ZENA's
Isang linggo na kong naghihintay kay Hoseok na magising siya hindi na ko makakain at makatulog ng maayos.
"Zena? Magpahinga ka mo na masyadong mo ng pinapagod sarili mo."
"Ayoko Kuya hintayin ko siya magising. Hindi pa ba to nalalaman ng magulang niya?"
"Hindi pwede Zena pagnalaman to ng Appa niya baka kunin siya dito at dalihin na sa Seoul gaya mo takot din kaming nawala siya saamin."
Naiyak nanaman ako. Malakas na tao si Hoseok alam kong hindi siya susuko. Gigising siya alam ko yan.
Maya-maya pa'y napansin kong gumalaw yung kamay niya.
"Hala! Kuya yung daliri ni Hoseok gumagalaw."
Sabi ko na tuwang-tuwa hanggang sa minulat niya na yung mata niya. Salamat nadinig ni Lord yung panalangin ko.
"Hoseok?"
Tawag ko sakanya. Ngumiti siya kay Kuya Namjoon at mga kaibigan niya pero nung inilipat niya yung tingin niyasl saakin nawala yun bigla akong kinabahan.
"Sino ka?"
Para naman akong naging bato sa kinatatayuan ko.
"Si Zena yan Hoseok yung Girlfriend mo."
"Tigilan mo ko Pandak, Si Denise ang girlfriend ko."
"Ex mo si Denise, Hoseok si Zena ang girlfriend mo."
"Wag niyo ko pinagloloko. Asan ba siya? Namiss ko siya."
Hindi to pwede. Ako lang ang hindi niya maalala :( May pumasok naman na Doctor.
"Gising na pala siya."
"Opo Doc, Bat ganun Doc hindi niya po ako makilala?"
Naiyak na ko nun.
"Nawalan siya ng alaala Ms. Zena maibabalik lang yun kung tutulungan niyo siya."
Tsaka naman na lumabas yung Doctor. Niyakap naman ako ni Kuya.
Iniisip ko na sana panaginip lang to.
Sobra-sobra na to? Ano bang kasalanan ko? Ang sakit lang. Hindi ako maalala ng taong mahal ko.