Episode 044
Isang linggo ang nakalipas at tapos na ang trabaho ko kay Vini. Araw-araw ay tumatawag si Tris sa akin para makapag-usap kami kahit pa alam kong kailangan niyang magpahinga sa mga oras na yon. Malapit na rin ang pasko kaya marami ang turista na dumarayo at nagbabakasyon ngayon dito sa Mykonos. Pabalik na rin ako sa Pilipinas sa gabing ito at doon na lang namin binalak na magkita ni Tris.
"George! Laya na si Dad!" masayang balita nya habang inaayos ko ang mga gamit ko sa maleta.
"Thank God! Ano daw nangyari?" tanong ko.
Nasa harap ko ang laptop kung saan kami nagvi-video call. He was outside a certain building at mukhang nagsisimula na rin ang winter season doon.
"May naglagay ng pera sa account ni Dad and isa yun sa mga business partners nya base sa investigation. Nalulugi na raw kasi yung kumpanya nila dahil sa gambling addiction nung may-ari. Hindi siya natulungan ni Dad dahil alam niya na mapupunta lamang sa wala ang ibibigay niya kasi malamang ay isusugal niya lamang iyon. Kaya ayun nagtanim siya ng galit kay Dad. After that, siniraan nya na si Dad." pagkwekwento nito..
"Nahuli na ba ang tunay na may sala? Yung business partner ng Dad mo?" tanong ko pang muli
"Oo, hawak na sya ng mga pulis ngayon..."
I sighed in relief after hearing the news from him. Mabuti na lamang at nagawang linisin ang pangalan ng Dad niya.
"Ngayong gabi pala ako uuwi ng Pinas... uhm, dun na tayo magkita, okay?" sabi ko at tumango sya
"Sige, see you soon!"
Matapos ayusin ang mga gamit at ang tawag ay naligo na ko para sa aking pag-alis. Nakapagpaalam na ako kay Wanda na sa wakas ay sinama na rin ni Zach sa Japan. Halos maiyak pa siya habang nagpapaalam ako sa kanya at the same time ay masaya rin dahil napapayag na niya si Zach sa gusto niya. Maging kay Vini at Terrence ay nakapagpaalam na rin ako. Vini even gave me a last hug bago ako tuluyang umalis sa kumpanya niya. Terrence also gave me a last hug that time.
Nagbihis lamang ako ng isang highwaist pants at boots saka iyon tinernuhan ng white blouse at isang vest bago ako tumulak papuntang airport.
Mahaba ang naging byahe ko pabalik ng Pinas ngunit nanatili akong gising sa buong byahe. Masyado akong nasasabik sa pag-uwi na kahit ang matulog ng saglit ay hindi ko muna ginawa. Sa halos isang taon kong pagtatrabaho ay nagawa kong dagdagan ng second floor ang bahay namin. Halos hindi rin ako mapakali sa sobrang tuwa dahil sa aking pag-uwi sa bansa. Hanggang sa makalapag ang eroplano at makarating ako sa bahay kung saan lahat sila ay sinalubong ako.
"Welcome home!" malakas na sigaw nila pagkapasok ko pa lamang sa loob.
Sobrang tuwa ang naramdaman ko lalo na nung isa-isa silang yumakap sakin.
"Namiss kita!" si Mila na hanggang ngayon ay wala paring pinagbago. Maganda at maayos pa rin ang itsura nya, dagdag pa na tumangkad sya ngayon at mas lalong nahubog ang katawan. Mas pumuti rin siya at bumagay ang medyo mahabang buhok sa kanya.
"Malamang ako rin..." sabi ko at maging si Alessa at Ashley ay lumapit samin.
"Hi, George!" si Kaizer na naroon na agad sa mesa at kumakain kasama si Lissa.
"Kumain ka na, alam kong pagod ka" si mama habang minumwestra ang hapag sa akin.
Lahat kami ay nagsilapitan sa mesa na puno ng iba't-ibang hinandang putahe. Bumati sakin si Carlos at Ian habang kumaway naman si Laxus at Louise dahil abala na rin sila sa pagkain.
Nagsimula na rin kaming kumain at nagkaroon ng ilang kwentuhan tungkol sa mga naging karanasan ko sa Mykonos at sa muli naming pagkikita ni Tris. Matapos iyon ay isa-isa silang nagpaalam pauwi.
Nagpaalam na rin ako sa mga magulang ko na magpapahinga na dahil mukhang tinamaan na rin ako sa wakas ng pagod at antok mula sa mahabang biyahe. Tinulungan ko lamang silang magligpit saka ako pumanhik sa aking kwarto. Bumagsak ako sa aking kama at unti-unti ng binalot ng pagod at antok.
Kinabukasan ay halos mag-hapon akong natulog at nagising na lamang ng mag-alas dos na ng hapon. Bumangon ako at naligo saka bumaba sa salas. Napansin ko silang tulala roon at tila may malalim na iniisip. Agad akong nagtaka dahil lahat sila ay hindi umiimik.
"Bakit ang tahimik nyo?" bungad ko at napansin ko ang pamumugto ng mga mata ni Ashley na nakatingin sa akin.
"Anong nangyari?" tanong ko tila kinakabahan sa anumang maririnig mula sa kanila.
Hindi sila umimik at tila tinitimbang ang nangyayari at ang mga sasabihin sa akin kaya naman marahan akong lumapit sa kanila.
"Bakit ang tahimik niyo? May nangyari ba na dapat kong malaman?" tanong ko sa kanila at tumayo si Carlos sa kabilang dulo ng sofa dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Ang mga mata niya ay puno ng sakit at lungkot na tumingin sa akin. He gasp for some air just to tell me what's really happening right now. At sa itsura pa lamang niya at ng mga kaibigan namin ay lalong namuhay ang kaba sa akin.
"G-George, wag kang mabibigla sa sasabihin ko... pero" tumingin sya sa mga kasama saka may kinuhang isang zip bag sa likuran ni Kaizer at iniabot iyon sakin. Nakita ko agad ang isang pamilyar na bagay at agad ko iyong kinuha mula sa kanya. Iyon ang keychain na binigay ko kay Tris sa Mykonos!
"B-Bakit nasa iyo ito?" tanong ko at mabilis siyang nag-iwas sya ng tingin sa akin. Kahit sila ay hindi ako magawang tingnan habang hawak-hawak ko ang binigay ni Carlos
Nangingilid na rin ang mga luha ko sa sobrang kaba at tensyon na nararamdaman... Ano ba talagang nangyayari? Bakit ayaw nila akong sagutin? Bakit ganito ang reaksyon nila? May nangyari ba na hindi ko alam?
Sa pagdami ng mga tanong sa aking isipan ay mas lalong sumisikip ang dibdib ko dahil sa hindi maipaliwanag na kaba at sakit. Hindi ko alam pero mukhang di ko kakayanin ang anumang sasabihin nila dahil sa likod ng aking isipan ay nahihinuha kong may masamang nangyari sa taong pinakamamahal ko.
BINABASA MO ANG
Far Away
RomanceHow far can you go? How long can you wait? For a love that has been too far away? Tristan Eros Porteu Linden or Tris has it all, he's smart, handsome, rich. An ideal man whom every woman or lady wants to have and no one has ever caught his attenti...