Chapter 32

979 34 21
                                    



Ivan's POV

Napangiti ako. Kasi makakadate ko si Leanne. Pero nalulungkot din ako. Kasi hindi din naman ako makakaamin. Sabihan niyo na akong hindi ko kayang ipaglaban ang babaeng gusto ko. Hindi ko lang talaga kayang hindi sundin si Lolo. Tsaka medyo naguguluhan pa ako sa feelings ko kasi nagwawala yung puso ko kapag si Bianca ang kaharap ko ganun din kay Leanne. Gulong gulo ako kasi hindi ko alam kung sino sa dalawa ang mahal ko.


"Ahm.. Leanne"

"Hmm?"

"Pwedeng magtanong?" sabi ko. She nodded.

"Nagkaboyfriend ka na ba dati?" tanong ko.

Medyo nagulat siya sa tanong ko pero natawa siya..

"Oo" sabi niya

"Ahm.. Ano ex mo na siya?" I asked again. She nodded.

"Bakit mo natanong?" she asked.

"Ahm.. Wala lang" kibit balikat kong sabi..

"What's with you and Lavine?" she asked. Hininto ko muna yung kotse ko.

"Lavine is my ex" sabi ko. Napatango siya at bumaba.

"Maganda din pala minsan bumaba sa may highway 'no?" she chuckled.

Napatingin ako sa may paligid. Inistop ko kasi yung kotse ko sa may gilid ng high way.

Dito ko dati dinadala si Lavine. Mahilig kasi kaming magstar gazing noon.

Agad akong napatingin sa may phone ko ng mapansin kong may nagtext.

From: +639425632890

Magpakasaya ka lang.
Sulitin mo lahat ng oras na kasama mo siya.
Dahil sisiguraduhin ko sakit at pagdudusa ang haharapin mo pagkatapos niyan. Kaya kung ako sayo susulitin ko na lahat ng pagkakataon. See you soon Master.

-H

Napalunok ako sa text message na nabasa ko. Isang tao lang ang kilala kong tumatawag sakin ng Master noon. Dahil puro Boss ang tawag nila sakin. At isang gru--

"Ivan!?" agad akong napatingin kay Leanne ng tawagin niya ako.

"Ahm.. Bakit?" I asked.

"Let's go Im starving" natatawa niyang sabi at pumasok na sa kotse ko. Binalik ko na lang ulit yung phone ko sa may bulsa ko at sumakay na din sa kotse ko.


"Saan mo gustong kumain?" I asked. Inayos niya muna yung salamin niya bago humarap sakin.

"Fast Food na lang" sabi niya. I just nodded at naghanap ng Fast Food na pwede naming kainan.

Pagkapark ko ng kotse ko sa isang Fast Food Store ay bumaba na siya.

"Ang bilis naman ng oras 5:30 PM na agad" iling na sabi ni Leanne napatingin ako sa relo ko. Oo nga 'no? Bakit kapag kasama kita Leanne laging bumibilis ang oras? Hindi ba pwedeng pabagalin naman para makasama ko pa siya?

"Tara na" sabi ko at pumasok na kami sa loob napansin kong napatingin sakin yung mga babae. Oo nga pala Im still wearing my uniform ganun din si Leanne kaya pala nila kami tintignan. Sikat kasi ang Liberty Academy kaya ganun sila makatingin plus ang gwapo ko daw kasi. Haha

"Anong gusto mo?" I asked her.

"Bahala ka na hahanap na muna ako ng table" sabi niya. Tumango lang ako at umorder na.

That Nerd [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon