Flat who?

1.3K 21 0
                                    

EXY 's

Maaga akong umalis sa bahay tsaka bumalik sa Dorm. Naligo na ko sa bahay kaya pagbibihis ng uniform at pag-aayos ng gamit ang ginagawa ko ngayon sakto ding nakalabas na yung kadorm mate ko galing bathroom naka-uniform na siya.

"Umuwi ka pala hindi mo sinabi wala tuloy akong kasama."

Tsaka siya nag-pout.

"Sorry Jennie hindi na ko nakapag-paalam nagmadali kasi ako e."

Napansin ko namang umiwas siya ng tingin.

"Teka, Umiyak ka ba?"

"H-ha? H-hindi ah."

Iniharap ko siya saakin mugto yung mata niya.

"Nag-away nanaman ba kayo ni Jongin?"

Hindi siya sumagot niyakap niya lang ako tsaka siya umiyak.

"W-wala na kami Exy, Nakipagbreak siya saakin."

"Aba! Ginawa sayo ni Jongina yun? Sumbong mo sa Tatay niyang si Binay para magtanda."

"Hindi naman niya Tatay yun."

"Ahh Hindi ba? Akala ko kasi Tatay niya kaparehas  niya kasing maiitim. Tsaka diba sinabihan na kita marami pang ibang lalaki dyan tulad ni .."

Napa-isip ako kung sino.

"Ni?"

Hinila ko siya palabas ng Dorm tas dinala sa veranda may malaki kasing veranda dito sakto para makita mo buong fields.

"Bat tayo andito?"

"Kilala mo yun?"

Turo ko dun sa tumatakbong lalaki ..

"Si Jungkook? Yung malaki ang ilong?"

"Yes. Ire----

"Ayoko Exy iba na lang wag sa ilong na yan. Si Namjoon na lang."

"Eh? Akala ko ayaw mo sa boring na tao?"

"Iba kasi si Namjoon."

Tsaka siya namula. Ako ba pinagloloko nito?

"Mauna na ko sa klase ko. Kita na lang tayo later."

Tsaka na siya tumakbo paalis. Ako naman isinabit ko na sa balikat ko yung bag ko tsaka na naglakad papunta sa first subject ko.

Asa Hallway na ko nung tangina! Siya nanaman nakita ko naka-ngisi siyang naglalakad papunta sa direksyon ng kinatatayuan ko.

"Ms. Cho Exy? Wala ka bang klase or nag-cut ka ng class?"

Isusulat niya na sana pangalan ko sa listahan ko nung bigla kong agawin sakanya yung Ballpen nahawak niya.

"Excuse me! Mr. President 8:30am pa po start na klase ko at papunta pa lang ako sa next subject ko."

Tsaka ko siya inirapan. Ngumisi ulit siya. Shine bright like a diamond yung gilagid niya. :/

"Hmm. Ganun ba?"

Aalis na sana ako nung bigla ulit siyang nagsalita.

"Flat!"

Biglang lumaki yung mata ko sa sinabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Nakangisi lang siya habang pinaglalaruan yung hawak niyang ballpen.

"Ano naman sayo kung flat ako?"

Inirapan ko siya tsaka na tuluyang umalis. Bwesit siya! Bwesit! Badtrip akong pumasok sa room at umupo sa upuan.

Bangtan Boys Dark SidesWhere stories live. Discover now