CAMILLE 's
Nahihilo na ko pero feel ko pa din talaga uminom ng sobra. Eto namang kasama ko ganun din. Ineexpect ko na babastusin ako nito o pagsasamantalahan hindi pala.
Mas lumakas yung tugtog sa loob ng Bar.
Napatayo ako tsaka hinila si Mingyu sa Dance Floor hindi naman to tumanggi.
Habang sumasayaw kami naramdaman ko yung kamay niyang kumapit sa bewang at mas inilapit pa sakanya.
JUNGKOOK 's
Naupo na kami at si Camille naman ang wala. Asan kaya yun. Naboboring talaga ako. Hindi ko mafeel si Rena. Hindi naman to nafefeel ko noon e. Mahal ko si Rena pero si Camille naiisip ko.
Lumagok ako ng wine tsaka umayos ng upo at medyo lumayo kay Rena. Naiinis ako sakanya. Ewan at bakit yung nafefeel ko. Shit!
"Who's that boy?"
Si Namjoon Hyung yun.
"Sobrang lapit."
Si Hoseok Hyung naman yun.
Napatingin ako sa Dance Floor kung asan si Camille na ang Hot sumayaw at may lalaking nakahawak sa bewang niya na sobrang lapit na kulang na lang maghalikan na sila. Dumilim yung panangin ko. Tumayo ako.
"Saan ka pupunta?"
"Ayoko sa lahat yung inaangkin yung pagmamay-ari ko."
"What?"
"She's Mine! Camille is Mine!"
"Woah!"
"Anong pinagsasabi mo JK?"
"Bingi ka ba Rena?"
Napaawang yung bunganga niya sa nasabi ko sakanya.
"Ako ang kasama mo dito, Girlfriend mo ko."
"Rena, Wala akong maalalang sinabi kong tayo na ulit."
"JK!"
Sumigaw siya pero hindi ko siya pinakinggan mabilisan akong naglakad sa Dance Floor at hinila si Camille at hinigit siya palayo sa lalaking yun.
"What the hell are you doing!"
Sigaw nung lalaki.
"Back off Bro, She's Mine!"
Pinansin ko si Camille nakayakap lang to saakin ramdam ko yung malusog niyang dibdib na nakadikit sa katawan ko.
"Jungkook uwi na tayo ..."
Tsaka siya nawalan ng malay sa sobrang kalasingan nito.
Binuhat ko siya tsaka lumapit kila Namjoon Hyung na busyng umiinom.
"Mauna na kami, Uuwi ko na siya."
"Sure, Ingat kayo."
Aniya ni Hoseok Hyung.
"Ingat Jungkook."
"Ne."
"Paano ako JK?"
Si Rena yun nakasimangot.
"May paa ka naman diba? Tsaka pasundo ka na lang sa driver mo."
"JK, Nabab------"
"Shut up Rena! Umuwi ka na!"
Naglakad na ko palabas ng Bar tsaka dumiretso ng Parking Lot.
Ibinaba ko siya sa passenger seat tsaka nilagyan ng seat belt. Mabilisan kong sumakay ng Driver seat tas pinaandar ang sasakyan.