Decision?

733 18 0
                                    

HEIRA 's

FAST FORWARD

"Heira? Nakikinig ka ba?"

Nabalik naman ako sa katinuan.

"Ha?"

"Kanina pa kita kinakausap, Simula nung ibigay ko yang box na yan natulala ka na may problema ba?"

"Ahh, Wala Namjoon may naisip lang ako para saan pala to?"

"Mamaya sa party."

"Ha? Anong party yun?"

"Engagement party yun."

Engagement? No? Kanino? Nagkanda halo-halo na emosyon ko. Kanino pa ba di sakanila ni Jennie, Nagkunwari akong hindi ko kilala.

"K-ka-Kanino?"

"Saamin ni Jennie, Thank you Heira ang laki ng naitulong mo."

Tangina? Paano ako? Paano Baby namin? Oo nga pala hindi niya alam kasi hindi ko sinabi.

Bumuhos yung luha ko at agad kong pinunasan yun gamit yung hawak kong panyo.

3 months na tong tyan ko.

"See you later."

Tsaka na siya lumabas ng bahay, Nanlambot yung tuhod ko. Napahawak ako sa side ng sofa atsaka inilalayan ko sarili ko na maupo.

Itutuloy ko pa ba to? Tanong ko sa sarili ko.

Pagkatapos na pagkatapos neto aalis ako, Tama aalis ako, Ayoko na susuko na ko!

Tumayo ako sa pagkakaupo tsaka dinala yung box paakyat ng hagdan at papasok sa kwarto.

Binuksan ko yung box may laman tong black backless na dress. Seriously? Halata na tyan ko magsusuot pa ko ng ganito? :3 Oo nga paano naman niya alam. Kunwari busog na lang ako.

Sinuot ko na yun medyo halata na nga tyan ko.

Baby, Ayos ka muna dyan saglit lang tayo. Naeexcite na tuloy akong lumabas siya. Nag-ayos ako ng sarili ko tsaka nagsuot ng sandals, Ayoko ng heels baka kasi matapilok pa ko eh sabi ng Doctor maselan daw pagbubuntis ko. Nung okay na tumingin muna ako sa salamin pansin ko lang lalo akong gumaganda chaar. Hindi kaya Baby Boy? Chaaar.

Bago ako umalis inilagay ko muna lahat ng damit at gamit ko sa suitcase ko tsaka ini-ready yun sa gilid ng kama para dadaanan ko na lang later. Iniwan ko na din phone ko hindi ko naman kelangan yun sa party. Inihagis ko lang sa kama yung phone.

Lumabas na ko ng kwarto ko at mabilisang bumaba ng hagdan tsaka na dumiretso palabas ng bahay.

Saktong may nakaabang na sasakyan sa harap. Huh? Kanino to? Lumapit ako tsaka kinatok yung window. Bigla namang bumakas yun.

"Hi Noona."

Si Jungkook pala.

"Sabi ni Namjoon Hyung ako daw susundo sayo."

Ngumiti siya, Nginitian ko din siya bilang pagtugon. Pinagbuksan niya ko ng pinto pero still asa loob pa din siya.  Pumasok na ko dun tsaka isinara yung pinto. Siya na sana maglalagay nung seatbelt nung napatitig siya sa tyan ko mismo. Kinabahan ako bigla. Ipinagpatuloy niya yung paglalagay nung seatbelt pero hindi masyadong mahigpit.

Inistart niya na yung engine at pinaandar na to.

Habang nasa byahe.

"Noona, Buntis ka?"

Fuck?!

"Ha? Anong sinasabi mo?"

Pagdedeny ko.

Bangtan Boys Dark SidesWhere stories live. Discover now