JIMIN's
Simula nung araw na yun wala na kong balita kay Ivy busy na din kami ni Yoongi Hyung sa Business namin dun ko lahat finocus yung sarili ko medyo okay na ko bumalik na sa dati yung katawan ko.
Bigla namang nagring yung telepono sa side agad ko naman sinagot yung bago ko palang secretary.
"Sir, May naghahanap po sainyo papapasukin ko po ba?"
"Sige."
Nung nakapasok na siya. Bigla naman siyang ngumisi.
"Kamusta Jimin Hyung? Matagal na din nung huli tayong nagkita."
"Ano bang problema ng ilong mo?""Ibibigay ko lang sana to sayo. Punta ka."
May iniabot siyang invitation at umalis na. Invitation yun sa kasal nila ni Ivy sa Saturday.
FAST FORWARD ...
Dumating yung date na yun asa Venue na kaming lahat completo kaming pito. Mga Isang oras na kaming naghihintay dito hanggang sa dumating na yung bride kasama kami sa Best man nasa tabi ko si Jungkook siya yung groom kapal ng mukha ni Ilong. -.- Nagstart ng maglakad si Ivy sa aissle yung tingin ko asa kanya lang ang ganda niya hanggang sa ibinigay na ng papa niya yung kamay niya kay Jungkook hindi ako tumingin nun ramdam kong nakatingin si Ivy saakin.
IVY's
Nakita ko si Jimin. Bumalik yung dating siya :( Tuluyan niya na ba akong kinalimutan? Hindi niya na ba ako Mahal? :'( Nasa kalagitnaan kami ng ceremony ng kasal namin ni Jungkook nung nakaramdam ako ng hilo hanggang sa *Blackout*
Nagising akong asa Hospital na ko naka Hospital Dress na ko.
"Okay ka lang ba Anak?"
Nag-aalalang tanong ni Papa pati si Mama nakahawak lang sa kamay ko.
"Medyo nahihilo lang po ng konti."
May pumasok naman na Doktor.
"Doc? Kamusta po kalagayan ng anak namin?"
Tanong ni Mama.
"Ayun sa Test, Positive ang anak niyo sa Pregnancy, 3months na po siyang buntis. Congrats po."
Atsaka umalis yung Doctor. Nagulat naman ako pati sila Mama at Papa. Imposibleng si Jungkook ang Ama nito ang huling alam kong may nangyari saamin si Jimin siya lang at walang iba bigla akong naluha sa tuwa may anak na kami.
"Anak? Sinong Ama niyan?"
Tanong ni Papa.
"Si Jimin po."
"Gusto namin siyang kausapin ng Mama mo tungkol dyan hindi na namin itutuloy kasal niyo ni Jungkook."
"Po?"
"Anak, Bingi ka?"
Si Mama naman na natatawa tapos alam ko namang masaya sila. Halata ko yun.
JIMIN's
Flight for Seoul, South Korea is now open please proceed to departure area. Thank you!
Tumayo na ko tsaka kinuha yung mga gamit ko.
"Sigurado ka na ba? hindi ka man lang dadaan sa Hospital at tatanungin kung okay na si Ivy?"
"Jin Hyung, Masaya na sila ni Jungkook ayoko ng manggulo. Sige na aalis na ko mag-iingat kayo mamimiss ko kayong lahat."
Lumakad na ko. Papuntang Departure Area gusto kong magsimula ng bagong memories ng wala si Ivy. Mahal ko pa din siya at never siyang mapapalitan dito sa puso ko aayusin ko lang buhay ko. ^^IVY's
Andito kami sa bahay at kasama namin sila Tita Sooyoung at Tito Junghyun.
"Pasensya na Kumare Sooyoung at Kumpare Junghyun pero hindi nanamin itutuloy ang kasal nila Jungkook at Ivy."
Si Papa ang nagsabi nun. Nagulat naman sila pati si Jungkook.
"Pero bakit?"
Si Tito Junghyun ang sumagot.
"3 months ng Buntis ang anak namin."
Si Mama ang sumagot mas lalo nilang ikinagulat yun.
"Kanino?"
Si Jungkook naman yung nagtanong.
"Kay Jimin."
Sagot ko.
"Kaya kelangan naming makausap si Jimin."
Bigla namang nag-vibrate yung phone ko. Si Jin tumatawag.
Sinagot ko yun."Ivy? Okay ka na ba?"
"Oo, Okay na ko."
"May gusto sana akong sabihin, Si Jimin kasi umalis na bumalik na siyang Seoul. Ayaw niya tong ipaalam pero hindi rin kasi kaya ng konsensya ko."
Bigla ko namang nabitawan yung phone ko at natulala.
"Anak, Bakit?"
Kasabay nun yung pagtulo ng luha ko. Bat niya ko iniwan? Bat siya umalis. Tanong ko sa sarili ko.
"Bumalik na siyang Seoul, Wala na si Jimin."
Dun na ko umiyak at humagulgol niyakap lang ako ni Mama at Papa.
"Kelangan ko si Jimin."
"Bababalik siya nak."
Patuloy lang ako sa pag-iyak.