Nakauwi na kami andito na kami ngayon sa mansion ni Namjoon. Lahat sila nasa loob mismo ng mansion wala si Alexa nauna na pala siya kagabi buti nalang naiinis ako dun e. Kaming tatlo ni Ilong at Jamless ang nasa labas.
"Tara na Ivy."
Tawag saakin ni Jungkook. Lumingon naman ako kay Chimchim.
"Sakanya na ko sasabay kukunin ko lang gamit ko tapos sunod ka dun mo ko hintayin sa harap ng condo niya."
Nagnod siya tsaka ngumiti. Sumakay na ko sa kotse ni Jungkook at pinaandar niya na to. Medyo ang ang tahimik ni isa saamin walang nagsalita.
After 30mins nakarating na kami. Sabay kaming naglakad papasok ng unit niya. Agad kong inayos yung mga gamit ko si Ilong naman nakaupo sa sofa pinapanuod akong mag-ligpit ng damit ko.
"Ivy?"
Bat ganun yung pagtawag niya sa pangalan ko parang malungkot siya. Tumayo ako tsaka inilagay ko na yung bag ko sa balikat ko.
"Magreresign na ko. Maraming salamat kahit na sandali lang tayo nagsama"
"Sigurado ka na ba?"
"Sigurado na ko."
"Mag-iingat ka."
Tumayo siya tsaka may ibinigay saaking envelope. Alam kong pera karga nun.
"Tanggapin mo yan, Sweldo mo."
Nagnod na ko tsaka lumabas na ng unit niya pagkarating ko sa labas andun si Jimin hinihintay ako. Bumaba siya sa kotse tsaka kinuha niya yung dala ko.
"Okay na?"
Nagnod lang ako tsaka ngumiti pinagbukas niya ako ng pinto ng kotse atsaka naman na ako sumakay. Gentleman si chimchim tsaka naman siya umikot then pumunta sa driver seat. Pinaandar niya na yung kotse.
JUNGKOOK's
Naiinis ako hindi ko alam kung bakit! Letche. Bat ba kasi hindi ako makapag-isip ng maayos. Tangina naman. Bigla namang nagring yung phone ko si Appa tumatawag.
"Appa?"
"Kamusta yung vacation, I heard from Alexa na may kasama ka daw sa unit mo?"
Kinabahan ako bigla. Shit. :3
"So, siya na ba nagpatibok sa puso ng anak ko? Hindi na ba si Alexa?"
"Akala ko magagalit ka sa nalaman mo?"
"Bat naman ako magagalit e buhay mo yan sarili mong lovelife yan. Paano kaya kung e-invite mo siya dito siguradong matutuwa Eomma mo."
"Hindi ko naman po siya gusto e, si Alexa pa din tapos Slave ko lang yun nagresign na nga e."
"Wag kang magsalita ng tapos."
"Pe------
"Sige na anak at may meeting pa kami ni Mr.Kim. Gusto lang kitang makausap dahil namiss kita. Bye."
Tsaka na nag-end yung call. Ang sweet naman nung matandang yun.
Wala naman talaga akong gusto dun kay Ivy. Hinding-hindi mangyayari yun kahiy putulin man bayag ko never akong magkakagusto dun sa babaeng yun.
Tinext ko si Alexa na magkita kami yayain ko siya magdate.
IVY's
Nakarating na kami dun sa unit ni Jimin ang laki din pala di sila ng RK :3 Pagkapasok namin automatic na man na nag-switch yung ilaw tapos para talaga siyang bahay may living room, kitchen tapos sa gitna naman two rooms.
"Dun ka sa right side. Magpahinga ka muna dun tapos tawagin nalang kita kapag kakain na."
"Salamat Chimchim a. Babayaran din kita kapag may pera na ko."
"Ano ba Ivy, walang problema saakin magstay ka lang dito walang bayad sa company ka naman magtratrabaho kaya okay lang."
Ngumiti siya. Omg. Sunggaban ko na ba? Shet.
Pero pumasok na ko ng kwarto kasi naman yung ngiti niya makalaglag bra. :3 Isinara ko na yung pinto. Maluwang yung kwarto may sariling banyo tapos ang ganda ng view sa bintana ayy mali malaking bintana siya na made of glass. Omg! Dream room ko to. Inilagay ko na yung gamit ko sa cabinet tsaka nahiga na sa kama. Ang lambot :'( Magkakaroon din ako ng sarili kong unit. Kung buhay lang si Mama at Papa namimiss ko na sila. Huahua.