Chapter 9

1.2K 46 6
                                    

Bianca's POV

Nakakairita yung nagtext sakin kagabi panira ng moment.

San naman kaya nalaman ng mokong na kung sino man iyon ang number ko.

Feeling close din sa may text eh..

=______=


"Bakit ka sad Tita Bianca?" tanong ni Aeryn.


"Hindi naman ah" sabi ko.

"Eh?"

"May bwiset kasing nagtext sakin kagabi tapos feeling close pa" sabi ko..

"Baka naman crush ka Tita?" tanong niya..

Crush? Hindi nga nila alam yung tunay na ako at hindi nila alam na ako si Bianca Leanne Fuentes kilala lang naman ako sa school as Leanne Santos.



"Tita natulala ka na?" sabini Aeryn.

"Ah.. Hindi ah" sabi ko at inayos ang upo ko sa may kama ko.

Ngumiti lang si Aeryn at umalis na sa kwarto ko.


***

Shocks.

Asan na ba si Anya?

Kanina ko pa iniikot 'tong buong mall at ni isang Anya wala akong nakita.


Huminga na lang ako ng malalim at pinagpatuloy ang paghahanap ko sa bruha kong kaibigan.


Nang mapansin kong may nakabunggo ako.


"Sorry Miss--" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang.

"Bianca?" sabi niya inangat ko ang ulo ko at...



O___O



Si Jacson?




Oh no bakit ngayon pa?




"No Im not Bianca Im Leanne sorry Mister mukhang nagkamali ka lang nang nalapitan" sabi ko at aalis na sana ako ng hatakin niya ako ulit..


"Wag ka ng magsinungaling Bianca sinabi na sakin ni Anya na ikaw yan" sabi niya..

At talagang kasabwat pa siya ni Anya?



Grr. Lagot sakin yung babae na yun pag nakita ko..


"Oo ako nga si Bianca so? Are you happy now?" irap kong tanong.


"Bianca... Wala na kami ni Piper pwede na tayo" sabi niya.


"Walang TAYO" sabi ko.

"So? Kung hindi ako ang hinihintay mo bakit mo pinagtataguan ang Fiance mo?" tanong niya.

"Bakit mo pinagtataguan ang isang Ivan Josh Howelle?" tanong niya ulit.


Napalunok ako.


"Wala kang pakealam sakin Jacson so? Can I leave now?" sabi ko at akmang aalis na sana kaya lang hinatak niya ako ulit.


"Sasabihin ko sa Lolo mo at Papa mo na nagtatago ka lang Bianca sasabihin ko sa kanila na si Leanne Santos at si Bianca Leanne Fuentes ay iisa" sabi niya.

Agad akong napatingin sakin..

"Wag mong sasabihin kay Papa" sabi ko..

"Hindi ko naman sasabihin yun eh just be my girlfriend" sabi niya at kinindatan ako.


That Nerd [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon