JIN's
Nandito kami nila Jimin, Jungkook, Yoongi sa condo unit ko. Hindi ako pumasok ng trabaho kasi darating ngayon yung isa sa kaibigan namin.
"Wag kang mag-feeling Top Jimin Bottom ka."
"Tangina mo Kookie wala kang swag tigilan mo Jimin ko."
"Walang sayo Yoongi."
Hutang inang ayan nanaman sila sa kabaklaan nila.
Si Jimin naman kilig na kilig. Gonggong talaga.
"Oy jamless! Ginagamit mo lang ba yung kapatid ko para pagtakpan yang tunay mong kasarian?! Kingina ka!"
"Hindi! straight ako atsaka kay Ivy lang ako. Letche! Magsilayo nga kayong dalawa saakin nadadamay ako sa kabaklaan niyo ng dalawa."
"I'M BACK!!!!!!!! THE MOST HANSEUM IN THE WHOLE WORLD!"
Lahat kami na pa nganga sa entrance ni Taehyung. Binato naman ni Namjoon sakanya yung maletang hawak niya ganun din si Hoseok binato sakanya yung bag na hawak niya.
"Tangina. Thank you Body guards."
"Kalesa pala sinakyan mo papunta dito."
"Ha?"
Hindi naman nagets ni Taehyung yung sinabi ni Jungkook lahat kami nagpipigil ng tawa pwera lang si Hoseok.
"Ano bang problema mong Ilong ka? Ano saksakan na lang ng baba!"
Akmang susugod na sana si Hoseok pero pinigilan siya ni Namjoon.
"Magsi-tigil nga kayo. Kakarating lang ni Taehyung sakanya mo na tayo magfocus."
Ang weird ni Badjao. ._.
"Bat saakin? Wala namang nagbago saakin e gwapo pa din ako."
"U no swag Taehyung bumalik ka na dun sa pinang galingan mo."
Sabi ni Yoongi tsaka natulog sa sofa.
"House lifeu?"
"Baka How's life yun? Hoseok?"
"Pwede ba Namjoon ayan ka na naman sa auto correct mo e parehas na din yun."
Binato naman siya ng unan natamaan yung baba niya.
May bigla namang kumatok sa pinto lalapit na sana si Jimin para buksan yun pero agad na bumukas yun at niluwa ng pinto yung kapatid kong isip bata.
"Jagiya!!!!!!!"
Tsaka siya nagpabuhat kay Jimin parehas silang na out of balance ang resulta ayun natumba sila.
"Kingina naman Jagi e. Alam mong pandak ako tapos sasampa ka kaagad saakin."
Nagpout naman yung kapatid kong isip bata talaga. Inalalayan siya ni Jimin para makatayo.
"Ano bang ginagawa mo dito Ivy?"
Tanong ko sakanya.
"May gustong kumausap sayo."
Nagsilingon naman silang lahat saakin.
"Sino? Asan siya?"
"Andun sa may parking lot sa baba puntahan mo na mahalaga kasi sasabihin niya."
Tumayo naman agad ako tsaka lumabas ng pinto nakarating ako ng parking lot nung may nakita akong babaeng nakaupo sa may bench.
Edlyn? Bat andito siya? Wait. Hindi kaya? Lumapit ako sakanya.
"Edlyn?"
Tumayo naman siya tsaka ngumiti. Gusto ko talaga yung kung paano siya ngumiti.
"Seokjin?"