Zia POVHindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali.Tsk! Bakit pa kasi sinabi sakin ni Renz 'yon? Pero ano nga bang paki ko kay Half? Aish!
Saan naman ba kasi siya pumunta? At hindi pa siya nauwi hanggang ngayon? Pabagsak akong umupo sa sofa ko at sumandal dito.
Biglang tumunog ang phone ko kaya mabilis ko tong kinuha sa bulsa ko.Para akong nanigas dito sa kinauupuan ko ng makita ang pangalan ng taong tumatawag sakin.
Lumunok ako ng ilang beses bago 'to sagutin.Nilagay ko 'to sa tenga ko pero wala akong narinig.
(N/P: Ikaw at ako by TJ Monterde)
"Half..." Pumikit ako ng madiin ng banggitin ko ang pangalan niya.Walang sumagot kaya kinabahan na ko at napatayo na sa kinauupuan ko.
"Nasaan ka?" Naghintay ako ng ilang segundo pero hindi parin siya nasagot.Pinagti-tripan niya ba ko? Kasi hindi ako natutuwa!
"Ano ba Half? Nasaan ka sabi! Sumagot ka naman!" Pumunta ako sa kwarto ko at hinanap ang susi ng sasakyan ko.Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako!
"Calm down.....honey babe...hahaha..." Natigilan ako sa paghahanap at napaupo na lang sa kama ko.Bakit ganon? Para siyang nahihirapan?
Biglang may tumulong tubig sa hita ko kaya napatingin ako dito.Urgh! Bakit ako naiyak? Napahawak ako sa pisngi ko at pinunasan 'to.Napakaiyakin ko talaga!!!
"Nasaan ka ba kasi?! Sasapakin talaga kita pag nagkita tayo!!"
"Gusto rin kitang m-makita..." Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi ko.
"Edi sabihin mo na para...para magkita na tayo."
"Sshh...Sa tingin ko impusible kaya gusto k-ko na lang...marinig ang boses mo..." Hindi ko siya maintindihan! Ano bang nangyayari?
"Ewan ko sayo! Niloloko mo lang ata ako! Dali na! Nasaan ka?" Saad ko para maitago ang pag-iyak ko.
"Honey babe..." Dinig kong sabi niya dahilan para matahimik kami ng ilang minuto.
"May na realize ako ngayon. *cough*" Nataranta ako ng marinig ang pag-ubo niya.Bakit ba kasi ayaw niyang sabihin kung nasaan siya?
"A-Ano bang nangyari sayo? Please Half s-sabihin mo sakin kung hindi papatayin ko tong tawag..."
"Huwag." May pagmamakaawa sa boses niya.Napailing na lang ako at niyakap ang mga tuhod ko.
"Magkikita pa tayo diba?" Tanong ko at kinakabahan sa isasagot niya.
"Hindi ko alam."
"Bakit hindi mo alam? Aalis ka ba? Saan ka naman pupunta? Nakakainis ka!" Hindi ko na napigilan at mas lalo pa kong napaiyak.
"Zia---"
"Ang daya mo Half! Bakit ayaw mong sabihin kung nasaan ka?"
"Don't cry p-please...Shvt..." Narinig ko ang pagdaing niya.Ayoko sanang isipin na may nangyaring masama sakanya pero 'yon ang sinasabi ng utak ko.
"Zia...My honey babe...Ikaw lang nagparamdam sakin nito.Parang bakla man pero gusto kong s-sabihin na *cough* ma---"
"Huwag mo ng ituloy Half." Pinunasan ko ang luha ko at tumingala sa kisame para patigilan ang pag-iyak ko pero tuloy parin 'to sa pagtulo.
"Hahaha, ano nga bang inaasahan ko? S-Si Ichiro...siya ang---"
"Huwag ka na kasing magsalita! *hulk* I hate you! Nakakainis ka! *hulk* Galit ako sayo!"
Tumahimik siya at tanging pag-hikbi ko lang ang naririnig namin.
"Pupuntahan kita *sob* "
"Akala ko ba galit ka s-sakin?"
"Oo, kaya gusto kita makita *hulk* para sapakin ka!"
"Hahaha." Pumikit ako ng madiin ng marinig ang tawa niya.
"Sige na b-bye na." Dagdag niya pa kaya nataranta na naman ako.
"Ayoko! Sabihin mo muna kung nasaan ka! *sob* please honey babe..."
"Fvck." Dinig kong mura niya na mas kinataranta ko.
"Bakit---"
"Can you please r-repeat it?" Kumunot ang noo ko.
"A-Ang alin?" Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.Habang inaalala ko naman ang gusto niyang ipaulit.
"Huwag na pa---..."
"Honey babe..." Putol ko sakanya at narinig ko na naman ang paghinga niya ng malalim.'Yon ba ang gusto niyang ipaulit?
"Honey babe, honey babe, honey babe." Narinig ko ang mahina niyang tawa kaya napangiti rin ako.
"Tama na honey babe.Okay na." Natahimik na naman kami na hindi ko nagugustuhan dahil baka bigla niya kong babaan.
"Mahal kita..." Basag niya sa katahimikan na kinatigilan ko rin.
"...ngayon ko lang na realize.Hahaha wrong timing ba? *cough* Siguro oo.Pero ayos lang.S-Sana'y na kong ma-reject."
M-Mahal niya ko? Parang may kumiliti sa tyan ko at naramdaman ko ang pagbilis ng pintig ng puso ko.
"I-I hate you!" Nasabi ko na lang at narinig ko ang pagtawa niya pero yung tawa na nahihirapan.
"I love you too." Napailing ako.Mahal niya ba talaga ako?
Bigla akong nakarinig ng makina ng sasakyan at mga boses ng tao.
"Kuya!!!" Boses ni Whole 'yon.Agad akong napatayo pero kasabay non ay ang pagkaputol ng linya.
Nanginginig akong lumabas ng kwarto.Hindi ko alam ang gagawin ko.Saan ako pupunta? Gusto ko makita si Half! Napaupo na lang ako sa huling palapag ng hagdan.
BINABASA MO ANG
Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]
Teen Fiction"...sometimes letting go is the best decision." Meet Half Alcantara. Good guy, handsome, rich, kind. Lahat na yata na sakanya maliban sa pag-ibig.Love sa family? Check! Love sa friends? Check! Love sa isang tao? Uhm...nevermind! Always rejected sa b...