Chapter 60

993 32 24
                                    


Ivan's POV

"Gigisingin ba natin?"

"Gisingin mo na Pula dali"

Dahan dahan kong dinilat yung mga mata ko at muntik na akong matumba ng makita ko sila Jacson sa harapan ko.

"WHAT THE FUCK IM DOING HERE?" sigaw ko. Fuck! Walang kasama si Bianca doon sa Condo ko baka nag-aalala na yun kinapa ko yung bulsa ng pajama ko napasapo na lang ako sa noo ko ng malaman na hindi ko dala yung phone ko.

"Tangina kayong apat papatayin niyo yata ako sa takot at gulat tangina!" sigaw ko nagtawanan lang sila tsaka ko lang narealize na nasa may Hotel ako. Paniguradong Hotel namin 'to!

"Alam ba 'to ni Bianca?" I asked. Nginisihan nila ako.

"Actually si Bianca ang nagplano nito Ivan kaya just seat back and relax tsaka Stag Party mo ngayon" sabi ni Red.

"Mga siraulo ba kayo? Stag Party? Anong oras na 11:00 AM ng umaga?" inis na sabi ko nagtawanan na naman sila bullshit!

"Wag mo kaming murahin Ivan chill ka lang tsaka kung nag-aalala ka sa Bianca mo nasa Bridal Shower niya siya okay?" nakangiting sabi ni James. Natigilan ako sa sinabi niya.

"May lalaki doon?" kinakabahan kong tanong nagtawanan na naman sila. Nakakainis na sila nung nagkaBridal shower sila Anya, Piper at Bernice hindi ko sila ginanyan!

"Just calm your dick Howelle walang lalaki doon sabi ni Bernice kaya chill" sabi ni Blue. Inirapan ko siya.

"Pano kung may lalaki doon! Alam mo naman sila Bernice, Blue! Maloloko ang mga babaeng yun" naiiyak na ako. Takte! Napahinga sila ng malalim at hinila ako papasok sa banyo.

"Maligo ka na aalis tayo" sabi ni James. Tumango na lang ako tama I should trust Bianca hindi ako pagpapalit nun sa lalaking sumasayaw sa harapan nila. Eh ano naman kung nakaboxer yun at lantad ang ABS? May ABS din naman ako at gwapo ako dahil maganda ang lahi namin.

Pero ang nakakainis lamg pano nga kung may lalaki doon! Psh! Hindi naman kailangan ng lalaki doon na sasayaw sa harapan ni Bianca kung gusto niya sa honeymoon pagsayawin niya ako sa harap niya ng nakaboxer or kung gusto niya naked lang akong sumayaw sa harap niya!

***

"Saan ba kasi yung lintek na Stag Party ha?" I asked. Nakakainis wala sakin yung phone. Tinanong ko sila kung nasa kanila daw ang sabi na kay Bianca ang phone ko. Shit! Pano ko siya tatawagan?

"Garcia! Pahiram na kasi ng phone!" pagmamaktol ko para na akong bata dito na inagawan ng lollipop.

"Hindi pwede Ivan ang tigas ng ulo mo ay! Sabi ni Bianca just enjoy your party dahil panigurado nag-eenjoy din ang fiancé mo doon" sabi ni Jacson. I sighed at hinayaan na lang nasa may van ako ngayon kasama yung apat papunta kami sa may Stag Party ko daw.

I want to call Bianca now gusto ko marinig yung boses niya kaya lang nakakainis dahil wala sakin yung phone ko kabwiset!

"Walang babae sa Stag Party ah?" sabi ko. Tumango sila.

Pagdating namin napatingin ako sa location ng Stag Party ko sa bar ni Jacson. Napapoker face ako.

"Chill ka lang kasi Howelle!" natatawang sabi ni Red. Batukan ko 'to eh. Pumasok na kami wala din naman akong magagawa walang tao sa bar at panigurado pinasara 'to ni Jacson.

"Seriously? Iinom tayo dito ng alas dose ng tanghali" inis na sabi ko.

"Hindi ka nakapagbreakfast 'no? Sabi ni Ate Erine kapag mainit ang ulo mo sa umaga hindi ka nagbreakfast walking PMS ka talaga" iling iling na sabi ni Jacson. And realization hits me hindi pa ako nagbrebreakfast!

That Nerd [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon