Episode 002

82 4 1
                                    

Episode 002



Gabi na nang maunang umuwi si Mila kasama sina Carlos. Samantalang naiwan naman sina Ate Lia at Kane dahil lasing na ang huli at tulog na rin ang dalawang bata sa guest room.

Nasa kusina kami ni Ate Lia at nagliligpit ng mga pinagkainan kanina. Inilapag ko ang mga plato sa may lababo at bigla syang nagsalita.

"Nagkita na kayo?" tanong nya

"Nino?"

"Sino pa ba? Si George!"

"Hindi pa"

Lumapit ako sa counter para ayusin ang mga nakakalat roon at sumunod naman sya.

"Wala ka bang balak magpakita sa kanya?" tanong nya muli.

"Hindi ko alam"

"Ay, naku! Tris, sinasabi ko sayo...Alam mo bang bihira sa mga babae ang maging ganyan kainteresado sa taong di pa nila nakikita. Lalo na kung magkakagusto ito sa kanila."

"Gwapo kasi ako, ano ka ba?" pagmamayabang ko at malakas niya kong binatukan.

"Baliw ka ba?! Kita mo ng hindi pa kayo nagkikita pero nagustuhan ka na nya. Ibig sabihin lang noon, wala syang pakialam kung ano man ang hitsura mo!"

"Tss."

"Sige na, matulog na tayo." anyaya nya at nauna ng lumabas sa kusina. Sumunod naman ako pagkatapos maghugas at mag-ayos ng mga plato at dumiretso na sa aking kwarto.

Kinabukasan ay tinawagan ko si Mila para ayain ito na mamasyal. Masyado akong nababagot sa bahay dahil wala akong masyadong kasama at kakatapos ko lang din ayusin ang mga gamit ko mula kanina.

Kaaalis lang din ng mag-asawa at binulabog pa ko ni Ate Lia bago sila umalis.

Ilang magkakasunod na ring ang naganap bago nya sinagot ang tawag.

"Oh?" sagot nya

"Tara gumala" sabi ko

"Ayoko, tinatamad ako."

"Libre ko."

"Ay! Hindi mo naman sinabi! Teka magbibihis lang ako."

"Tss...Bilisan mo at malapit na ko" ani ko rito at binaba ang tawag.

Hinintay ko sya sa kanilang kanto at nang makalapit ay agad itong sumakay sa loob. Nagmaneho naman ako paalis doon habang siya ay panay ang sipat sa kanyang cellphone.

"Saan tayo gagala?" tanong nya.

"SM Lipa" sagot ko

"Isama natin si George?"

Nilingon ko siya nang sabihin niya ang pangalan ni George. Ngunit agad ko ding ibinalik ang tingin ko sa daan bago nagsalita.

"Tawagan mo, itanong mo kung gusto." utos ko at nagtipa siya sa kanyang cellphone.

"Hello? George! Asan ka?"

"Kasama ko si Kuya, pupunta kaming SM gusto mo sumama? Sa Lipa, oo pero nagdadrive siya eh...Ano sasama ka?"

Tumingin sakin si Mila at tumingin din naman ako sa kanya na tila nagtatanong sa kung anong sinabi ng kaibigan dito.

"May klase ka? Naku, sige next time na lang. Bye!" at binaba niya cellphone.

"Hindi siya sasama, may klase pa raw kasi siya."

"Ikaw kelan ka papasok? "

"Sa tamang panahon!" sagot niya at nilingon ko siya.

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon