JUNGKOOK 's Slave
vs
JIMIN 's Lover
[Title]"Ano ba Ivy ilang beses na ko pabalik-balik dito sa apartment mo at lagi kang wala buti nalang at na-tyempuhan kita ngayon! Asan na bayad mo?"
Aishh--- tangina naman kasi.
"Ahh Manang Celia kasi ano e hingi pa po ako ng palugit kung pwede po."
"Palugit?! Hindi ka ba nahihiya ikaw nalang hindi nakakabayad?"
"Kasi natanggal po ako sa trabaho kelangan ko pa pong maghanap bago po maka-bayad."
"WALA AKONG PAKE KUNG NATANGGAL KA SA TRABAHO SAWANG-SAWA NA KO SA KAKAHINGI MO NG PALUGIT! UMALIS KANA BAGO PA KITA KALADKARIN!"
"Eh pero po Manang wala na po akong ibang matutuluyan wala na po akong pamilya Manang please po."
Halos mangiyak-iyak na ko tsaka lumuhod sa harap niya.
"Tigilan mo ko Ivy hindi mo na ko magago."
Itinulak niya ko tsaka umalis. Tanginang buhay naman to oh! arrgghhh! Nakakabwisit paano nga ba ako na tanggal sa trabaho ko? Aba tangina kasi ang yabang ng boss ko dun akala mo naman kung sinong kagandahan atleast ako kahit na chubby maganda at may curves mas makinis pa nga kili-kili ko kesa sa pagmumukha nung Boss ko. Nagdabog akong lumapit sa cabinet ko tsaka kinuha lahat ng gamit ko at inilagay sa bag ko nagkasya naman to dahil sa konti lang naman mga damit ko. Bwisit! Bwisit! Saan ako titira ngayon? Kinuha ko yung wallet ko tsaka binuksan yun wala 500 lang karga niya. Paano ako mabubuhay nito? Kung hindi lang nawala sila Mama at Papa e :( Nawala sila dahil sa sunog ako lang nakaligtas saamin ni walang tumulong saamin kahit kapamilya o kamag-anak namin... Graduate na ko ng college nung nangyari yun. Wow. Ang swerte ko diba? :(
"Bilisan mo na dyan!"
Hindi makapaghintay tong matandang to. -.- inirapan ko lang siya tsaka na lumabas ng appartment dire-diretso na ko ng Bus stop sakto naman may huminto pero puno naman -.- standing ovation kumbaga kapag sumakay.
"Miss may isa pang bakante sakay ka na."
Ayy ano ako? Gago kuya? Aba nampuputang ina to a.
Sumakay na ko ayokong maging pabebe pagkasakay ko letche wala man lang gentle man sakanila? Bale naka-harap ako sa kung saan din nakaharap yung driver at sa likod ko naman napalingon ako.
Omg. >/////< Ang gwapo naman nitong batang to. Ayy fuck ilang taon ka na Ivy? 21 :3 ang tanda ko na nanghaharot pa ko ng mas bata pa saakin. Maya-maya pa'y naka ramdaman ako na parang may humawak sa butt ko nung una hindi ko to pinansin dahil baka hindi yun sinasadya pangalawa naharap na ko sa likod pero busy naman yung batang lalaki na nagtetext. Ang weird naulit nanaman yun sa pangatlo nakita ko siyang naka-ngisi. So siya nga. -.-
"Isa pang hawak mo tatanggalan kita ng bayag."
Nahinto naman siya hindi niya na inulit. Hanggang sa nakarating na yung bus sa saktong bababaan ko. Parehas din pala kami ng bababaan nung manyakis na batang yun inirapan ko siya nung lumingon siya saakin.
