Chapter 38

904 33 10
                                    


Bianca's POV

Ang tanga mo kasi Bianca eh. Syempre uunahin ni Ivan si Lavine. Bakit sino ka ba sa kanya? Diba Fiance ka lang? Kaya lang ang pinagkaibahan mo Fiance ka nga hindi naman ikaw ang mahal kundi ang other half mo. Ang sakit diba?

"Hey? Bianca are you okay?" napatingin ako kay Ate Erine. Agad kong pinunasan ang mga luha ko.

"Ano.. Ate Erine.."

"You can tell your problem to me Bianca. Don't worry Im here. I will always listen to your problems tsaka by the way Im your soon to be sister-in-law" nakangiti niyang sabi. Napayakap ako kay Ate Erine.

"Masakit pala malaman na hindi ikaw ang mahal niya" bulong ko.

"Si Ivan ba?" she asked. I nodded.

"Bianca.. Siguro ang mas maganda kausapin mo si Leanne sabihin mo kay Leanne kung mahal niya si Ivan sabihin sayo agad diba? Para alam mo Bianca kung kailangan mo ba siyang ipaglaban o hindi. Pero kung mahal ni Leanne si Ivan. Aba you should fight for him kahit walang kasiguraduhan na mapupunta siya sayo" sabi niya. Bakit ang galing nila mag-advice?

"Mabuti nga siguro kung kausapin ko si Leanne" bulong ko. As if ano yun kakausapin ko sarili ko? Nagmukha akong baliw nun.

"ATE ERINE! ATE BIANCA! Nandito si Ate Rainesia pati si Tita Natalie" ngiting ngiti na sabi ni Elle samin habang may hawak na chocolates.

"What? Mabuti sana kung si Tita na lang ang pumunta sinama pa yung ampon niya" irap na sabi ni Ate Erine.

Ampon?

"Bianca? Stay by my side okay? Wag kang lalapit kay Rainesia hindi mo pa siya kilala okay? At please wag kang magtatangkang lumapit sa kanya" sabi ni Ate Erine. Alanganin ang pagtango ko sa kanya pero mukha naman kasing hindi gagawa ng mabuti yung pinsan nila. Haha

Pagpasok namin sa loob napansin kong mga mukhang bagong gising sila Tita Amber. Duh 12:00 AM na kaya.

"Ang aga niyo namang sumunod dito Ate" reklamo ni Tito Nathan habang nakaupo sa may sofa.

"Oh Im sorry little bro! Excited kasi kami ni Rain" natatawang sabi ni Tita Natalie. Should I called her Tita right?

"Tsk. Dapat bukas na lang sana kayo nagbyahe madaling araw na kaya Ate Natalie!" sabi ni Tito Nathan. Tita Natalie rolled her eyes.

"Tama na nga yan tara na Ate Natalie sa taas ng makapagpahinga kayo ni Rain" sabi ni Tita Amber at nauna na silang umakyat sumunod si Tito Nathan pati si Elle paakyat na din.

"Hi Erine!" plastik na bati ni Rain sa kanya. Marunong akong tumingin ng plastik 'no. Haha

"I have no time for you Rainesia" walang ganang sabi ni Ate Erine at hinila na ako paakyat. Napansin kong ang talim ng tingin sakin ni Rainesia. I smirked at her.

"Good night!" nakangiting sabi ni Ate Erine at pumasok na siya sa kwarto nila ni Elle ako naman pumasok na sa kwarto namin ni Ivan. Naks namin ni Ivan. Haha

"Anong meron sa baba?" napatingin ako kay Ivan ng magtanong siya. Nagising siguro siya.

"Dumating yung Tita Natalie mo pati yung pinsan mong si Rainesia" walang gana kong sabi.

"Look Bianca? Im sorry about sa ginawa ko last time. Sorry talaga" sabi niya at yumuko. Hindi ko siya pinansin at humiga na sa kama. Nakatalikod ako sa kanya.

"Uy!" pangungulit niya sakin.

"Ivan go back to sleep" seryoso kong sabi sa kanya. Nagulat ako ng kalabitin niya ako ulit. Bakit ba ang kulit ng isang 'to?

That Nerd [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon