Episode 032
Limang branch ang nilibot namin sa loob ng maghapon at parang di ko na talaga sya matatagalan pa! Bumalik kami sa opisina at dirediretso akong naglakad sa opisina ko habang sya naman ay dumiretso sa opisina ni Sir Vini. Bakit ba kasi sa dami ng pwedeng maging kliyente namin sa mundo ay siya pa?
"Oh, anong nangyari? Parang badtrip ka yata? May nangyari ba?" tanong bigla ni Wanda pagkapasok sa opisina ko.
"Ayoko na!" inis na sabi ko at magkakrus ang dalawang brasong sumalampak sa aking swivel chair. Umupo naman sya sa upuan sa harapan at pinagkrus din ang mga braso.
"Ano ba nangyari?" tanong nya nagtataka sa naiinis kong reaksyon. She looked at me intently, nakataas ang isang kilay habang nakatuon ang siko saking mesa.
Nanantya sa naging reaksyon ko kaya naman napabuntong hininga na lamang ako at kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari. Mula sa mga pang-iinis nya at pangungulit nya habang itinu-tour ko sya sa lahat ng branches ng mall.
"Baka naman ganun lang talaga yung tao, malay mo nakikipagkaibigan lang?" aniya at umirap ako. Kung alam niya lang talaga kung sino ang lalaking yun.
"Hindi sya ganun!" singhal ko at nagtaka naman siya dahil sa sinabi ko.
"At paano ka naman nakakasiguro? Bakit matagal mo na ba syang kilala?" aniya at bigla naman akong napatahimik.
"Ano, George...kilala mo ba si Sir Tris?" nanliliit na mga matang tanong nya sakin.
Nag-iwas ako ng tingin at napasinghap saka nakangiwing tumango sa kanya.. Napatayo naman siya sa sobrang gulat. Even her mouth shapes like an 'o' dahil sa sinabi ko. Nanlalaki pa ang mga mata at halos paypayan niya ang sarili dahil sa tugon ko.
"Seryoso?! Paano?! Ano mo sya?! Ex? Pinsan? Kapatid?! Tiyuhin?! Bestfriend?! Ano?!" naghihisteryang tanong nya at binato ko naman sya ng folder.
"Umayos ka nga!" sita ko
"Eh kaano-ano mo nga sya?" muling tanong niya at huminga naman ako ng malalim bago siya sinagot.
"Siya yung huling lalaking minahal ko," tipid na sagot ko.
"Yung the one that got away mo?!" gulat na usal niya dahil sa naging sagot ko.
Tumango ako at napatakip naman sya ng bibig habang gulat na napatingin sakin. Hindi makapaniwala sa naging sagot ko.
"I - I just can't believe it! Si Sir Tris? Oh my gosh! Yung gwapong bagong kliyente natin? Siya ang the one that got away mo?" tanong nya tila hindi ata makakakalma dahil sa mga naririnig niya ngayon mula sa akin.
"Oo, hindi ko nga inaasahan na magkikita kami at sa ganitong pagkakataon pa." sabi ko
"Kasi nga malay mo, kayo ang nakatadhana sa isa't isa!" sabi nya at napailing naman ako.
"Baka nagkataon lang"
"Tigilan mo nga ko! Sabihin mo...may nararamdaman ka parin ba sa kanya?" mapanuring tanong niya sakin matapos maikalma ang kaniyang sarili.
Yumuko ako at pinag-isipan iyon, meron pa nga ba? Sa totoo lang wala namang nagbago eh. Hindi naman ako magsisinungaling sa sarili ko. Sadyang ayaw ko lang talagang ilabas ang totoong nararamdaman ko lalo na sa kanya. Marahan akong tumango at para syang baliw na nagtatatalon dun sa sobrang kilig dahil sa nalaman.
"Miss Georgina?" agad syang napatigil nang biglang kumatok si Sir Vini sa opisina kasama si Sir Tris.
Natatawa akong tumayo nang makitang ngumiwi si Wanda pagkakita sa dalawa. Sigurado ako na mas gugustuhin niyang lamunin ng lupa ngayon dahil sa nahuli siya ni Sir Vini.
Lumapit ako sa kanilang dalawa at nagtama ang mga mata namin. Agad kong tinuon ang atensyon kay Sir Vini at nagsalita.
"Yes, Sir"
"Tomorrow, pwedeng di ka na pumasok... Mr. Linden requested that you must join him for the next three weeks..." sabi nya at nanlalaki ang mga matang napaamang ako.
"But, Sir!"
"No, buts, Miss Georgina. The client has requested it so we need to do it." sabi nya at agad akong napatingin sa kanya.
Nakatingin sya sakin habang nakasandal sa may pintuan ngumingisi at parang sinasabi na sumunod na lamang ako sa boss ko dahil wala na kong magagawa pa. Nakakainis ka talaga!
"Okay, Sir" walang ganang sabi ko at tumango sila saka naglakad palabas. He even waved at me before they went out of my office.
Sumunod si Wanda sa kanila at bumulong sakin.
"Good luck!" pang-aasar nya at lumabas na rin.
Naglalakad ako pauwi nang biglang may bumusina sa likuran ko. Agad ko iyong nilingon at isang itim na bugatti ang tumambad sakin. Halos masilaw pa ko sa lakas ng ilaw noon kaya iniharang ko ang mga braso ko sa aking mga mata. Bumaba ang sakay niyon at mabilis akong napayuko.
"Sir Vini!"
"Vini na lang, Georgina." aniya habang nakapamulsa at nakatingin sakin.
"But, you're my boss" pagprotesta ko at umiling siya sa akin.
"You know, I like you right? And I want to build a special relationship with you. Kaya kung maaari sana, please drop the Sir or any kind of formalities kung wala na tayo sa trabaho or tayong dalawa lang. Please?" sinserong aniya at hinawakan ang kamay ko.
"Okay, Sir...I mean Vini" naiilang na sagot ko at agaw bumitaw sa pagkakahawak niya.
"By the way, pauwi ka na ba? Hatid na kita" alok nya
"Oo, pero nakakahiya naman...saka sanay naman akong lakarin pauwi eh..." sabi ko at nagpumilit sya.
"Come on, Georgina. I insist, isipin mo na lang na parte ito ng panliligaw ko sa iyo."
Lumunok ako at nag-isip hanggang sa marahan akong tumango at naglakad papunta sa kabilang side ng kotse. Umikot din sya para pagbuksan ako ng pinto. Pasakay na sana ko nang dumating ang isang pamilyar na kotse sa tabi namin.
"Vini!" bumaba sya sa kotse at agad napatingin sakin.
"George" tawag niya at agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya.
"Pauwi ka na rin, Tris?" tanong ni Vini rito at tumango sya.
Palihim akong sumulyap sa kanya at napagtantong sa akin nakatuon ang mga mata niya. Agad siyang bumaling kay Vini at nagsalita.
"Sige mauna na ko, ingat kayo." aniya at agad sumakay sa kotse ng hindi na ko muling tiningnan pa.
Sumakay na rin kami ni Vini sa sasakyan nya at hinatid ako nito pauwi.
BINABASA MO ANG
Far Away
RomanceHow far can you go? How long can you wait? For a love that has been too far away? Tristan Eros Porteu Linden or Tris has it all, he's smart, handsome, rich. An ideal man whom every woman or lady wants to have and no one has ever caught his attenti...