Ivan's POV.3 months later...
"CONGRATS GRADUATES!" sigaw ni Jacson. Tahimik lang ako after this aalis na si Bianca.
Napatingin ako kay Bianca she's looking at me I smiled at her at lumapit sa kanya. Parang kelan lang kauuwi lang namin dito dati para hanapin ang fiance ko na yun pala ang Leanne Santos na gusto ko. Ang That Nerd ng buhay ko.
Agad ko siyang niyakap.
"This will be the last day that I'll see you baka 6 or 7 years after pa kita ulit makita Bianca" mahina kong bulong niyakap niya ako ng mahigpit.
"I will miss you so much Ivan" sabi niya.
"Mag-uusap ba muna kayo?" napatingin kami kay Lavine sabay kaming tumango she's smiled at us at pumunta na sa barkada lumayo kami ni Bianca sa may mga graduates para makapag-usap kami ng maayos.
"Ivan.."
"So? Pano ang set-up natin Bianca?" I asked. Ngumiti siya ng mapait sakin.
"Can we cut are connections? Sa isa't isa? Pwedeng wag kang tumawag sakin or magmessage?" natigilan ako sa sinabi niya. Ganun ba talaga ang kailangan?
"Why?" I asked.
"Para makapagfocus tayo sa pag-aaral natin Ivan. I know kasisimula palang natin ni hindi pa nga tayo tumagal ng ilang buwan tapos maghihiwalay tayo agad diba?" natatawa niyang sabi pero umiiyak na siya.
"Wag ka na ding sumama sa paghatid sakin sa Airport dahil baka hindi ako makaalis Ivan" sabi niya. Naramdaman kong pumatak na din yung mga traydor kong luha.
"Yun ba ang gusto mo?" I asked. She nodded.
"Sige no texts and calls at gagawin ko lahat kahit pangalan ko hindi ko ipaparinig sayo. Ayos lang sakin na i-banned mo yung pangalan ko pati ako sa US para hindi kita masundan kahit pati sa mga social accounts mo i-block mo ako or i-unfriend, i-unfollow mo ako ayos lang para hindi kita mamessage kahit i-block mo na rin ang name ko sa number mo o kaya naman magpalit ka ng number ayos lang" sabi ko. Napansin kong natahimik si Bianca.
"Pero sana Bianca pagbalik mo.... Ako pa din laman ng puso mo ah? Sana ako pa din kasi ako pananatiliin ko na ikaw pa din yung tinitibok nito" sabi ko at tinuro yung dibdib ko. Naiiyak na ako akala ko last na iyak ko dahil sa babae ay nung namatay ang dalawa kong Lola at nung naghiwalay kami ni Lavine pero anak ng tokwa! Eto ako ngayon umiiyak na naman!
"Ivan... Don't worry I'll be back... Babalik ako bubuo pa tayo ng basketball team diba?" sabi niya at niyakap ako.
"Magpapakasal pa tayo diba? Wag ka mag-alala kung pwede nga lang pabibilisin ko ang oras at araw para magkasama tayo ulit I love you so much my Howelle" sabi niya. Napayakap na lang ako sa kanya at hinalikan siya sa ulo niya.
"I love you so much my that nerd my Howelle" sabi ko at hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Mamimiss kita Bianca... Mamimiss kita mahal na mahal kita....
***
Bianca's POV
"Take care Bianca.. Wag ka mag-alala babantayan namin si Ivan dito para hindi makuha ng iba" biro ni Bernice I smiled at her at niyakap siya. Mamimiss ko ang babaeng 'to.
"Anak tumawag ka palagi sakin ah?" naiiyak na sabi ni Mama at niyakap din ako. Si Papa naman ngumiti lang sakin.
"I'll go now Blue alagaan mo ang bruhang yan ah?" sabi ko at tumawa.
"Makakaasa ka!" sigaw niya naglakad na ako papasok sa Airport. Napatingin ako sa phone ko ng may magmessage si Ate Erine.
Erine Howelle: Kapag nandito ka na sa US sabihin mo sakin ng masundo kita :)
Bianca Fuentes : Okay Ate Erine :)
Oh well bago grumaduate si Ivan ay pumunta na doon si Ate Erine dahil sa nga pinagpipilitan siyang ipakasal ni Lolo Anton sa isa sa mga suitors niya kung mahaba ang buhok ko aba mas mahaba ang hair ni Ate Erine! Nililigawan siya ng fiance niya ng Alexander na yun! At ng Ex niya.
"All passenger who will go now to United States of America please proceed now to your line" naglakad na ako ulit. A new life...
A new life without Ivan around kakayanin ko kaya? Kakayanin ko kayang walang IVAN JOSH HOWELLE sa buhay ko sa loob ng ilang taon. Sana kayanin ko. At sana hintayin mo ako Ivan..
***
Why? Why Bianca why? T^T
Next Chapter will be posted soon.
VOTE-COMMENT - BE A FAN!
BINABASA MO ANG
That Nerd [Under Editing]
Teen FictionHOWELLE SERIES 2 SHE GETS WHAT SHE WANTS NEW GENERATION Pano kung pinagtataguan ka ng fiance mo? What will you do? Will you find her with the help of your connections? Or you will find her with your own? But what if.. You met a girl at sa kany...