Edlyn's
Masakit pa din ulo ko nung nagising ako. Hindi bumababa lagnat ko peste naman e. Bat pa kasi ako nagpaulan bumangon ako sa pagkakahiga kahit na hindi ko pa kaya may nakita naman akong tubing tas gamot sa side table kinuha ko yun tsaka ininom yung tubig kasabay nung gamot tumayo ako sa pagkakaupo at naglakad palabas ng kwarto ko pupunta na sana ako sa kwarto ni Maelo nung may narinig akong maingay sa kusina akala ko ba isang linggo mawawala si Mama.
Dumiretso ako dun nabigla naman ako si Jin naka-sando tas boxer shorts tas may apron siyang suot."Goodmorning, Okay ka na ba?"
Lumapit siya saamin tsaka hinipo yung noo tas leeg ko.
"Mataas pa din lagnat mo tapos lumakas ka na sa kwarto mo."
"Bat ka nandito?"
JIN's
"Saakin kayo pinabantayan ni Tita."
"Dun ka na lang sana kay Shiera diba."
Sasagot na sana ako nung bumati si Maelo kakagising lang niya.
"Good morning Mama at Tito."
Umupo siya sa upuan ganun din si Edlyn pinaupo niya na din ako. Kumain kami ng tahimik hanggang sa natapos na bumalik na sila sa kanya-kanya nilang kwarto agad kong iniligpit yung pinagkainan namin at sinundan si Edlyn sa kwarto niya inilock ko yung pinto lumapit ako sakanya.
"Edlyn?"
"Ilang beses mo na bang ginawa saakin to? Nung una okay pa. Okay lang saakin yung ginagawa niyo ni Shiera. Jin? Nung nanligaw ka saakin pinayagan kita pero bat ganun? Ano yung nakita ko sa office?"
Nakita niya yung mangyari saamin dun dahil sa galit at selos kaya ko nagawa yun.
"Naggagaguhan lang ba tayo dito Jin? Kasi kung oo .... Itigil na natin agad to nasasaktan din ako hindi ako bato."
Umiiyak na siya kasalanan ko alam ko nasasaktan ko na siya lumapit ako tsaka niyakap siya.
"Sorry Edlyn. Please wag naman sa ganitong paraan."
"Ano pa bang magagawa ko? Tapos na nangyari na huli na sana yun Jin dahil isa pang gawin mo yun mapapatay ko yung Shiera na yun."
"Mahal kita Edlyn, Hindi na mauulit."
"Mahal din kita Jin."
"So, Anong ibig sabihin nyan?"
"Hindi pa ba halata? Jusko naman Jin tayo na."
Hinalikan ko siya ng matagal tsaka niyakap. Ang saya ko.
Edlyn's
Nasa sala kaming tatlo ni Jin at Maelo si Maelo busyng naglalaro kami naman magkatabi ni Jin sa sofa.
"Jin?"
"Hmmm?"
"Paano kong nabuntis mo ko?"
Napalingon naman siya saakin.
"Ano ba yang naiisip mo Edlyn."
"Eh paano nga kung ganun?"
"Hindi pa ko ready sa mga ganyan Edlyn."
Tsaka siya nagfocus sa panunuod. Lumingon ako kay Maelo. Napaluha naman ako pero agad kong pinunasan yun.
JIN's
Nabigla ako sa tanong ni Edlyn natatakot ako hindi pa ko ready para sa ganun alam kong itatakwil ako ng Appa ko pagnagkataon na mangyari yun.
FAST FORWARD ...
3 months na kami ni Edlyn okay naman Hindi ko na pinapansin si Shiera sa tuwing lalapit siya saakin pero takot pa din akong ipakilala si Edlyn sa magulang ko alam kong tutol sila lalo na ngayon at naka-fixed marriage na ko kay Shiera hindi alam ni Edlyn yun hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya.
"Kung ako sayo Hyung sabihin mo na habang maaga pa."
Sabi ni Taehyung.
"Tama si Taehyung, Mas lalong masasaktan si Edlyn."
Sagot din naman ni Jimin habang nakikipag-cuddle sa kapatid ko sa may sofa.
"Ako na lang magsabi Kuya?"
Sinapok naman ni Jimin si Ivy. :3 Jusko. Iba tong dalawang to.
"Jagi, Kuya mo may problema hindi ikaw."
Inirapan naman siya ni Ivy ayun nilandi naman agad ni Jimin yung kapatid ko tapos napansin ko naman sila Yoongi tas Jungkook nagseselos ang mga gonggong di nila malapitan si Jimin para landiin.
Maya-maya pa'y nagring yung phone ko si Shiera tumatawag.
"Yes?"
"Nakalimutan mo na ba? Ngayon natin kakausapin yung wedding coordinator para sa kasal natin."
"Ahh sige sunduin na kita."
Edlyn's
Badtrip akong umuwi sa bahay galing grocery nakasalubong ko kasi yung higad at pinagbantaan pa kong wag na daw akong lalapit kay Jin kasi masasaktan lang daw ako. Ang weird niya. Bat naman ako lalayo sa Boyfriend ko? -_-
Nakita kong naglalaro yung anak ko sa sofa kasama si Taehyung ayy pusang gala! Bat andito to.
"Aba! Taehyung paano at-----
Hindi ko natuloy na sabi ko lumabas si Yoongi galing kusina tas may hawak na baso tsaka Plato.
" Hi Edlyn!"
Sabay na bati nung dalawa.
"Ang cute pala ng Anak mo Edlyn!"
Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi ni Taehyung. Nilingon ko si Yoongi pero umiling lang siya.
"Anong anak?"
"Pinigilan ko si Maelo na wag ipaalam."
Sagot ni Yoongi.
"Wag kang mag-alala Edlyn tago sikreto mo saamin."
Sabi ni Taehyung tsaka naman tinanggal ni Yoongi yung nakalagay na earphone sa tenga ni Maelo.
"Ma! Ang saya nila kasama."
Tapos kumandong siya kay Taehyung naka-indian sit silang tatlo tapos kumain.
Naupo naman ako sa sofa.
"Si Jin pala?"
Tanong ko sakanilang dalawa nagtinginan naman yung dalawa. Jusko tatlong araw ng hindi nagpaparamdam saakin absent din sa school iba yung prof na nagtuturo saamin tinatawagan tas tinetext ko hindi siya sumasagot. Okay naman kami ah. :'(
"Tinatanong ko kayong dalawa."
"Hindi din namin alam e."
"Pero diba? Hindi na siya sa condo niya nagstay, magkakasama kayo diba sa iisang bahay?"
"Busy siya."
Sagot naman ni Yoongi.
Grabeng Busy naman yun hindi man lang siya nagsabi saakin. -.-
Bumukas naman bigla yung pinto. Si Mama kakadating lang galing trabaho niya.
"Lola!"
Sigaw ni Maelo tsaka niyakap ang Lola niya tumayo naman sila Taehyung at Yoongi binati si Mama nangiti naman si Mama sakanila.
Tsaka na siya dumiretso sa kwarto niya. Natuloy naman yung tatlo sa ginagawa nila.