YOONGI 's
Hindi pa din maalis sa isipan ko yung nangyari kahapon hindi ako makapaniwala. Totoo ba talaga lahat yun? Shit. Napatingin ako sa salamin namumula pa din yung pisngi ko halos matanggalan ako ng ngipin sa pagkakasampal niya.
"Bilisan mo nga dyan Hyung! Natatae na ko!"
Sigaw ni Hoseok sa labas ng banyo at balak pa ata niyang sirain yung pinto. Lumabas akong naka-boxer lang tsaka nakalagay sa balikat ko yung tuwalya sa banyo.
"AHHHHHHH!!!!!!"
Nabingi naman ako sa sigaw ni Hoseok.
"Puñeta Hoseok!"
"Ano! Bat Ganyan yan Hyung?"
Turo niya dun sa junjun kong nag-flag ceremony na. Sinapok ko nga.
"Arayy!"
Sinamaan ko siya ng tingin pumasok na siya ng banyo.
Dumiretso ako ng cabinet ko tsaka na nagbihis ng uniform.Bigla naman akong napa-isip may ipagyayabang naman pala siya pero bat niya iniipit yun gamit nung bandage?
Isinabit ko na yung bag ko sa balikat ko tsaka isinuot yung sapatos ko mabilisan kong kinuha yung phone ko tsaka ibinulsa.
"Hoseok, Mauna na ko."
Paalam ko tsaka lumabas ng Dorm.
EXY 's
Bigla ko na lang nasipa yung pintuan ng Classroom namin. Eh paano ba naman kasi si Hoseok yung scientific calculator ko iniwan niya sa Dorm mismo nila may test pa naman kami bukas kelangan kong magreview.
"Oh!"
May inaabot saakin si Hoseok na susi.
"Gagawin ko dito?"
"Ikaw kumuha sa Dorm mismo namin."
Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"A------
Magsasalita na sana ako nung hinawakan niya kamay ni Jennie at sabay silang tumakbo. Aba! Mga hype sila :'<
Mabilisan ko namang kinuha yung bag ko at tinungo yung Dorm nila Hoseok saktong pagkadating ko wala namang tao kaya malaya akong nakapasok hinanap ko mismo yung room number nila pagkahanap ko binuksan ko kaagad yun at pumasok napa-wow na lang ako bigla sobrang links ng room nila. Marami pang pagkain pero shit yung calculator ko asan na :'( Hindi naman sinabi saakin ni Baba na may kasama pala siya at kung saan niya mismo inilagay nag-start akong maghanap sa drawers.
YOONGI 's
"Class Dismissed!"
Mabilisan naman nag-evacuate yung mga classmates ko. Nag-aayos pa lang ako ng gamit ko nung may lumapit saakin si Pandak.
"Oh? Bat may elementary dito?"
"Tangina mo naman Hyung!"
Natawa ako sakanya.
"Yung mga kelangan natin sa events na folder dala mo?"
"Nasa Dorm."
"Kunin mo Hyung tapos bigay mo saakin sa SSG Room."
Nagnod ako, Isinabit ko yung bag ko sa balikat ko at sabay kaming lumabas ng classroom nag-iba na siya ng direksyon na nilalakad ako naman papunta ng Dorm. Sa mga time na to walang tao sa Dorm ng Boys class hour kasi. Nakatapat na ako sa pinto ng room mismo namin napansin kong hindi naka-lock. Nakapagtataka imposibleng si Hoseok ang nasa loob may klase siya ng ganitong oras. Binuksan ko dahan-dahan yung pinto tsaka pumasok sa loob inilock ko yung pinto.