HEIRA 's
Kinaumagahan nakabalik na din kami sa resort. Naunang bumaba si Namjoon at Jennie buhat kasi ni Namjoon si Jennie. Saktong andun din yung anim.
"Hyung, Buti naman okay lang---ay teka? Bat mali binubuhat mo."
Si Taehyung yun.
"Oo nga, Tsaka ang lakas-lakas niyang tignan bat kelangan mo pang buhatin yang babaeng yan?"
Si Hoseok naman yun.
Lalakad na sana ako paalis nung sumigaw si Jimin. Tangina?
"HEIRA? ANO YANG NASA HITA MO? PASO BA YAN?"
Halos lahat sila tumingin sa Hita ko.
"Ahh. Wala yan, Nagluto kasi ako ng Ramen kagabi dun sa Resthouse nalaglag ko yung caserole sakto sa hita ko."
Tsaka na ko naglakad pero ika-ika pa din.
"Heira Noona, Sinungaling ka. Bat ganyan kalaki paso mo?"
Hindi ko na yun pinansin yung sinabi ni Jungkook. Naiyak na kasi ako naalala ko nanaman.
NAMJOON 's
Pagkabalik namin ng Resort, Saktong andun naman yung anim na gonggong naghihintay.
Nag-umpisa akong maglakad buhat si Jennie
"Hyung, Buti naman okay lang---ay teka? Bat mali binubuhat mo."
Bati agad ni Taehyung
"Oo nga, Tsaka ang lakas-lakas niyang tignan bat kelangan mo pang buhatin yang babaeng yan?"
Si Hoseok pangalawa
Napansin ko namang lalakad na sana paalis si Heira nung sumigaw si Jimin. Hindi ko pa din makalimutan ginawa niya kay Jennie
"HEIRA? ANO YANG NASA HITA MO? PASO BA YAN?"
Halos lahat kami tumingin sa Hita niya. Fuck?! Saan niya nakuha yan? Hindi kaya?
FLASHBACK
Nasa Guest Room kami ni Jennie nung pumasok si Heira may dalang Tray na may Ramen.
"Excuse me?"
"Gumawa ako ng ramen noodles para sayo Jennie."
Nasa kabilang side ako ni Jennie.
Hindi ko alam kung ano nangyari kung bakit natapon ni Heira yung mainit na ramen na nasa bowl.
"Damn! Tangaaa ka ba Heira?! Tinulak mo na nga siya kanina e, Nagawa mo pa siyang buhusan ng mainit na noodles?"
Sigaw ko sakanya at dali-daling pumunta sa tabi ni Jennie.
"Are you okay?"
"Okay lang ako Namjoon, Hindi ako nasaktan."
Lumipat yung tingin ko kay Heira, Nakatalikod na siya at lumabas ng kwarto.
FLASH BACK ENDS
"Ahh. Wala yan, Nagluto kasi ako ng Ramen kagabi dun sa Resthouse nalaglag ko yung caserole sakto sa hita ko."
Tsaka siya naglakad pero nahihirapan siya.
"Heira Noona, Sinungaling ka. Bat ganyan kalaki paso mo?"
Sigaw naman ni Jungkook pero hindi niya to pinansin.
Fuck?! Ang tanga mo Namjoon!
Agad kong binaba si Jennie at sinundan si Heira.
HEIRA 's
Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa paso ko. Naupo ako sa sofa kumikirot pa din ng sakit sobra. Sunod-sunod din pagbuhos ng luha ko.
Hindi ko pala nailock yung room kaya nakapasok si Namjoon yumuko ako at hindi nagpahalatang pinupunasan ko luha ko.
Ngumiti ako ng peke.
"Kamusta na pala si Jennie? Okay na ba siya?"
"Patingin ng paso mo."
"Ahh? Wala yun maliit lang naman na paso yun hindi nakakamatay."
Tumayo ako tsaka akmang lalakad na sana palabas nung pinaupo niya ko sa kama tsaka lumuhod sa harap ko para icheck yung paso ko.
"Wala nga lang yan tsaka hindi naman masakit."
"Araaaaaaay! Shit! Namjoon bat mo ginawa yun?"
Hinampas niya yung paso ko hindi ko napigilang hindi umiyak. Ang sakit eh! Hindi lang naman paso ko masakit pati puso ko habang tumatagal nafafall ako kay Namjoon ang hirap pigilan. Kahit sa ganitong paraan maiiyak ko sakanya lahat tong sakit na nafefeel ko.
"Sorry."
Sabi niya.
"Hindi mo kelangan Mag-sorry Namjoon, Trabaho ko to."
"Pero Heira"
"Gumagana naman yung plano diba? May pag-asang maging kayo ulit ni Jennie. I know mahal mo pa din siya ginagawa mo to kasi mahal mo pa din si Jennie."
Tangina, Nasasaktan na talaga ako pero shit. Kelangan ko tong gawin kahit sobrang sakit na. Malaki ang utang na loob ko sakanya.
Tumayo siya at hinanap yung First Aid Kit na nasa cabinet atsaka bumalik saakin, May pinahid siyang cream sa hita ko. Nabawasan yung sakit sa paso ko nawawala din yung pulang pasa.
"Ang hirap pa lang mag-move on no? Imbes na kalimutan mo lalo mo pang minamahal."
Tangina, Please stop Namjoon hirap na hirap na ko.
"Yung alam mong walang papatunguhan yung tatahakin mong daan pero pinipilit mo pa ding putang inaa, Kayong dalawa maligo na kayo at sabay na sabay na tayong kakain."
Aniya ni Yoongi.
"Sunod na kami."
Kanina ko pa inihanda gamit ko sa banyo kaya mabilisan akong naglakad papasok dun.