FAST FORWARD ...
IVY's
3 Years old na yung kambal ko si Jimie tapos si Jim sobrang bilis ng panahon parang kelan lang na pinagbubuntis ko pa lang sila.
"Mama! Si Kuya!"
Nakita ko naman si Jimie hawak yung nasirang ulo ng manika niya umiiyak siyang lumapit saakin.
"JIM?!!!"
Galit na tawag ko dun sa Kuya niyang gaya din ng ama niya loko-loko. Agad naman siyang lumapit saakin lahat nakuha niya kay Jimin sabi nga parang si Jimin talaga tapos si Jimine naman syempre saakin. Gandang bata.
"Jim? Diba sinabi kong wag mo papaiyakin yung kapatid mo?"
"Eh kasi ayaw niya ipahiram yung manika niya."
"Aba? Bakit babae ka ba? Hindi naman ha!"
Pagsusungit naman ni Jimie sa kuya niya. Nakita ko naman sa sofa si ilong na nakahiga habang nagpipigil ng tawa.
"Oy Ilong? Wala ka bang trabaho?! Umagang-umaga nangbwi-bwiset ka dito?"
"Relax Ivy binisita ko lang yung mga pamangkin ko tapos sinusundo na din kita sabay na tayo nandun na daw yung makikipag-enggage sa product naten."
Actually magka-business partner kami ni ilong kaya ganun.
"Ahh ganun ba? Ano pang ginagawa mo. Tara na!"
Umalis na kaming apat bale may sarili kaming bahay ng mga anak ko tuwing may trabaho ako, bago ako pumuntang office inihahatid ko muna si Jimie at Jim kay Edlyn siya nagbabantay sa dalawa kong anak pagkatapos naman susundin ko sila dun saka sabay kaming umuwi.
So, Ayun naihatid nanamin yung dalawa nakarating na din kami sa office nasa conferrence room na daw lahat nag-ayos muna ako medyo naging slim na din katawan ko tsaka syempre! Single mom sila yung tunay na maganda. ^^ Sabay kaming pumasok ng Conferrence room kami lang ni Jungkook yung hinihintay hanggang sa napunta na ko sa harap may napansin akong lalaki sa likod si Jimin yun inayos ko yung sarili ko feeling ko kasi tutulo nanaman yung luha ko. Mas lalo siyang gumwapo ngayon nakatingin lang siya saakin pero ako umiiwas ayokong makipagtitigan nakakasira ng focus.
"Okay, Should we start the meeting?"
Tanong ko sakanila nagnod naman silang lahat.
JIMIN's
After 1 year and 10 months matagal ko din siyang hindi na kita ang daming nagbago sakanya mas lalo siyang gumanda pati pangangatawan niya. Ibang-iba na siya sa Ivy na nakilala ko dati.
Kamusta na kaya sila ni Jungkook? Teka ano bang pake ko sakanila may sarili na kaming Lovelife tapos na lahat ng saamin.Hanggang sa natapos yung defense lumabas na silang lahat pwera saamin ni Ivy busy siyang inaayos yung laptop niya lumapit ako sakanya.
"Hi, Kamusta?"
"Okay lang naman, Ikaw?"
"Ganun din naman."
"JAGI!!!! Kanina pa kita hinahanap andito ka pala."
Si Raine fiance ko nakilala ko siya sa Seoul siya tumulong saaking kalimutan lahat at mag-umpisa ulit lumapit siya saakin tas hinalikan ako ng medyo matagal.
"By the way, Ivy si Raine fiance ko Raine si Ivy----
"Ka-Workmate niya, Nice to meet you raine. Excuse nagmamadali kasi ako e. Sorry. Mauna na ko."
Nagmadali siyang lumabas ng conferrence room.
"Ahh Raine mauna ka na sa unit ko. Napakilala naman na kita sa mga kaibigan ko makikibonding lang ako sakanila."
