Ivan's POV.7 years later...
"IVAN!" agad akong napatakip ng tenga ko ng marinig ko ang sigaw ni James.
"Ano na naman?" inis kong tanong ngumiti siya ng pagkalaki laki.
"Tara na bro! Sumama ka na kasi para ka namang tanga ay lagi mo kaming tinatanggihan kapag magboboys night out tayo nila Asul" nakapout niyang sabi.
"Ikaw ang tanga James jusko! Imbis na suyuin mo yung asawa mong si Anya aba't pinipilit mo pa akong sumama sa mga kalokohan mo isang pilit pa iuuntog kita sa pader ng Office kong 'to" iritableng sabi ko sa kanya habang pumipirma ng mga papeles dito.
"Bati na kami ng asawa ko" sabi niya. Binatukan ko siya.
"Nakadrugs ka ba? Eh ayaw ka ngang pauwiin tapos bati na kayo agad?" inis kong tanong.
"Uy! Hindi ako nagdadrugs masama yun bro! Ikaw naman kasi simula ng umalis ang Bianca mo ang sungit sungit mo na para kang laging may dalaw" pamamaktol niya binatukan ko siya siraulo pala 'to eh!
"Look James don't you see madami akong ginagawa" sabi ko. Ngumisi si James ayoko ng ngisi niyang yan.
"Edi sa Condo mo na lang mamaya kami tatambay na apat at doon tayo mag-iinuman para ligtas ka sa mga babaeng nirereto sayo ni Red na ka-one night stand" natatawa niyang sabi binatukan ko siya.
"Sa Condo ko tapos ano? Magkakalat kayo doon?" inis kong tanong.
"Bro 7 years ka ng ganyan" natigil ako sa ginagawa ko sa sinabi niya.
"7 years na Ivan. Sa tingin mo babalik pa kaya si Bianca? Alam kong napapanood at nakikita mo siya sa magazine masaya na siya sa buhay niya. Ikaw bro kelan ka ngingiti? Kelan ka sasaya hindi habang buhay kang aasa na bumalik siya tandaan mo ang pangako niya 6 years lang siya doon asan na siya ngayon?" seryosong tanong ni James. Napaupo ako sa upuan ko. I sighed.
"Ang sakin lang bro ayokong nagmumukha kang tanga" sabi niya. Natahimik ako. Simula kasi ng umalis si Bianca hindi na ako ngumingiti tama siya lagi na akong masungit.
"Parang hindi ikaw yan Ivan asan na yung Ivan na maloko?" he asked.
"Naging tanga" seryoso kong sabi. He sighed.
"Bro kailangan mo mag-enjoy for fucking sake malaki ka na dude" sabi niya.
"Sige payag na ako basta ligpitin niyo yung mga ikakalat niyo sa Condo ko!" inis kong sabi tumawa lang siya at tinapik ako sa balikat ko at umalis. Napatingin ako sa may picture dito sa may table ko.
7 years na.. Babalik ka pa ba? Sabihin mo lang na hindi ka na babalik Bianca magmomove on na ako. Nakakapagod pala maghintay lalo na ngayon na wala akong kasiguraduhang babalik pa siya ang sakit lang!
***
Bianca's POV
"Look Ma'am Aliyah! Isa sa mga magagaling na models ng AliSia si Bianca bakit niyo siya pinapauwi ng Pilipinas!" sabi ng isa sa mga Pilipinong Photographer ni Tita Aliyah.
"Sino ang CEO dito? Ako diba? Hindi ikaw?" inis na tanong ni Tita kaya natahimik yung baklang Photographer.
"Eh sa gusto kong pagbakasyunin si Bianca may angal ka?" inis na sabi sa kanya ni Tita Aliyah.
"Wala po Ma'am" nakayukong sabi nung Photographer.
"Get out" agad namang umalis yung Photographer.
"Iwan muna kita dito" sabi ni Tita Aliyah kaya tumango ako.
Napatingin ako sa may Business Magazine. Si Ivan I gulped. Agad kong binasa yung nasa may article.
Fresh News: The most hottest, richest and youngest CEO of Howelle Enterprise Ivan Howelle and the Unica Hija of Ty Family Scarlet Ty was dating is this true?
Natigilan ako. Akala ko ba hinihintay mo ako Ivan? No way!
"JESSICA!" nagmamadaling pumunta dito ang PA ko.
"Totoo ba ang news na 'to?" naiinis kong tanong. Tinignan naman niya ang nasa Magazine.
"Check natin sa FB Ma'am" sabi niya nagmamadali siyang i-scroll ang iPad niya.
"Ivan Howelle who is the CEO of Howelle Enterprise said that she and Scarlet was not dating in fact he said he didn't even met Scarlet who was the Unica Hija of the Ty Family. Here is what Ivan said. 'Were not dating in fact I didn't even met her so please stop this nonsense remarks and news about me and Scarlet Ty besides Im waiting for her'. So you think guys? Who is the mystery girl who was Ivan Howelle waiting for?" pagbabasa niya sa may news napangiti ako akala ko pa naman talagang may dine-date siya.
"Uuwi na ako ng Pilipinas" sabi ko. Sa susunod na makabasa ako ng balita name ko na ang nakalagay sa mga rumor girlfriend ni Ivan besides! Ako ang FIANCE! Ako dapat ang nandun pero hindi ko siya masisi kasi ako ang nang-iwan diba? Ako? Pero sana naman hinintay niya ako. Nakakaiyak lang peste!
"Kelan mo balak umuwi ng Pilipinas Ma'am?" tanong niya. I shrugged. Kelan nga ba? Hindi ko din alam. BASTA ANG ALAM KO KAILANGAN KO NA UMUWI! T^T
***
Operation: Chasing Ivan Howelle na ba this? 😂
Next Chapter will be posted soon.
VOTE-COMMENT- BE A FAN!
BINABASA MO ANG
That Nerd [Under Editing]
Teen FictionHOWELLE SERIES 2 SHE GETS WHAT SHE WANTS NEW GENERATION Pano kung pinagtataguan ka ng fiance mo? What will you do? Will you find her with the help of your connections? Or you will find her with your own? But what if.. You met a girl at sa kany...