HEIRA 's
Parehas kaming maagang nagising ni Namjoon at nagready ng gamit.
"Maghintay lang tayo darating din yung mga kasama nating gonggong."
Nagnod lang ako hindi ko alam kung sino yung tinutukoy niya naupo lang kami dito sa sala.
Maya-maya pa'y may pumasok na anim na lalaki. Nanlaki yung mata ko kasi lahat sila ang gwapo peste ito ba yung gonggong na sinasabi ni Namjoon.
"Hyung, Where here."
Sabi nung lalaking may nakaprint sa shirt niya na I'm your hope.
"Shit english yun."
Mangha na pagkasabi nung ewan siya ata pinakabata.
"Buti pa english speaking niya nag-upgrade pero yung baba niya long pa din."
Sabi naman nung nakalunok ata ng gluta.
"How dare you Min Yoongi."
"Kingina tapos na ba kayo?"
Si Namjoon na yun.
"Ahh, Hyung sino yang kasama mo?"
Tanong nung may hawak ng jam tas pinapapak yun.
Nagsilingon naman silang lima saakin, yung isa lingon kasi niya nasa taas ang weird. Napansin ata yun nung naka-pink shirt kaya binatukan niya.
"Iba ka Taehyung."
"Guys, Meet my girlfriend Heira."
"Weh? Girlfriend mo yan Hyung? May pumatol sayo?"
"You got no jams Jimin."
"I got a jams Hyung."
Sabay pakita niya nung hawak niyang garapon na may jam.
Napakunot lang sa noo si Namjoon.
"Bago tayo umalis ipapakilala ko muna sila sayo Heira."
Sabi ni Namjoon. Nagnod lang ako tsaka ngumiti.
"Seokjin or you can call him Jin."
Turo niya dun sa nakapink shirt ngumiti lang to tsaka naman ako tumugon.
"Taehyung."
Yun yung weird.
"Hoseok."
Siya yung may I'm your hope sa shirt niya.
"Jimin."
Siya yung may hawak ng Jam.
"Yoongi."
Siya yung nakalunok ng gluta.
"And last Jungkook."
Siya yung pinakabata.
"Nice to meet you."
"Nice to meet you too Heira."
Sabay sabay nilang sagot.
"So, Tayo na?"
Sabi ni Jimin.
"Lol, Walang tayo."
Sagot naman ni Yoongi.
Wala ng sumagot naglakad na kami palabas ng bahay, May nakapark mismo na Black Van.
Una akong pumasok mas pinili kong umupo sa back seat sinundan naman ako ni Namjoon dun bale kami lang dalawa sa back seat sa Middle naman sila Taehyung, Jimin, Jungkook at Jin then ang driver si Hoseok tas sa tabi niya si Yoongi.