Nagnod naman siya tsaka ngumti sabay kaming lumabas ng conferrence room dumiretso na ka room kong saan andun na sila Namjoon Hyung, Jin Hyung, Hoseok Hyung, Yoongi Hyung, Taehyung at Jungkook.
"Namiss ka namin Jimin pero still u got no jams!" - Namjoon
"Big time na si Pandak!" - Hoseok
"Mas lalong humaba baba ni Hoseok." - YoongiNagsitawanan naman kaming lahat.
"Daming nagbago. Namiss ko kayong lahat."
Sabi ko.
"Kamusta na? Jungkook?"
Nagsitinginan kami sakanya.
"Ayun, In a relationship kay secret." - Jungkook
"Oy anong secret yan?! Diba kay Ivy?" - Taehyung
"Hindi naman tuloy yung pinagkasundo saaming dalawa umayaw kasi si Ivy." - Jungkook
Nabigla naman ako sa sinagot ni Jungkook.
"Tara na! Uminom na tayo." - Yoongi
Bat siya umayaw? Lumingon naman ako kay Jin Hyung pero umiwas siya ng tingin.
IVY's
Nagkulong lang ako sa loob ng office ko tsaka dun nagwala. Ang sakit! Sa harap ko pa talaga? Putang ina! Hindi ko deserve tong ka-putang inahan na tong nangyayari saakin. Maging malakas ka Ivy para sa sarili mo para sa mga anak mo na umaasa sayo. :( Inayos ko yung sarili ko at bumalik sa trabaho.
Dito na pala magtratrabaho si Jimin parehas pala kami. Medyo nainis ako sinadya ata nung punyetang ilong na yun e. -.- Hindi naman na nagpakita yung Raine. After 6 hours na paggagawa ko ng report at defense na kelangan sa susunod na meeting tapos na ko ini-off ko na yung laptop ko 8:00pm na pala minadali ko ng kunin yung gamit ko tsaka pagkalabas ko ng office ko naman sakto namang pasakay na ko sa elevator nung nakasabayan ko si Jimin nasa loob na kami ng elevator.
Bigla naman nagring yung phone ko si Edlyn tumatawag.
"Yes Edlyn?"
Hindi ko naman sinadyang na loudspeak.
"Naka-tulog na si Jimie at Jim yung Ice cream pala nila."
Napansin kong nakatingin saakin si Jimin ini-off ko na yung loudspeak.
"Susunduin ko na sila dyan paalis na ko ng building nag-ice cream na yan kaninang umaga dinalahan sila nung tanginang ilong na yun. Sige na, bye."
Sakto namang bumukas yung elevator asa groundfloor na kami mabilisan akong naglakad ng parking lot at sumakay ng kotse ko naiwan ko dito kotse mo dahil nung isang araw inihatid tas sundo ako ni Ilong. Pinaandar ko na yun at nagpunta na sa bahay ni Edlyn saktong hawak niya na yung dalawang bata na kinukusot yung mata nila gamit yung mga kamay nila.
"Thank you Edlyn ha. Hayaan mo babawi ako sayo."
"Ano ba Ivy wag na tuwang-tuwa naman akong alagaan sila kahit na sobrang kulit nila. sige na uwi na kayo inaantok ng mga yan.
"Sige."
Nagba-bye na yung dalawa at unahan silang sumakay sa Backseat ng kotse pumasok na ko sa driver seat at pinaandar na yung sasakyan After 20 mins nasa bahay na kami.
"Jimie? Jim? Pinagod niyo ba si Tita Edlyn niyo?"
"Hindi po."
Sabay nilang sagot.
Sabay-sabay na din kaming nagbihis ng pantulog at dumiretso na sa kama. Naupo muna silang dalawa tsaka na nalangin
"Lord, Thank you po kasi binigyan niyo nanaman po kami ng araw para mabuhay at sana po sa sunod na mga araw makita nanamin si Papa. Amen."
Tsaka naman na sila humiga. Talagang gusto na nilang makilala at makita papa nila kaso hindi pwede e. Ayokong maramdaman din nila yung nararamdaman ko ngayon.