Chapter 35

918 35 2
                                    

Ivan's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ivan's POV

"Mukha kang tanga Kuya umayos ka nga" sabi ni Elle. Pero hindi ko siya pinansin nanatili lang akong nakatulala.

"KUYA" napatingin na agad ako sa kanya.

"Aalis pa tayo Kuya! Magfofood trip tayo nila Mom tsaka text mo na din si Ate Bianca dali na!" sabi ni Elle at lumabas na dito sa may kwarto ko.


Napairap ako at tumayo na sa kama ko tsaka nagbihis. Pababa na sana ako sa may kwarto ko ng marinig ko ang boses ni Mom. Hindi naman siya excited ano? Haha

"IVAN JOSH HOWELLE DALIAN MO! KANINA PA NANDITO SI BIANCA!" sigaw ni Mom. I sighed at bumaba na ng tuluyan.

"Mom! Ang ingay niyo" poker face kong sabi napatingin ako kay Bianca. Nakajeans siya at naka T-shirt siyang puti. I gulped parehas kaming naka T-shirt na puti.

"Why are you wearing a jeans?" seryosong tanong ko kay Bianca. She rolled her eyes.

"Pakealam mo?" inis niyang tanong.

"May pakealam ako Ms. Fuentes Im your fiance" sabi ko.

"Psh anong gusto mong suotin ko Ivan?" inis niyang bulong sakin. Napangiti ako.

"Ilagay mo 'to sa may waist mo" sabi ko at inabot sa kanya ang polo na nakalagay sa balikat ko kanina. Kinuha naman niya at tinali iyon sa may waist niya.

"Okay" sabi niya napatingin ako kila Mom. Sumenyas na si Mom na aalis na kami kaya sumunod na kami ni Bianca sa kanila nila Ate Erine.

Damn. Masakit pa din pala yung feeling na nareject ako ni Leanne.

Pagsakay namin sa may van. Tahimik lang kami isa sa mga Guards ni Dad ang nagdadrive at si Dad ang nakasakay sa may passenger seat. Si Mom naman busy sa pag-aalaga kay Elle at si Ate Erine naman busy sa pagseselfie sa phone niya.

Napatingin ako kay Bianca.

"Are you okay?" I asked.

"Hindi eh inaantok ako" sabi niya. I smiled at her. Wala namang masama kung siya na lang ang mahalin ko diba? She's my fiance after all.

"Then sleep here at my shoulders" sabi ko. Nagtatakang tumingin siya sakin I just smiled at her.

"Okay?" sabi niya at umayos ng pagkakaupo tsaka sumandal sa balikat ko.

Dug. Dug. Dug

Naguguluhan na ako. Pag si Leanne ang nasa paligid ko nararamdaman ko din yan. Bakit pati kay Bianca nararamdaman ko din? Sino ba talaga ang mahal ko sa kanilang dalawa? Gulong gulo na ako.

***

"Ivan wake up" nagising ako ng bigla na lang ako gisingin ni Bianca.

"Nasan na tayo?" I asked.

"Hindi naman sinabi ni Tita Amber na bakasyon pala ang pupuntahan natin buti na lang nagdala ako ng maraming damit" natatawa niyang sabi napangiti ako.

"Asan nga pala sila?" I asked.

"Bumaba sila magrerest room daw kasi si Elle pati si Ate Erine and si Tita Amber at Tito Nathan naman kasama yung Guard niyo pumunta diyan sa may Department Store dito sa may Gasoline Shop" sabi niya.


Napatango ako at umayos ng upo. Napatingin ako sa phone ko ng may magtext sakin.

From; James

PUTSPA Ivan totoo ba yung balita? Nireject ka ni Leanne?

To; James

Fuck you bro! Tsaka ko na lang kwekwento sayo.

From; James

Sige bro sabihin mo sakin kung kailangan nating iinom yan ah? Haha.

Napairap ako. Nakakaloko ang isang 'to.

"Hey! Baba muna daw kayo Bianca and Ivan" sabi ni Ate Erine kaya bumaba na kami ni Bianca sa may van. Napatingin ako sa paligid ko.


"Nasa Bagiuo pala tayo" sabi ko.

"Kaya pala medyo malamig" sabi niya.

Pagkatapos namin doon tumuloy na kami sa may Rest House dito nila Mom dati.

"Hon! Sana pala sinama natin si Papa at si Daddy Nicholas" natawang sabi ni Mom kay Dad.

"Oo nga Dad. Grandpa and Lolo needs to go here para naman lumamig ang ulo nila" sabi ni Ate at tumawa. Baliw din 'to. Haha

"Bianca okay lang ba sayo na magtabi kayo ni Ivan sa isang room? Apat lang kasi ang kwarto dito. Yung isa samin ni Nathan yung isa kay Erine at Elle tapos yung isa kay Butler is that okay with you?" tanong ni Mom.

"Don't worry magbebehave ka naman diba Ivan?" natatawang sabi ni Mom.

"Okay naman po Tita" sabi niya.


"Great sige iakyat mo na yan Ivan" sabi ni Mom sakin at tinuro yung gamit namin ni Bianca napairap ako at binuhat na yun.

Pagpasok namin sa may kwarto.

"Bianca? Dito na lang ako matutulog sa may sahig kung hindi ka kumportable na may katabi--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng hilahin niya ako paupo sa kama.

"Arte mo. Tabi na lang tayo Im sure naman na hindi ka sanay matulog sa sahig" sabi niya. Tumango na lang ako.

***

Bianca's POV

Hindi ko alam kung bakit pero kinikilig ako. Tsaka may karapatan akong patulugin si Ivan sa sahig pero siguro bakit hindi ko na lang siya patabihin sakin right? Since he is my fiance.

Kinakalimutan na ba niya si Leanne kaya siya sweet sakin?

Sana. Sana Ivan kalimutan mo na ang isa kong katauhan. Sana. Sana...

"Kakain na guys!" sabi ni Elle at bumaba na. Sumunod na kami ni Ivan kay Elle at pumunta na doon

"Try natin Horse Back Riding tayo bukas? Game kayo?" sabi ni Ate Erine.

"Okay" sagot namin sa kanya. After naming kumain nagsi-akyat na kaming lahat.

"Ang ganda pala talaga ng Bagiuo" sabi ko.

"Yeah" sabi ni Ivan naramdaman kong inakbayan niya ako.

"Pwede ka namang akbayan diba?" tanong niya. Medyo natawa ako pero tumango ako.

Napatingin ako kay Ivan...

Matatanggap mo ba ako ulit kapag nalaman mong ako at si Leanne ay iisa?

Sana Ivan... Sana matanggap mo pa din ako.

At sana saluhin mo din ako sa oras na hulog na hulog na ako sayo...


***

Wala muna si H [Someone]. Haha.

Next Chapter will be posted soon.

VOTE-COMMENT-BE A FAN

That Nerd [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon