EXY 's
1 week na kami ni Baby Yoongi ganun pa din landian pa din to the max hindi pa naman kalat sa buong campus na kami ayaw din naman kasi namin ng ganun ayaw naming machismis :3 sakto na din yung konti lang nakakaalam siguro takot yung iba kay Yoongi kaya hindi nila nagagawang ipagkalat gaya na lang nung tatlong babae na sinabihan akong malandi :3
"Okay class, si Ms. Cho pa din ang 1st honor sa Dean Lister's. Congrats Exy! Mas lalo pang tumaas grade mo bumo-blooming ka din. Pagpatuloy mo."
"Yes, Thank you po Ma'am."
Nagsihiyawan naman yung mga classmates ko. Dahil lahat to kay Yoongi tutor ko na nga Boyfriend ko pa. Iba na din tama ko sa lalaking yan.
"Okay, Class Dismiss."
Chineck ko yung relo ko 12nn na pala Lunch Break pinagluto ko si Yoongi Baby puntahan ko siya sa SSG room para ibigay lunch box niya. Agad kong sinabit yung bag ko sa balikat ko at lumabas ng room. Masaya akong naglalakad sa may hallway nung bigla naman akong nahinto. Si Solar kasama niya mga alipores niya.
"Pwede wag kang harang sa daan."
Sabi ko pero ngumisi lang siya.
"Mang-aagaw ka din no, Alam mo ng ngang may fiance yung tao nilandi mo pa."
Bigla namang kumunot yung noo ko, Alam kong si Yoongi tinutukoy niya.
"Fiance lang naman e hindi pa kayo kasal, Bakit sa tingin mo ba gusto ka niya?"
"Aba't sumasagot ka pa."
Bigla namam akong hinawakan ng mga alipores niya tsaka hinila.
"Bitiwan niyo ko! Saan niyo dadalihin?!"
Halos walang pake yung mga nadadaanan naming studyante nabubulungan lang sila. Wtf?!
Pumiglas ako pero sadyang ang lakas nila. Hanggang sa nakarating kami sa Pool side ng school. Bigla akong kinabahan bat dito pa? Walang katao-tao dito at isa pa may phobia ako sa tubig hindi ako marunong lumangoy. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko nasa 8ft yung pool.
"Ano magmamayabang ka pa?!"
"Ano bang problema mo solar?!"
"Nagtanong ka pa e alam mo na sagot. Tanga ka ba una pinagsabihan nakita na layuan mo si Yoongi pero isinige mo pa din akala mo magpapatalo ako?!"
"Hindi ka niya gusto solar, Wag kang tanga."
Bigla naman niya akong sinampal ng malakas sa magkabilang pisngi ko halos dumugo na bibig ko sa ginawa niya. Sinabunutan niya ko. Sabay nun yung panghila nila ng bag ko tsaka inilagay lang sa tabi.
"Malandi ka Exy! Ang kati mo! Nilalandi mo yung hindi mo pagmamay-ari."
Naiyak na ko sa sakit ng pagsabunot niya sa buhok ko.
"Dapat sayo mawala na e."
Pagkatapos nun bigla niya na lang akong tinulak sa pool.
"Tulong---------agsgjdksiss---tulong"
Halos hindi na ko makahinga hindi ako marunong lumangoy. Yoongi asan ka na? Kelangan kita.
YOONGI 's
Hingal na hingal si Jihoon kambal ko mismo na pumasok ng SSG room parehas kaming nagulat ni Jimin.
"Bat may Kinder dito?"
Tanong ni Jimin.
"Aba-----putang----ina mo-naman pandak ka din!"
"Anong problema Jihoon?"