"Hoy! Anong sinisilip mo jan?"Hindi ko pinansin si Whole habang hindi inaalis ang tingin kay Autum na nagdidilig ng mga halaman.
Kakarating lang namin ni Whole dito sa Pilipinas at hiniling ko kay Mommy na kung pwede kaming dumiretso sa dati naming bahay na katabing bahay lang nila Autum at hindi ko inaasahan na dito parin sila nakatira.
"Si Autum ba 'yan?" Tanong ni Whole habang pilit na sinisiksik ang ulo sa kurtina na binuksan ko.
"Tsk, doon ka na nga."
"Damot!"
Lumabas na siya ng kwarto ko habang nakapako parin ang tingin ko kay Autum.Mas lalo siyang gumanda at katulad parin ng dati mahilig parin siyang magdilig ng mga halaman.
May biglang tumigil na sasakyan sa harap ng bahay nila.Lumabas ang dalawang babae at ilang minuto lang ang lumipas, sumama siya sa mga 'to.
Nagmamadali naman akong lumabas para sundan sila.Tumigil ang sasakyan sa mall at hanggang doon sinundan ko sila.Sa pag-iingat ko na hindi nila ako makita hindi ko napansin ang babae na tuluyan ko nang nabunggo.
"What the..."
Bumuhos lahat sa puti kong polo shirt ang kapeng hawak niya.Bakit kasi hindi ako na tingin sa dinadaanan ko? -_-
"Urgh! Ang malas talaga ng araw na 'to!" Rinig kong reklamo niya habang pinupunasan ang konting kape na natapon sa kamay niya.
"Pasensya na---" Natigilan ako nang makaharap ko ang mukha niya.
Ang dimple sa kaliwang pisngi niya, yung labi niya, at mata.Fvck! Sobrang pamilyar.Siya yung babae sa bar doon sa Seoul.Hindi ko alam na magkikita pa kami matapos niya akong sampalin.
Akala ko makikilala niya ko pero hindi dahil nagmartsa na siya palayo habang hindi man lang nanghingi ng paumanhin sakin.Matapos niyang ibuhos lahat sakin ang kape niya.
Tsk.Pasalamat siya kasalanan ko ang nangyari dahil kung hindi...Urgh! Buti na lang talaga hindi ako napatol sa babae kahit ilang beses na kong ni-reject ng mga to.
"Shvt!" Napatampal ako sa noo ko nang maalala sila Autum.Hindi pa naman siguro sila nakakalayo.
Pumasok muna ako sa isa sa mga men's boutique para bumili ng damit.Pinili ko na lang ang isang grey v neck t-shirt.
Nagpalinga linga ako sa paligid at kung saan-saan na ring female's boutique ako pumasok pero hindi ko na sila mahagilap.Aish! Kung hindi ko lang sana nabunggo ang babae na 'yon na sa paningin ko parin sana si Autum.
Bigo akong bumalik sa parking lot at pasakay na sana sa kotse ko pero natigilan ako nang maabutan ko si Ms.Dimple.Nakasandal siya sa kotse habang nakatakip ang mga palad niya sa mukha niya.
Napansin ko ang gulong ng kotse at mukhang binutas 'to.Kaya ba siya nakasalampak sa sahig dahil nabutas ang gulong ng kotse niya? Halata naman Half. -_-
Gusto ko sanang matawa dahil kinarma na siya pero sa itsura niya mukha siyang nakakaawa.Mukha lang kaya sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar na 'to paalis doon.
Magagawan naman niya siguro nang solusyon 'yon.Hindi na niya kailangan ng tulong Half.Napailing na lang ako at binuksan ang radyo.Pero...
"Aish!"
Hinigpitan ko ang paghawak ko sa manibela bago mag-u turn.Baka mamaya ma-rape pa siya at ako pa ang puntahan ng mga pulis dahil ako ang huling nakakita sakanya.Ayokong makulong no.
Naabutan ko parin siyang nakasalampak sa sahig ng itigil ko ang sasakyan sa harap niya dahilan para mag-angat siya ng tingin.Bumaba ako nang sasakyan at doon ko lang nakita na naiyak pala siya.What the heck?! Umiyak na siya dahil lang dito?
Lumuhod ako sa harapan niya at inabot ang panyo ko na hindi siya tinitignan.Tutulo na kasi uhog niya. -_-
"Salamat..."
Narinig ko ang pagsinga niya at ang mas lalo niya pang pag-iyak dahilan para napatingin samin ang ibang mga tao na nasa parking lot.Nataranta na ko dahil baka sabihin ng mga tao pinapaiyak ko siya.
"Pano ako makakauwi? *hulk* Ang malas ko talaga!" Halos maglumpasay na siya sa lupa.Ako naman tong hindi alam ang gagawin.
"Tapos malalaman kong may iba na siya?! *gulp* Ang sakit! *hulk*"
"Shhh...enough ihahatid na lang kita sa inyo." Pag-aalo ko sakanya.Tumigil siya sa pag-iyak kaya nakahinga ako ng malalim pero ilang minuto lang ang lumipas umiyak na naman siya pero this time ginawa na niya akong punching bag.
"Kasalanan ko naman eh! Pero mahal ko pa siya! *hulk*"
"Nakikipag break yata si kuya?"
"Hala? Ang sama naman ni kuya."
Napapikit na lang ako nang madiin dahil sa mga naririnig ko.Ako na nga nagmamagandang loob napagbintangan pang masama.
"Tatahimik ka oh hahalikan kita?" Inis kong tanong at Hindi kalaunan hikbi na lang niya ang naririnig ko.
"Good."
Sumimangot siya sakin at binato ang panyo ko sa mukha ko.
"Asa! Hindi ka na makakaulit!"
Para akong namutla dahil sa sinabi niya.Shvt! Naalala na ba niya ko?
"Saan kita ihahatid?" Sinilip ko siya sandali bago ulit ibalik ang tingin sa daan.Namumula parin ang mga mata niya at halos kanina pa siya nakatulala.
"Uhm? Sa W-Wilton Park na lang siguro." Tumango ako at iniba na ang daan namin.
Hindi ko alam kung natatandaan na ba niya ako dahil matapos ng nangyari kanina ngayon na lang ulit siya nag-salita.Napailing na lang ako at itinigil na ang sasakyan ng makita ko na ang malaking sign ng Wilton Park.
"S-Salamat..."
Balak na sana niyang buksan ang pinto pero pinigilan ko siya.
"Sandali."
"Bakit?" Tinignan niya ako nang may pagtataka pero nilahad ko lang ang kanang kamay ko.
"Half, I'm Half Alcantara." Pakilala ko at sa unang pagkakataon nakita ko ang pag-ngiti niya dahilan para mas lalo pang ma-depina ang dimple niya.
Mas lalo siyang gumanda.
"Zia Dethon."
BINABASA MO ANG
Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]
Teen Fiction"...sometimes letting go is the best decision." Meet Half Alcantara. Good guy, handsome, rich, kind. Lahat na yata na sakanya maliban sa pag-ibig.Love sa family? Check! Love sa friends? Check! Love sa isang tao? Uhm...nevermind! Always rejected sa b...