Zia POVSobrang sakit ng ulo ko parang pinupukpok ako ng martilyo.Urgh! Kinusot ko ang mata ko at napabalikwas ako ng maalala ang nangyari kagabi.
"I-I want Half..."
"I want my h-honey babe..."
Napasabunot na lang ako sa buhok ko.Aish! Nakakahiya! Sino ba kasing ng hila sakin palabas ng bar? Hindi ko nakita ang mukha niya dahil sa luha ko pati na rin sa paningin kong umaalon pero bakit pamilyar sakin ang pabango na 'yon?
At paano ako napunta dito sa condo ko? Urgh!! Baka naman kinuha ako ng mga tauhan ni Dad? Ni Mom?
Ilang minuto akong tumunganga sa kwarto ko bago naisipang bumbaba at isantabi muna ang nangyari kagabi.
"Pinapahirapan mo lang ang sarili mo Zia.Hindi na kita mahal.Don't you get it? Iniisip ko nga kung bakit ka pa bumalik? Im happy now so please? Leave me fvking alone."
Napatigil ako sa paghalo ng kape ko ng maalala ang nangyari sa Baguio kahapon.Sinubukan ko lang naman kausapin si Ichiro pero bakit sa tuwing nagkakaharap kami puro masasakit na salita ang binabato niya sakin?
Matapos marinig 'yon mula sakanya bumalik ako dito sa Manila.Para makalimot kahit isang araw lang, sa pamamagitan ng pag-inom.
Kasalanan ko naman ang lahat ng 'to kaya kahit itaboy niya ko at pagsalitaan ng masasakit na salita.Ayos lang baka karma ko na rin 'to.
Ichiro is my first boyfriend but i leave him 2 years ago.Gusto ng pamilya ko makipag-partnership sa kanila.Kaya ako pinasok sa Wilton University ang eskwelahan na pinagbabawal ang mga babae pero dahil sa connections ni Dad mabilis akong nakapasok dito.
Ayos lang sakin ang lahat dahil kahit anong gusto nila Dad susundin ko.I love them so much kaya ko 'yon ginawa.
Pero hindi ko inaasahan na mamahalin ko si Ichiro ganon din siya pero naisip kong nagkita kami sa maling oras, maling panahon.Mali lahat.Kaya umalis ako at umaasang baka pagbalik ko mahal niya parin ako but i was wrong dahil may minahal na pala siya habang wala ako.Ganon ba kahaba ang 2 years?
Pero wala silang alam sa pinagdaanan ko sa Seoul.Kung paano ang naging buhay ko ng iwan siya, kung paano walang masabihan ng problema, kung paano maramdaman ng nag-iisa.
Sumubok ako ng mga suicide sa Seoul but then lagi akong nakakaligtas.Umuwi ako ng Pilipinas at nagkaroon ng lakas ng loob harapin ang lahat pero masakit pa lang malaman na may iba na siya.
I want to end my life.Minsan na tatanong ko kung bakit pa ko binuhay? Si Ichiro lang nagmamahal sakin....noon...
Ngayon wala na, dahil alam kong habang hindi pa kami nabalik ni Ichiro sa dati wala parin akong silbi kila Dad.
*****
"Nandito ka na naman?" Parang naiinis na saad ni kuyang guard pero hindi ko siya pinansin at sumilip lang sa loob.
"Uhm...pwede po bang patawag si Ichiro---"
"May klase pa sila neng."
"Sige hihintayin ko na lang po siya." Umiling lang siya sakin habang naupo ako sa gilid.
Naisipan kong dalhan ng tanghalian si Ichiro at magsosorry sa nangyari kahapon.
Ilang oras akong naghintay doon pero ang tagal magbukas ng gate.Napatayo naman ako ng makita ang lalaking palabas ng gate.
Nakita ko ang pagtango niya sa guard bago tuluyang lumabas.Humigpit ang hawak ko sa paper bag ng magtama ang tingin naming dalawa.
"What are you doing here?"
"Gusto ko lang 'to ibigay." Kunot noo niyang tinignan ang paper bag na hawak ko.
"Pinagluto kita ng---"
"Hindi mo na kailangang gawin 'to.Kumain na ko.Umuwi ka na lang." Tatalikod na sana siya pero pinigilan ko siya.
"Kausapin mo naman ako Ichiro please."
"Kailan ka pa naging desperada?" Dahan-dahan kong binitawan ang braso niya.
"Sorry---"
"Ito na sana ang huli nating pagkikita Zia.Don't do this anymore.We're over.Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo.Alam ko na ang lahat.Kung bakit mo ko iniwan.Alam ko lahat kaya wala ka ng dapat pang ipagpaliwanag.Huwag ka na ring umasa na babalik pa tayo sa dati.May mahal na kong iba---"
"Okay, h-huwag mo ng ituloy.Nandito lang ako para sabihing hindi ako susuko.Sorry p-pero hindi 'to ang huli." Tumalikod na ko at patakbong lumayo sakanya.
Nabitawan ko ang paper bag kong hawak at sumandal sa poste na nakita ko.Humawak ako sa dibdib ko at ang lakas ng pagpintig nito.Hindi ko pala kaya.Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pag-iyak ko.
"Zia?" Napalingon ako sa kaliwa ko at nakita ko si Renz.Pilit akong ngumiti at tumayo ng maayos.
"R-Renz."
"Ayos ka lang?" Hindi ko alam pero ng marinig 'yon mula sakanya biglang bumuhos ang luha ko.
Ayos nga lang ba ko? Siguro pinipilit na maging maayos.Mas may sasakit pa pala sa mga binabatong salita sakin ni Ichiro ang marinig sakanyang may mahal na siyang iba.Parang sinaksak ang puso ko ng paulit-ulit.
"S-Sandali bakit ka umiiyak?" Umiling ako at napaupo na lang.Pinupunasan ko ang luha ko pero patuloy pa rin 'to sa pagtulo.
Lumuhod siya sa harap ko at inabutan ako ng panyo.
"Salamat..."
*click*
BINABASA MO ANG
Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]
Ficção Adolescente"...sometimes letting go is the best decision." Meet Half Alcantara. Good guy, handsome, rich, kind. Lahat na yata na sakanya maliban sa pag-ibig.Love sa family? Check! Love sa friends? Check! Love sa isang tao? Uhm...nevermind! Always rejected sa b...