Bianca's POV"TELL ME JACSON, JAMES! TELL ME MORE ABOUT THAT FREAKING HUNTERS!" sigaw ko.
"Calm down Bianca hindi yan makakatulong sa paghahanap natin sa kapatid ko" seryosong sabi ni Ate Erine.
"Ang Hunters isang grupo ng mga gangster apparently Leader nila noon si Ivan'' pagsisimula ni Jacson. Natahimik ako.
"Hunters sila yung mga gangster na laging nauuna noon kapag may labanan laban sa mga kapwa nila gangster. Kapag may mga binablock mail sila they used the name 'H' " sabi naman ni James. So ibig sabihin yung mga text na natatanggap ko ay galing sa mga Hunters?
"Bad boy noon si Ivan, Bianca malayong malayo sa Ivan nakilala mo ngayon" seryosong sabi ni Ate Erine.
"At ang dahilan ng pagiging gangster ni Ivan ay si Lavine" sabi ni Ate Erine at matalim na tumingin kay Lavine. Napansin kong napayuko siya.
"Enough walang dapat sisihin sa nangyayari Ate Erine" sabi ni Jacson.
"I know Jacson! Im just stating the fact dahil hindi mo naman kapatid ang nawawala" protesta ni Ate Erine.
"Hindi ko nga kapatid! Kaibigan ko naman. Best friend ko Ate Erine!" inis na sabi ni Jacson at tumayo na tsaka lumabas ng mansion nila Ivan. Sinundan naman siya ni James at Lavine.
Napairap naman si Ate Erine. Sabay sabay kaming napatingin sa tumatakbo na umiiyak na si Elle.
"WHAT HAPPEN TO KUYA IVAN!?" sigaw ni Elle. Nilapitan naman siya ng mga Yaya niya.
Napatingin sakin si Elle ang sama ng tingin niya sakin.
"This is all your freaking fault! Kung una palang nagpakita ka na at hindi nagpanggap as Ate Leanne hindi 'to mangyayari kay Kuya Ivan" sabi niya.
"Enough Elle! Walang kasalanan ang Ate Bianca mo" sabi ni Tita Amber. Hindi siya kinibo ni Elle at umakyat na sa kwarto niya. Sumunod na din si Ate Erine.
Napaiyak na lang ako. Ano na kayang ginagawa nila kay Ivan?
"Bianca" napaangat ako ng tingin kay Tita Amber na kasama si Papa at si Mama. Kasunod nila sila Mr. Chua at Mr. Howelle.
"Let's talk Bianca" seryosong sabi ni Anton Chua. I sighed at tumayo tsaka sinundan siya.
"Saang lugar ka pinapapunta ni Rafael Lopez?" seryosong sabi niya. Wait? Pano niya nalaman na si Rafael nga si H?
"Wag kang magulat may mga sources ako kaya you better say it where that freaking place it is" sabi niya.
"Sa likod ng Ramos University" sabi ko. Ngumisi si Anton Chua sakin.
"Bye" tipid niyang sabi at aalis na sana ng hawakan ko ang braso niya.
"Please... Kung pupuntahan mo si Ivan isama mo na ako Mr. Chua" I begged..
"No"
"Please" sabi ko akmang luluhod na sa harapan niya ng makarinig kami ng putok ng baril.
"Bianca pasok sa loob" sigaw ni Anton Chua. Nagmamadali akong pumasok sa loob kasunod ko naman si Anton Chua.
"May nasaktan ba sa inyo!?" tanong niya kila Tita Amber.
"Ayos lang kami Pa" sabi ni Tita Amber. Napansin kong may kausap sa phone si Lolo Nicholas.
"DAMN! NATURINGAN KAYONG MGA PULIS PERO HINDI NIYO MATRACE KUNG SAANG LUGAR DINALA NG LOPEZ NA YUN ANG APO KO!" sigaw ni Lolo Nicholas.
BINABASA MO ANG
That Nerd [Under Editing]
Teen FictionHOWELLE SERIES 2 SHE GETS WHAT SHE WANTS NEW GENERATION Pano kung pinagtataguan ka ng fiance mo? What will you do? Will you find her with the help of your connections? Or you will find her with your own? But what if.. You met a girl at sa kany...