JIMIN's
"Maawa ka sa sarili mo Jamless! 1 linggo ka ng ganyan! U got no swag!" - Yoongi
"Gusto na atang mamatay nyan e!" - Jin
"ITIGIL MO NA YAN! MARAMI PANG IBANG BABAE DYAN!" - Namjoon
"Pwe! Namjoon Hyung marami pala pero bat wala kang ganun?" - Taehyung
"Manahimik ka Taehyung kung ayaw mong ikiskis ko Baba ni Hoseok sa mukha mo!" - Namjoon
"Hindi naman kayo nakakatulong sa problema ko bayaan niyo na ko dito."
Sabi ko sakanila nakakabakla na tong ginagawa ko isang linggo na kung umiiyak, walang maayos na kain at tulog lagi akong beer. Namimiss ko na siya wala akong magawa dahil hindi ko alam kung asan siya.
"GUYS! GUYS!" - Hoseok
"ANO NANAMANG PROBLEMA MO BUKOD SA MATULIS MONG BABA?" - Jin
"Ayy Bastos!" - Hoseok
"Sabihin mo na!" - Yoongi
"Nagpost si Jungkook sa IG kasama niya si Ivy tapos Hashtag niya Engagement Party." - Hoseok
"Tangina?!!!!!! Si Ivy yun tinutukoy niyang Fiance niya?!" - Taehyung
"May alam ka dito Taehyung?" - Jin
"Oo kaso dun lang sa In-arrange marriage daw siya ng magulang niya at ng magulang nung babae pero hindi niya sinabi kong sino yun." - Taehyung
"Anong oras niya pinost? Puta! Anong klase siyang kaibigan bat hindi niya pinaalam?! Nababaliw na ba siya?" - Yoongi
"5hrs na nakalipas." - Hoseok
Napatayo nalang ako bigla.
"Saan ka pupunta?" - Namjoon
"Pupuntahan ko si Ivy! Hindi pwedeng mangyari yun alam kong ako mahal ni Ivy hindi siya papayag ng ganun."
Pinaupo naman ako ni Hoseok Hyung.
"Nakainom ka. Wag kang susugod ng ganyan alalahanin mo andun magulang niya wag kang gagawa ng kahihiyan." - Hoseok
"Pero paano si Ivy?"
"Mag-ayos ka ng sarili mo tutulungan ka namin." - Jin
"Wag kang padalos-dalos Jimin." - Yoongi
Hindi ko na alam gagawin ko kapag naangkin siya ng tuluyan ni Jungkook. Hintayin mo ko Ivy!
IVY'sPuro plastikan lang nangyayari dito sa Engagement Party hindi ako natutuwa pasalamat lang tong Jungkook na to at may awa pa naman ako sa mga magulang ko kahit na ganito ginawa saakin.
Natapos yung party walang gana akong pumasok sa kwarto ko at nahiga. Chineck ko yung phone ko isang linggo ko na ding hindi ginagamit nagulat ako ang daming missed calls galing kay Jimin lahat tapos sa Line nagmemessage din siya pati emoticon kinawawa niya na. Teka. May nagsend ng video si Jin pinanuod ko yun lalaking payat na umiinom tapos nagwawala sa parking lot. O.O Jusko. Si Jimin!
"Salamat naman at na tyempuhan kitang online, Puntahan mo si Jimin sa Parking lot ng unit niya ikaw pang makakapagpakalma dun please maawa ka sakanya."
Napatayo ako tsaka ako nagbihis ng Hoody Sweater tapos jogging pants lumabas ako ng kwarto buti na lang at tulog na sila Mama at Papa mabilisan akong bumaba ng hagdan palabas ng bahay nung asa gate na ko tulog naman si Manong Enrico
kaya nagpara na ko ng taxi after 30 mins nakarating ako dun sa condo andun nga si Jimin. Nakaupo siya umiiyak habang umiinom ng alak tapos shitt! Pumayat siya. Putang ina! Kasalanan ko to.Dahan-Dahan akong lumapit sakanya.
"Namimiss na kita Ivy hindi kita kayang mawala."
Bigla naman siyang natumba kaya mabilisan akong lumapit at inalalayan siya.
Ang bigat pa din niya kaya gumegewang kami habang naglalakad hanggang sa napunta na kami sa loob ng condo unit niya hiniga ko na siya dun sa kwarto niya ang daming nagkalat na basag na bote ng Beer. Lumabas muna ako at dumiretso sa kitchen tsaka kumuha ng basin at tubig na may kasaman maliit na towel sakto din namang may gamot sa may medicine cabinet kumuha ako dun at ng isang tubig sa baso tas bumalik sa kwarto ni Jimin ibinaba ko yung dala ko sa maliit na table tapos sinimulan kong linisin siya gamit yung basang towel inuna ko muna yung sa mukha tsaka leeg nung natapos tinanggal ko yung polo niya. Bigla namang nanginig yung kamay ko pumayat nga siya ng sobra yung dati niyang katawan na matipuno nawala. :( Pinunasan ko lang yun hanggang sa braso at kamay niya tinanggal ko na din pati pants at black shoes niya tsaka pinalitan siya ng plain white shirt nung natapos na. Tumayo ako tsaka kumuha ng walis at basurahan nilinis ko yung kwarto niya nung nalinis ko na inilagay ko na lahat ng ginamit ko sa kusina bumalik ako sa kwarto. Inayos ko ng higa si Jimin pati din ako ginamit ko yung right arm ko para dun siya ihiga. Namiss ko talaga siya ilang beses ko lang siyang hinalikan sa noo at nakatulog na din ako.
JIMIN's
Bigla akong nagising. Nanaginip akong inalagaan daw ako ni Ivy tsaka magkatabi kami matulog. Tangina! Tumulo ulit yung mga luha ko. Hindi ko mapigilan :( Hanggang sa panaginip ko lahat konektado sakanya.
"Umagang-umaga nagdradrama."
Nalingon naman ako dun sa pamilyar na nagsalita si Ivy may dala siya tray na may nakalagay na pagkain tas coffee. Lumapit siya saakin tsaka inilapag yun sa harap ko. Yung ngiti ko abot langit. Tangina! inilapit naman niya yung labi niya sa labi ko tsaka binigyan ako ng kiss pero smack lang. Shyeeet."Hindi panaginip to. Totoo lahat! Kumain ka na! Letche ka pinapabayaan mo sarili mo!"
"Ikaw lang katapat ko Ivy. Bat mo ko iniwan ng ganun tapos hindi mo man lang sinabi Fiance mo na pala si Jungkook."
"Ako ba may gusto nun? Magulang ko naman may pakana nun tapos pinagsisihan ko ng iniwan kita."
Pansin ko din na mugto tas pulang-pula mata niya halatang umiyak din siya. Sinimulan ko ng kainin yung pagkain na iniluto niya namiss ko pati luto niya.
"Tutuloy ka ba sa kasal niyo?"
Tanong ko sakanya.
"May taning na buhay ni Papa at yun yung hinihiling niya pero----
"Good ituloy mo Ivy hindi kita pwedeng pigilan kasi ano bang karapatan ko diba? Tanggapin na lang lahat."
Parehas kaming nanahimik hanggang sa nagsalita ulit ako.
"Pwede ka ng umalis, Salamat sa concern ayos na ko."
Tumayo na siya tsaka lumabas ng kwarto.
Mas okay na din yun, Magmomove on na lang siguro ako kahit na mahirap. Gusto ko siyang ipaglaban kaso hindi lang si Jungkook kalaban ko dito pati magulang niya matatalo din ako sa huli.