Nakapag isip na ko.
Inayos ko na gamit ko at lumabas na ng kwarto nag-iwan na din ako ng sulat sa table at lumisan na sa condo unit ni Jimin. Sorry Baby! Sorry hindi kita napaglaban sa magulang ko. Wala akong ginawa. Mugto na yung mata ko sa kakaiyak ni hindi ko nagawang magpaalam ng personal. Parehas lang kaming masasaktan.Nagpara na ko ng Taxi. Mabilisan naman akong nakarating sa bahay nila Papa at Mama. Nakangiti silang sinalubong ako sa pinto. Niyakap nila ko ngumiti lang ako ng peke sakanila.
JIMIN's
Nagising akong wala na si Ivy sa tabi ko. Asan na yun? Bumangon ako sa pagkakahiga may nakita akong letter sa gilid ng lampshade binuksan ko yun. Andun yung singsing na ibinigay ko kay Ivy nung First month namin.
Jimin,
Kung mabasa mo man to. Salamat sa lahat sa lahat ng tulong at pagmamahal mong ibinigay saakin naaprreciate ko lahat ng efforts mo napakaswerte ko sayo mag-iingat ka alagaan mo sarili mo. Wag mo na kong hanapin bumalik na ko sa magulang ko. Mahal kita Jimin pero hindi na pwede, hindi siguro ako yung nakatadhana sayo. Sana mahanap mo yung taong gaya kong mamahalin ka at ipaglalaban ka hindi ko nagawa sayo yun hindi kita naipaglaban. I love you, Goodbye!"
Pagkatapos kong basahin yung letter na galing sakanya hindi tumigil yung luha ko sa pagbagsak. Bat kelangan mangyari to?! Bakit?!
Kinuha ko yung phone ko at dinial yung nunber niya pero operator ang sumasagot. Sinira niya ba yung sim niya?! Damn! Tangina! Ano to!
Hindi ko alam gagawin ko. Putang ina! Napasuntok na lang ako bigla sa wall dahil sa galit. Bat kelangan mo tong gawin saakin? Ano to?!
IVY's
Pulang-pula at mugto pa din yung mata ko nasa bagong kwarto ko ako ngayon nawalan ako ng ganang kumain ni hindi ko pinapansin yung katok nila Papa at Mama. Hinayaan ko sila dun nagtatampo ako sakanila. Namimiss ko na si Jimin. Ano kayang ginagawa niya? Malamang nagmumokmok yun ikaw ba namang iwan mo siya. Tanga ko din kasi. :(
Bigla namang bumukas yung pinto ng kwarto ko.
"Anak? Kumain ka naman oh para may lakas ka."
Sabi ni Mama.
Hindi ako sumagot, Nagbingi-bingihan lang ako.
"Mag-ready ka darating si Mr. & Mrs.Jeon at ang anak nila dito maya-maya."
Sabi naman ni Papa.
"Yan ba ang sinasabi niyong may taning ang buhay? Pero bat ang lakas lakas niyo?"
Nakatanggap naman ako ng isang malakas na sampal galing kay Papa.
"Hindi ka namin pinalaking ganyan."
"Sana pala hindi na ko nagpakita diba? ng hindi ako nahihirapan ng ganito wag kayong umasa na magiging maganda pa pakikitungo ko sainyo pagkatapos nitong ginagawa niyo saakin. Hindi ako yung nagbago kayo yun."
Umalis ako tsaka dumiretso sa banyo at naglock ng pinto. Ayoko nitong nangyayari!
Tinanggal ko na yung damit ko at in-on yung shower faucet.
JUNGKOOK's
Kasama ko sina Appa at Eomma asa loob na kami ng sasakyan i-me-meet daw namin yung Fiance ko. Mga kalahating oras nakarating kami sa mansion nila Mr.&Mrs.Fernandez bumaba na kami sa kotse si Mr.&Mrs.Fernandez nasa Entrance ng bahay nila pinapasok na kami.
Sa Dinning Area kami dumiretso naupo na kami nasa left side kami nila Appa at Eomma asa gitna nila akong dalawa mahaba yung table kaya medyo magkalayo kami ganun din sa rightside.
"Carmela? Froi? Asan yun anak niyo?"
Tanong ni Appa sakanila.
"Andyan na siya."
Sumagot naman si Mr.Froi hindi pa ako lumilingon nung biglang nagsalita si Eomma
"Omo! Carmela hindi mo naman sinabi na ganito pala kaganda yung anak mo."
Puri ni Eomma.
"Siya na ba si Camille Ivy Fernandez?"
Si Appa naman ang nagtanong. Teka? Camille Ivy? Ivy? pero imposible patay na magulang ni Ivy tapos O.O Nanlaki naman mata ko nung nakita ko siya ganun din naging reaksyon niya hanggang sa pag-upo. Si Ivy ang Fiance ko?!
"JUNGKOOK?!"
"IVY?!"
"Teka. Magkakilala kayo?"
Tanong nung Mama niya.
"Aba't paanong?"
"Siya yung tinutukoy kung 18 years old na ginawa akong slave niya."
"Oh gaaad. Jungkook? Siya ba yung kwinekwento ni Alexa?"
Nagnod naman ako.
"Napaka-liit naman ng mundo."
Sabi ni Eomma.
"Kasing liit ni Jimin Hyung."
Sagot ko sumama naman tingin ni Ivy saakin.
"Jimin? Kilala mo siya?"
Sabay na tanong nila Mama't Papa niya.
"Opo, Kaibigan ko po siya Mr.Froi and Mrs. Carmela."
"Masyadong pormal naman Tito at Tita nalang itawag mo saamin."
Nagnod naman ako.
"Pwede ba wag niyong idamay yung taong wala dito."
Bigla namang nawala yung ngiti naming lahat. Napansin ko na mugto at pulang-pula mata ni Ivy.
"Tara na kumain na tayo."
Pagbabasag ng katahimikan ni Tito Froi.
"Mabuti pa nga."
Sagot naman ni Eomma. Sabay-sabay na kaming kumain pwera kay Ivy hindi niya ginagalaw pagkain niya.
"So, Kelan ang kasal nilang dalawa?"
Bigla na lang tanong ni Tito Froi.
"Next month? Mga 2nd week? Para mas mahaba pa yung time na mag-ayos?"
Sagot ni Appa. Bigla naman tumayo si Ivy.
"Excuse me po."
"Saan ka pupunta?"
Tanong ni Tita sakanya. Hindi niya sinagot yun tumakbo siya kaya napatayo ako at sinundan siya.
IVY's
Bumalik ako dun sa may tabing dagat tumulo nanaman yung mga luha ko. Isang araw ko palang hindi nakakasama si Jimin para na kong mamatay. I missed him so much. Oa na kung Oa pero I can't live without his pressence gusto ko asa tabi ko lang siya gusto ko siya lang nakikita ng mga mata ko. :(
"Hayys, Wag kang masyadong mag-emote."
Tangina ilong na to.
"Wag kang umasang gusto ko ang lahat ng nangyayari."
"Tanggapin na lang naten na saatin lahat pabor."
"Alam naman nating dalawa na hindi kita mahal walang silbi yang fixed marriage na yan itakwil man ako ng magulang ko still si Jimin pa din pipiliin ko. Walang kasalang magaganap."
"Hindi ka na makakawala Ivy. Sinisigurado ko yan saakin ka lang babagsak."
Lumapit siya saakin tsaka kinagat niya mismo yung labi ko at umalis na. Putang ina! Arrrggh! :/