Nag-iba na ako ng daan. Kelangan kong makahanap ng trabaho at matutuluyan. Bumalik ako dun sa Resturant na kung saan dun ako natanggal kelangan kong ibaba ang pride ko kung hindi baka wala ng patunguhan tong buhay ko. :(
Jeon Jungkook's
Nasiraan ako ng kotse pinakuha ko na siya sa Driver ni Appa kaya ito ako kinailangan kong mag-Bus pauwi sa condo ko puno na yung bus no choice ako sumakay na ko mga dalawang kanto pa nung nag-stop yung Bus may napansin akong Babae na sumakay napatingin ako pataas pababa sakanya tangina? Seriously?! Bat ako tinitigasan ako sakanya?! Chubby siya pero may curves, Maganda, makinis yung balat niya at yung mga Hita niya ang laki Fuck! Ulam na ulam. Sakto naka-talikod siya saakin ngayon matangkad siya pero mas matangkad ako sakanya. Shit yung Butt niya hindi ko maiwasan na hindi tumingin dun. Hanggang sa hindi ko napigilan yung sarili kong mahawakan yun hindi niya ata napansin kaya inulit ko to sa pangalawa napalingon siya kaya kunwari nagtetext ako sa phone ko sa pangatlo naman hindi ko naiwasang ngumisi at uulitin ko pa sana kaso narinig ko yung sinabi niya.
"Isa pang hawak mo tatanggalan kita ng bayag."
Hindi na ko umimik sakto naman na prehas kami ng binabaan tinignan ko siya pero inirapan niya lang ako. Medyo na cha-challenge ako sakanya. Ngumisi ako tsaka hindi nagpahalatang sumusunod sakanya hanggang sa nakarating siya sa isang resturant pumasok siya dun at pati ako sumunod. Nagtago ako sa pinto tsaka may narinig naman akong sigaw.
"ABA! BUMALIK KA PA IVY ANG KAPAL NG MUKHA MO."
"Pasensya na po sa ginawa ko po kagabi hindi ko na po uulitin yun ibalik niyo lang po ako kelangan ko lang ng trabaho at matitirahan."
"Sa tingin mo kakaawaan kita?! Umalis ka na ayoko ng bastos dito."
"Tangina mo namang Hipon ka!"
Nagulat naman ako sa mura niya. Kaya napatingin na ko sakanila yung kausap niya namumula na sa galit.
"Ako na nga tong humihingi ng tawad e pa-OA ka pa dyan akala mo naman na ikina-ganda mo."
Napansin ko naman na sasampalin na sana siya nung may ari nung resturant agad akong tumakbo sakanila tsaka pinigilan siya. Mukhang ready na pala tong Ivy na masampal halata kasi sa reaction niya.
"Sino ka namang lalaki ka?"
"Boyfriend niya ko. Ito lamunin mo! Wag na wag mong sisigawan ng ganyan ang Girlfriend ko."
Isinubo ko sakanya yung hawak kong limang libo nakita ko naman yung reaction nung Ivy. Hindi ko na pinagsalita yung may ari tsaka hinila si Ivy palabas ng resturant na yun hila-hila ko lang siya.
"Hoy! Manyakis na bata pwede ba bitawan mo ko! Saan ba tayo pupunta?! Anong Boyfriend na sinasabi mo Gago ka ba?!"
"Hindi Hoy o Manyakis na Bata pangalan ko ako si Jeon Jungkook."
Sabi ko tsaka nahinto kami sa iskinita.
"Edi wow. Jungkook! Ano bang ginagawa mo? Kanina sa Bus hinawakan mo pwet ko tapos ayun hinarang mo yung kamay mo di lang ako masampal nung hipon tapos binigyan mo pa ng limang libo?! Aba. Alam ba yan ng nanay at tatay mo ha?! Saakin mo nalang sana binigay yung limang libo na yun."
Natawa naman ako sa inasal ni Ivy.
"Kaya naman kitang bigyan higit pa sa limang libo e tapos sagot ko na din tirahan mo.."
"Talaga? Hindi ka nagbibiro?"
"Oo, pero sa isang kondisyon."
"Anong kondisyon yan?"
"Papayag kang maging slave ko?"
"Slave lang pala e, Deal."