Episode 027
Bumalik kami sa opisina ni Wanda at agad bumalik sa kani-kaniyang trabaho. Abala ako sa pag-uupdate at pag-aayos ng ilang files ng kumpanya.
"Ms.Georgina" halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Sir Vini sa harapan ko. Mabilis akong napatayo at agad inayos ang desk ko.
"Sir!" agad kong bati rito at nagtaas naman sya ng kilay sa akin.
Masyadong nakakailang ang paninitig nya dahil napakaseryoso noon. Parang ni minsan ata ay hindi ito ngumingiti sa amin. Itinuon niya ang mga kamay niya sa desk ko at lumapit ng bahagya sakin. Our face is almost inches apart at amoy na amoy ko ang pabango niya dahil sa puwesto naming dalawa.
"You come with me, tonight. We have something to talk about." dahan-dahang aniya at tumayo ng diretso saka nakapamulsang naglakad palabas.
"Yes, Sir" sagot ko kahit nakaalis na ito at agad din naman akong bumalik sa trabaho. Habang nagtataka kung ano ba ang pag-uusapan namin mamaya. Sa tingin ko naman ay maayos naman ang trabaho ko. Kaya ano naman ang pag-uusapan namin?
Huminga na lamang ako ng malalim at tinuloy ang naudlot na trabaho kanina.
Hanggang hapon ang trabaho ko sa kumpanya ni Sir Vini. Kung minsan ay nag-oovertime ako depende kung kailangan ko ng extra. May-ari ng isang mall chain si Sir Vini at dito sa Mykonos ang pinaka-headquarters ng naturang mall chain. Hindi ko nga inaasahan na isang malaking kumpanya ako mapupunta, gayun hindi naman ako grumaduate with flying colors.
Niligpit at inayos ko ang mga gamit ko sa opisina. Lumapit naman si Wanda sa akin habang naniningkit ang mga mata.
"Hoy! Balita ko inaya ka raw ni Sir Vini mamaya sa isang dinner? Ikaw ha!" sabi nito at umiling ako.
"Wag ka nga. Tungkol lang siguro sa trabaho yun, executive assistant kaya ako diba?" sabi ko at umirap naman sya sa naging sagot ko.
"Tara na, andyan na si Zach sa labas..."
Lumabas kami ng opisina at naroon na nga ang boyfriend nyang si Zach. Humalik si Wanda rito pagkatapos ay binati ako ni Zach.
"Hi, George!"
Ngumiti lamang ako pagkatapos ay nagpaalam na kay Wanda.
"Wanda, una na ko."
"Sige, hoy! Balitaan mo ko bukas!" sigaw nya at kumaway ako sa kanya bago naglakad pauwi.
Nasa mismong resto na ko na sinabi ni Sir Vini kanina. Sinuot ko ang isang floral gypsy skirt at isang white blouse saka isang gladiator sandals.
Naglagay din ako ng kaunting lipgloss pagkatapos ay sinuklay ang aking maikling buhok at naglagay ng isang floral cloth headband. I cut my hair before I went to Mykonos last year at pinatili ko na iyon hanggang ngayon.
Alas-otso nang dumating si Sir Vini sa resto at agad naman akong napatayo sa aking pwesto.
"Good evening, Sir" pagbati ko rito.
"Sit down, Sorry if I'm late... May inasikaso lang ako sa bahay." aniya at tipid akong ngumiti rito.
Umupo kami at agad nyang sinenyasan ang waiter. Tumingin ako sa baba kung saan tanaw ang dagat ng Mykonos dito sa Greece.
"Miss Georgina"
Napatingin ako sa kanya at halatang seryoso ang mukha nya. Somehow it reminds me of someone I know.
"Anong sayo?" tanong nya
"Oh, pasta na lang" sabi ko at tumango siya.
"Mia salàta kaísaras kai èna zymarikó. Epísis énas chymós syn kókkino krasí, parakaló. (One caesar salad and one pasta. Also one juice plus red wine, please.)" sabi nya sa waiter at tumango ito.
Tumingin muli ako sa dagat at dinama ang simoy ng hangin na galing roon. Ilang sandali pa ay dumating ang orders namin at nagsimula kaming kumain.
"By the way, the reason why we are here is because darating ang bago kong business partner. Kaibigan siya ni Terrence my cousin. He's from a well-known business industry and ikaw ang naisip kong sumama sa kanya. For now, I want you to tour him sa mall natin dito sa Mykonos. You will meet him by Saturday. You need to make sure na pipirma siya sa atin dahil balita ko ay pinag-aagawan ang products nila ng iba't ibang malls. Kaya mas maganda kung sa atin sila mapupunta."
"Uhm, sige sir. I'll make sure that the client will definitely sign with us, as soon as possible." tanging sagot ko at nagpatuloy kami sa pagkain.
"Anyway, Do you have a boyfriend?" biglaang tanong nya dahilan para masamid ako sa kinakain ko.
"Ho?!" gulat na usal ko at agad syang napatayo roon.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong nya at agad akong uminom sa aking juice.
"Yes, nabigla lang ako sa sinabi nyo and wala akong boyfriend." sagot ko at tumango sya.
"Bakit ho ba?" tanong niya at umiling siya sa akin.
Nabalot kami ng katahimikan at nakaramdam ako ng pagkailang matapos ang tanong niyang iyon. Matapos kumain ay nag-prisinta syang ihatid ako. Hindi na ko nakatanggi pa dahil masyado ng gabi at wala ng cab o kung ano mang masasakyan pa sa labas.
Inihinto nya ang sasakyan sa harap ng tinutuluyan kong bahay at mabilis na bumaba para pagbuksan ako ng pinto.
"Georgina." tawag nya para mapalingon ako
"Yes, Sir?"
Dahan-dahan syang lumapit sakin at pagkatapos ay ginawaran ako ng isang maliit na halik sa aking noo. Nabigla ako dahil doon at nanlalaki ang mga matang tumingin sa kanya. He looked at me intently as he towered over me. Mapupungay ang kanyang mga mata at naiilang ako sa sobrang lapit niya sakin.
"Sir, ang lapit nyo po." nahihiya kong sambit at mas lalo niyang inilapit ang mukha niya sakin. Halos maliyo ako sa sobrang lapit niya sakin na konti na lang ay mahahalikan na nya ko. Oh my gosh, George! Umayos ka, don't you dare kiss your boss! Napapikit na lamang ako sa gagawin niya pero ganun na lamang ang gulat ko nang maramdaman ko ang hininga nya sa aking tenga.
"I like you, Georgina... I like you very much and I'm serious about it..." aniya at ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Lumayo siya sa akin pagkatapos ay ngumiti saka naglakad patungo sa kanyang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Far Away
RomanceHow far can you go? How long can you wait? For a love that has been too far away? Tristan Eros Porteu Linden or Tris has it all, he's smart, handsome, rich. An ideal man whom every woman or lady wants to have and no one has ever caught his attenti...