Episode 009

40 2 0
                                    

Episode 009



"Sino yun?" tanong nya habang pabalik kami sa bahay.

"Wala" tanging sagot ko at niliko ang sasakyan papasok sa subdivision nina Carlos.

"Wala, pero hinabol mo kanina. What's her name again? George? Too masculine." aniya at hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lamang sa pagmamaneho.

Inihinto ko ang sasakyan sa labas at bumusina. Agad na lumabas ang kasambahay nila at binuksan ang gate. Pinasok ko ang sasakyan sa loob at agad na bumaba si Lissa roon.

Binitbit ko ang ilan sa pinamili nya at sinalubong kami ni Carlos sa tapat ng pinto. Hindi siya pinansin ni Lissa at nagtuloy-tuloy lang papasok sa loob.

"Let me help you," aniya at kinuha ang ilang paper bags sa akin.

"Thanks"

"Sorry for the trouble." sabi nya at umiling ako.

"Ayos lang, hayaan mo na lang sya...Mamaya ay kakausapin ka rin niyan." sabi ko at pumasok kami sa loob.

Inaayos namin ang mga paperbags at inihilera iyon sa may bar counter saka pumunta sa kusina para kumuha ng makakain.

"I saw George." ani ko at humarap sa kanya.

"What happened?" tanong nya at pinatong ang hinandang pagkain sa mesa.

"I chased her" sagot ko at kumuha sa mga hinanda nya.

"Then?"

"Kaso hindi ko nahabol," sagot ko at nagkibit-balikat na lamang.

Nakita ko ang marahan nyang pag-iling at agad akong napalingon sa may hagdanan ng makarinig ng mga yabag mula rito.

"Ano yan?" tanong ni Lissa na kabababa lang mula sa kanyang kwarto. Nakapagpalit na sya ng pambahay at naglalakad papalapit sa amin.

"Sushi at California maki, oh kumuha ka." alok sa kanya ni Carlos at kumuha naman sya.

"By the way, anong pinag-uusapan nyo?" tanong nya.

Magsasalita na sana si Carlos nang may pumasok sa pinto ng bahay.

"Surprise!" sigaw ni Mila at kasunod nya ang apat na mabilis din pumasok sa loob.

Matapos iyon ay tumayo ako para salubungin sila sa salas.

"Hey..." bati ko kay Mila

"Lilipat daw kayo?" tanong nya sa akin.

"Yes, sasamahan namin yung pinsan ni Carlos sa kanila."

"Sino?" tanong nya

"Siya" at tinuro ko si Lissa na abala sa pagkain ng sushi habang nakikipag-usap na kay Kaizer.

"Her name is Lissa. Siya yung pinuntahan namin nung birthday mo" ani ko at tumango naman sya.

"Ah..."

Tinulungan nila kami na ilagay ang mga gamit namin sa loob ng van na inarkila ni Carlos kahapon. Pagkasara niyon ay biglang nagtanong si Mila sa akin.

"San kayo lilipat?" tanong niya

"Hindi ko alam, sumama ka para malaman mo." sagot ko

"May gagawin ako eh, sa susunod na lang"

"Sige, but try to visit us sometimes. Okay?" sabi ko at sumakay na rin sa loob ng van.

Kumaway sila sa amin at tuluyan ng pinaandar ni Carlos ang van.

Narating namin ang bagong bahay ni Lissa at agad kaming sinalubong ng tagapangalaga ng mismong bahay.

"Welcome po, Sir." anang matandang babae sa amin at mabilis kaming tinulungan sa mga bagahe.

"Pasensya na po at hindi ako masyadong nakapaglinis..."

"Ok lang po," sabi ni Carlos dito at pumasok kami sa loob.

Dumiretso ako sa taas para ilagay ang mga gamit ko sa aking magiging kwarto. Inayos ko ang mga gamit bago ako lumabas at naabutan silang kumakain sa salas.

"Tris!" tawag sakin ni Carlos at tumango ako.

"Movie marathon daw tayo bukas." sabi nya at nagtaka naman ako dahil bihira naman namin gawin iyon. Usually kapag may balak na slumber party.

"Anong movies ba? Saka para saan?" tanong ko.

"Basta malalaman mo." aniya at mas lalo akong nagtaka.

Kinabukasan ay napansin kong nakaline-up na lahat ng dvds na papanuorin namin sa movie marathon. Napansin ko rin na kanina pa nagtitipa sa cellphone nya si Lissa at panay ang silip nito sa labas.

Ilang saglit pa ay dumating si Kaizer sa bahay at agad siyang sinalubong ni Lissa.

"Sa tingin ko may namumuong something dyan sa pinsan ko at sa kaibigan natin." ani Carlos sa likuran ko at napansin ko nga ang pagiging malapit ng dalawa.

"Ehem, Kaizer anong movie pala gusto mong unahin?" biglang salita ni Carlos sa kanila at napatalon naman si Kaizer sa gulat nito.

"Carlos naman! Walang gulatan!" sita ni Kaizer at tinuro lang ni Carlos ang mga dvds na naroon.

"Ah, kukuha lang din ako ng foods natin" singit naman ni Lissa at nagmadaling tumakbo papunta sa kusina.

Kumuha naman ng dvd si Kaizer at sinalang iyon. Naupo kami ni Carlos habang si Kaizer ay nakatayo pa rin sa harap namin. Magsasalita na sana si Carlos nang biglang dumating si Lissa dala ang mga pagkain at agad silang nagtabi ni Kaizer. Nagkatinginan kami ni Carlos at pinagmasdan ang dalawa.

Kinagabihan ay madalang na nagkalayo sina Lissa at Kaizer. Paminsan-minsan ay sinisilip sila ng palihim ni Carlos habang ako naman ay hinahayaan na lamang sila. Hatinggabi na at nakakatulog na rin si Lissa. Sasandal na sana ang ulo nito sa balikat ni Kaizer nang bigla naman sumigaw itong si Carlos.

"Ahh!"

Agad na napatalon ang dalawa at bahagya naman akong natawa dahil sa mga itsura nila.

"Carlos!" sita ni Lissa at napakamot naman si Kaizer sa ulo niya.

"Lissa, ubos na yung chips pakuha naman." biglang singit ko at tumayo na si Lissa at kinuha ang lagayan namin doon saka nagtungo sa kusina.

"Anong meron sa inyo ni Lissa?" diretsong tanong ni Carlos kay Kaizer. Seryoso ang mukha nya ngayon habang si Kaizer naman ay hindi na mapakali sa kinauupuan nito.

"Ah, eh..." naiilang na tugon ni Kaizer sa kaibigan.

"May gusto ka ba sa pinsan ko?" isa pang tanong ni Carlos at kita ko ang bahagyang paglunok ng isa.

"Carlos!" biglang sumabat si Lissa sa amin at pumagitna sa dalawa.

"Oo, balak ko sanang ligawan si Lissa, Carlos." biglang sagot ni Kaizer at gulat kaming napatingin sa kanya.

"Seryoso ka?" usal ko at tumango lamang ito.

"Yeah, alam kong simula pa noon pagkain na ang gusto ko. Pero simula nung dumating si Lissa. Parang nag-iba kumbaga sa pagkain siya yung tingin kong babalik-balikan ko. Gusto ko si Lissa and ngayon lang ako nagkagusto sa isang babae." tugon ni Kaizer at tumingin kami kay Carlos na napatayo na ngayon.

"Fine, but I'm watching you. Wag na wag mong sasaktan ang pinsan ko." anang Carlos at tumango na lamang si Kaizer.

"I promise..." sagot nito at nagkatinginan sila ni Lissa.

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon