman akong napatayo.

"Lalabas po muna ko" paalam ko at lumabas ng kwarto.

Nadatnan ko nga si mom sa harapan mismo ng kwarto. Suot ang kanyang cream coat and dress at isang handbag sa kanyang kamay.

"Tris...I heard what happened from Carlos, is she the girl you are talking about?" nag-aalalang tanong nya at hinaplos ang braso ko.

"Yes, mom. She's George."

"I'm very sorry for what happened... Akala ko kasi ay si Sierra pa rin. That you are still together."

"We have never been together, Mom. Walang naging kami ni Sierra. We are just merely friends that's all." hindi ko maitago ang inis dahil alam kong kung hindi nangyari yun at kung naihatid ko lamang si George sa school nya ay hindi mangyayari ito.

"Pasensya na anak.. I know how you feel right now. Pero nagpunta rin ako rito para sabihin sayo na pinapabalik tayo ng Lola mo sa Italya...and even if you don't like it, Sierra will come with us."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Iiwan ko si George? Sa ganitong lagay? No!

"Ayokong umalis hangga't di nagigising si George. I would never leave her... "

"Pero anak."

"No! Umuna kayo kung gusto nyo, susunod ako. I will never leave her here." sabi ko

"Alam kong mahirap sayo ang iwan sya. Pero,Tris listen to me...your lola is sick. She's dying and she wants to see you. Paano kung matagal pa naman magising si George? At sa paghihintay mo ay ang pagkamatay naman ng lola mo? Please,Tris...I promise we'll come back as soon as everything is fine."

This can't be right? Mahal na mahal ko si lola, sya ang nagpalaki sa akin mula pagkabata kasama si lolo noon. Tumingin ako sa pintuan kung saan sya naroon. As much as I don't want too pero pamilya ko ang nangangailangan sakin ngayon. Bakit ba kasi kailangan pang mangyari ito?

Tumingala ako para pigilan ang muling pagluha. I never thought that crying would be this tiring. Pumikit ako ng mariin bago nagsalita.

"Give me a time to decide...please." sabi ko

"Okay, I hope she also wakes up..." sinserong sabi nya at naramdaman ko na ang pag-alis nito.

Inayos ko ang aking sarili saka pumasok ulit sa loob. Napatayo ang kanyang ina at umambang lalabas na muli. Naupo ako sa kanyang tabi at hinawakan ang kamay nya.

"George, mukhang hindi ko makikita ang paggising mo...kaya magpapaalam muna ko. Aalis muna ako, kasi kailangan ako ng pamilya ko. You'll understand right?" pinilit kong ngumiti para maibsan ang lungkot na nararamdaman.

"As much as possible, I want to stay here with you. But I can't, kailangan nila ko, kailangan ako ng pamilya ko. Pero wag kang mag-alala, I'll be back as soon as I can...at sana, magkita pa tayo. I just want to tell you this walang naging kami ni Sierra. I never loved her nor anybody else. Sana naririnig mo ito, George dahil iyon ang totoo. Hindi ko mahal si Sierra."

Tumayo ako hinalikan ang kanyang labi. This is the second time that I kissed her and again she's still sleeping.

"This is all for now, George." sabi ko.

"Passengers of Flight ITY-9614 bounded to Rome, Italy. please proceed on board."

Tumayo ako at lumabas patungo sa boarding area. Nilingon ko pang muli ang kabuuan ng airport.

"Tris! Let's go" tawag sakin ni mom.

Nauna na sa loob si Sierra at umupo na sa naka-assigned na seat para sa kanya.

Pumasok ako sa loob ng eroplano at naupo naman sa tabi ni mom.

See you soon, George.

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon