Chapter 1

2.7K 84 14
                                    

Ivan's POV

"Mom bakit kasi kailangan pa nating umuwi dito" irap na sabi ni Ate Erine.

"Erine Abigail Howelle pwede bang tumahimik ka na lang" irap ding sabi ni Mom nagkatinginan kami ni Dad.

"Nandito na po tayo Sir Nathan" sabi ng driver namin kaya bumaba na kami.

"Look Mom ang init init pa" pagrereklamo ulit ni Ate.

"Malamang nasa Pilipinas ka Erine at wala sa US" sabi ni Mom at nauna ng pumasok sa loob ng bahay namin.

"Tss" sabi ni Ate at sumunod na din..

"See? Son tayo lang talaga ang matino sa pamilya natin" sabi ni Dad.

"Oo nga Dad eh" pagsang ayon ko at natawa nalang si Dad sumunod na din ako.

"Tita Natalie" nakangiti kong bati kay Tita.

Napansin kong nag irapan si Rain at si Ate Erine.

"Bakit pinauwi mo na kami agad?" tanong ni Dad.

"Kasi Ice pinauwi ka ni Dad dahil nga daw may huling sulat si Mom after she died eto oh" sabi niya at inabot kay Dad yung sulat.

"Ay nga pala kay Ivan lang pala yan" sabi ni Tita Natalie at kinuha ulit kay Dad yung sulat at inabot sakin.

"Ano ba kasi yan?" tanong ni Mom.

"Basta tara na nga dun muna sa may Dinning Table" sabi ni Tita at hinila na sila Mom.

Si Rain addopted daughter lang siya ni Tita kasi nga natrauma na si Tita after niyang makunan nung iniwan siya ng Ex Husband niya. Kaya nag ampon na lang siya.

Umupo muna ako sa may sofa at binuklat yung sulat.

Dear Ivan,

Wag mong ipapabasa 'to kahit kanino ah.

Apo gusto kong hanapin mo si Bianca. Si Bianca ang fiance mo napag alaman ko na tumakas siya sa bahay nila kaya Apo please hanapin mo siya. Alam kong ayaw mo rin sa kanyang nagpakasal pero Apo para sakin please pakasalan mo siya hanapin mo siya. Mag enroll ka sa Liberty Academy at hanapin mo siya.

Alam kong nagtatago lang siya Apo kaya sana please hanapin mo siya. Para sakin.

Love,

Lola❤

Napahinga na lang ako ng malalim san ko naman mahahanap yung Bianca na yun?.

By the way Im Ivan Josh Howelle..

Nakakainis naman kasi bakit ba ayaw niyang magpakasal sakin?

Hindi naman sa may gusto ako sa kanya.

Kasi binibigyan niya pa ko ng sakit sa ulo.

"So? Ano ang nakalagay sa sulat little bro?" tanong ni Ate at umupo sa tabi ko.

"Tss Bianca is missing" sabi ko.

"Bianca yung fiance mo?" tanong niya tumango naman ako.

"Well san mo siya hahanapin?" I asked.

Huminga ako ng malalim.

"Sa Liberty Academy" tipid kong sagot.

"Well good luck ang laki pa naman ng L. A" natatawa niyang sabi at umalis na.

Ganyan si Ate....

Simula ng masaktan naging masama....

Ganun ba talaga ang tao?

Pag nasaktan nagiging masama na?

Hindi ba pwedeng matuto naman sila na wag na lang basta magmamahal?

Hay..

Kaya sana wag kang makipaglaro ng taguan sakin Bianca kasi hindi mo gugustuhin na makipaglaro sakin.....

Kasi Bianca hindi ako nakikipaglaro ng patas....





****

Chapter one is done guys😊

Next update will be posted next Sunday.

❤ Yanna_al

That Nerd [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon