Bat siya andito? Anong ginagawa niya dito? Ang daming tanong na napupunta sa isip ko.
Nabalik ako sa katinuan nung halikan ako nito sa labi.
"Shit, Bat mo ginawa yun?!"
Napakamot siya sa batok niya.
"Sorry hindi ko mapigilan e."
Namula ako pero hindi dahil sa kilig kung di dahil sa inis kasi si Jungkook lang may karapatang gumawa saakin nun. Putang ina Camille! Jungkook nanaman!
"Ahh, Transfer ka ba dito?"
"Yes, Pamilyar ang mukha mo. Nagkita na ba tayo?"
"Ne, Kagabi sa Bar."
Nanlaki naman yung mata nito.
"Yung may nanghila sayong lalaki? Wait, Hindi ko kasi nakuha pangalan mo nun. Pwede ko bang malaman?"
"I'm Camille Jung."
"I'm------
Naputol siya sa pagsasalita nung ako ang sumagot.
"Mingyu Kim!"
"Woah, Natandaan mo pa din pangalan ko?"
"Hindi naman ako masyadong lasing nun."
"Anong year ka na?"
"2nd year college na, Ikaw?"
"Third year college."
"Noona!"
"Noona?"
"Yes, Dahil matanda ka saakin Noona itatawag ko sayo tas nakikita ko kasi yung Ate ko sayo."
Natawa to.
"Okay lang din."
"Thank you Noona, Teka! Okay ka lang ba? Yung braso mo?"
"Okay lang ako kanina sobrang sakit pero agad din nawala."
"Para naman makabawi ako, Treat kita Noona sa Cafeteria."
"Eh? Sakto gutom na din ako."
Ngumiti ako at ngumiti din siya.
Nagpaalam siya sa mga kalaro niya tas kinuha yung bag niya, Sabay kaming naglakad papasok ng Cafeteria.
At talagang hindi ako titigilan ng kamalasan.
"Hi Camille!"
Isa din tong kaibigan kong kabayo. Dahilan para mapatingin si Jungkook saakin nagtama ulit ang mata namin pero ako mismo ang bumawi, Sinusubuan siya ng pagkain ni Rena. Ang sweet tangina!
Ngumiti ako kay Hoseok, Jin, Jimin, Taehyung, Yoongi at Namjoon pwera kay Jungkook at Rena.
"Sila yung kasama mo sa Bar kagabi diba Noona?"
Nagnod ako.
"Sila nga."
"Siya din yung possessive mong Boyfriend."
Si Jungkook ang alam kong tinutukoy niya.
"Hindi ko siya Boyfriend, May Girlfriend siya kasama niya."
"Oh? Pero alam kong gusto ka niya Noona nakikita ko sa mga mata niya yung galit at selos. Noona, Kim Mingyu is Dead cause of Death Jeon Jungkook."
Natawa naman ako sa sinabi niya pero yung galit at selos kuno? Gago ba siya? Eh paasa nga yan!
"Kalokohan, Mag-order ka na upo lang ako dun."
Sabay turo ko dun sa bakanteng upuan at table naupo ako dun. Ganun din naman naglalandian si Jungkook at Rena. Gusto kong sakalin si Rena! Peste. Ang kapal ng mukha niyang idikit yung flat niyang DD kay Jungkook.