End

1.1K 28 0
                                    

Half POV

Tumingin ako sa restaurant na katatapos lang magawa.This is it.After so many years.Matutupad na ang plano ko.

Masyado na kaming nasaktan, naghabulan, umiyak.Natatawa na lang ako pag naaalala 'yon.And yes this is my way to end that.

"Im serious honey babe! Magtayo ka ng restaurant mo someday."

"Marry me first."

"Magtayo ka muna ng restaurant."

"You're going to marry me if I build a reataurant?"

"Someday..."

"Deal?"

"Deal."

It's a deal.Sinarado ko ang red box at nilagay sa bulsa ko.Pumasok na ko sa loob habang agad kong nakita sila Renz.Ang parents ni Zia.Yes, tinawagan ko sila para dito and I can't believe na papayag sila.Ngumiti ako sakanila habang tumango lang sila sakin.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa ko.

Napigilan ko siya Half.Kailangan mo ng maghanda ng pabuya.Dadating na siya jan anytime!

Basa ko sa text ni Khrislyn.That's good! Makakahinga na ko ng maayos.Ngayon ang alis ni Zia papuntang France pero nakiusap ako kay Khrislyn na gumawa ng paraan para pigilan siya at papuntahin dito.

"Malapit na raw si Zia.Bilisan natin!" Sigaw ni Renz.Malamang nag-text na sakanya si Khrislyn.

Pumwesto na ko sa gitna.Fvck! Ngayon ko lang naramdaman ang kaba.Andito halos lahat ang taong malalapit samin.

"Don't worry anak napagdaanan ko rin 'yan pero makakahinga ka rin ng maayos pagkatapos nito." Tapik sakin ni Dad para pagaanin ang loob ko.

"Thanks Dad." Tumingin ako sa likod niya.Si Whole lang ang nandoon na busy makipagusap sa mga babae.Napailing na lang ako.Kahit kailan talaga ang lalaking 'to.

"Si Mom po?"

"Malalate raw siya ng konti." I hope makapunta siya on time.Naging maayos na naman kami ni Mom pero hindi pa masyadong nag-uusap.

Natigilan naman kaming lahat ng may tumigil na taxi sa harap ng retaurant.Shvt! Siya na yata 'to.

Bumukas ang pinto ng taxi and im right.Mas lalo akong kinabahan habang palapit siya ng palapit.

(N/P: Be the one by Jeff Bernat)

Nasakanya lang ang buong atensyon ko hanggang sa tuluyan na siyang makapasok.Lumunok ako ng unti-unti ng bumukas ang ilaw.

Kitang kita sa mukha niya ang gulat ng makita kami.Tumigil ang mata niya sakin.Parang nawala ang kaba ko at unti-unting humakbang palapit sakanya.

"A-Anong---" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng hawakan ko ang kamay niya.

"Honey babe..." Simula ko habang nakita ko ang pagkagat niya sa ibabang labi.

"Half---" I place my finger on her lips.

"Listen to me first." Tumango siya kaya ngumiti ako at huminga ng malalim.

"Sinampal mo ko ng una tayong magkita tapos tinapunan ng kape noong pangalawa." Narinig ko ang tawanan ng mga tao sa likod namin.

"We kissed, sa mall.That's our second kiss by the way."

"Lakas mo dude!"

Dinig kong sigaw ni Renz na kinailing ko.

"And uhm...Naging superhero mo rin ako." Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Yung mga oras na ayaw mo ng mabuhay.Im there and that time I told to my self that im going to protect you.I don't know kung bakit ko ginagawa 'yon but then I realized maybe I like you." Tumulo ang luha niya na agad kong pinunasan.

"Napunta tayo sa fake relationship at sa mga oras na 'yon I know mas lalalim pa ang nararamdaman ko sayo and im right Zia.Nasaktan ako ng iwan mo ko." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.Hinalikan ko 'to pareho bago muling tumingin sakanya.

"Im scared, natatakot ako ng mga oras na tanggihan mo ko if Im going to confess my feelings, if im going to say that I love you."

Lumuhod ako sa harap niya at kinuha ang red box sa bulsa ko.

"Pero ngayon Zia I want you to know how much I love you.Please marry me." Saad ko bago buksan ang box.

Pinunasan niya ang luha niya habang hinihintay ko ang magiging sagot niya.

"Im sorry Half.Sa lahat ng sakit na binigay ko sayo.But are you really sure about this?"

"You promised me Zia.Ito na ang restaurant.Pakasalan mo na ko." Natawa siya at nilibot ang paningin sa kabuuang restaurant.Tumingin rin ako sa tinitignan niya.Isa yong babae na nakangiti.Ginawa ko 'yon four years ago.Pakiramdam ko kasi nakalimutan ko na ang mukha niya but im wrong.Kabisadong kabisado ko pala ang mukha niya.

"Say yes!"

Sigaw ng mga tao sa likod namin.Tumingin sakin si Zia.Please.

"I don't deserve this." Sasagot sana ko pero nadagdagan na niya agad 'yon.

"But I love you Half.Yes, I want to marry you."

Halos nakakabinging sigawan ang background namin pero wala na akong paki doon at sinuot na sakanya ang sing sing bago siya halikan.

"I love you Zia Dethon-Alcantara." Muli ko siyang hinalikan at napapikit ako ng humalik siya pabalik.

"Half..."

"Hmm?"

"Im pregnant."

Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon