Note: Dedicated sa naggawa ng book cover. ^_^ Thank you po.
*****
Zia POV
"Are you crazy?" Inis na sambit ni Ichiro habang napapailing sakin.
"He'll wait me."
"But you love him! Don't you realize?"
Pumikit ako ng madiin.I know.My heart's know, my brain's know, that i love him.I choose Ichiro dahil marami pa kaming pag-uusapan.Gusto ko munang maayos kami ni Ichiro.
"Gamutin na natin yang sugat mo." Pag-iiba ko sa usapan.
"I can't believe you." Hindi niya makapaniwalang sambit.
*****
"Why did you leave me?" Natigilan ako sa biglaan niyang pag-tatanong sa kalagitnaan ng panggagamot ko sakanya.
"Dahil mali ang lahat..." Mahina kong sabi ngunit sapat lang para maintindihan niya.Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.
"Maling oras, maling pagkikita at lahat ng mali ay hindi na uuwi sa maganda.Alam mo ang ibig kong sabihin Ichiro." Nilinis ko ang mga bulak na nasa lamensa bago umayos ng upo.
Ilang minuto siyang natahimik bago ko nakita ang kaliwanagan sa mukha niya.
"Business." Sabi niya at napapailing na tumingin sakin.
"Your right." Dagdag niya pa at napangiti na lang.Ngumiti rin ako pabalik at dahan-dahang hinawakan ang kamay niya ng mahigpit.
"Now I think you need to follow her."
Para siyang natauhan at mabilis na napatayo.
"Fvck!"
"Hahaha!" Natawa ako ng makita ang ekspresyon ng mukha niya halatang nalimutan niya ang babaeng kasama kanina.
"I need to go! And Zia..." Tumigil siya sa pinto at nilingon ako.
"Thank you." Hindi na ko nakasagot dahil mabilis na siyang tumakbo palabas.
His really inlove and that girl is very lucky.Ichiro is a good man.I know.May reason siya sa lahat ng ginagawa niya.Kung bakit kailangan niyang maging masama at kung kailangan niyang maging mabait.
Kailangan ko pa ba siyang pasalamatan sa pantataboy na ginawa niya sakin sa mga nakalipas na linggo? Of course dahil kung hindi dahil doon.Hindi ko marerealize ang mali ko.
Ganito pala yung pakiramdam na walang mabigat na iniisip.Yung pakiramdam na hindi nakokonsensya.Sa hindi malamang dahilan napangiti na lang ako.
*knock* *knock*
Nawala ako sa mga iniisip ko at napatingin sa pinto.Halos gabi na.Sino naman ang bibisita sakin ng gantong oras? Lumapit na lang ako sa pinto at binuksan to.Nagulat ako ng bumagsak sakin si...
"H-Half..." Hinawakan ko siya sa bewang niya para alalayan siya dahil ang bigat ng lalaking 'to isa pa naaamoy ko ang alak sa katawan niya.
"Im tired..." Bulong niya sa tenga ko at naramdaman ko ang mga kamay niya sa bewang ko.Napalunok ako at binitawan siya.Pagod na siya? Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.Pagod na siya sakin? A-anong ibig niyang sabihin? Saan siya napapagod?
"Umuwi ka na Half." Tinulak ko siya pero hindi man lang siya natinag sa kinatatayuan niya at mas hinigpitan pa ang hawak sakin.
"Let's talk...about us."
"Lasing ka.Bukas na lang."
"I want now Zia..." Pumikit ako ng madiin.Kinakabahan ako sa mga sasabihin niya.Pano kung ayaw niya na pala, pano kung pagod na siya sakin? No, ayoko marinig.
"Ayoko nga Half.Bakit ba ang kulit mo?" Naramdaman ko ang mabigat niyang paghinga.Lumuwag ang pagkakahawak niya sakin at tuluyan ng bumitaw bago umatras ng isang hakbang.
"O-okay...Im sorry." Napailing ako dahil halos hindi na siya makatayo ng maayos.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tinawagan si Renz.
"Wait Half." Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako ng may pagtataka.
"Papasundo kita kay Renz."
"I can handle my self Zia.Saka bakit may number ka ng lalaking 'yon?"
"Paki mo---"
"I-delete mo yan.Oh ako ang lalapit jan para ako ang gumawa." Nanlaki ang mata ko.Seryoso ba siya? Pero kaibigan niya 'yon.
"Pero---" Bago pa ko matapos na sa harap ko na siya at hawak ang cellphone ko.
"Here." Binalik na niya sakin 'to at tuluyan ng lumabas ng gate.
Tumingin ako sa phone ko bago tumakbo sa gate ng bahay.
"Sandali! Kayo mo ba? Baka maaksidente---"
"Ulit? Don't worry hindi na mangyayari 'yon." Kumunot ang noo ko.Anong ibig niyang sabihin?
"Naaksidente ka?" Para siyang natauhan ng marinig ang sinabi ko.Nagtama ang tingin namin at kita ko sa mata niya na nagsasabing huwag akong mag-alala pero kasasabi niya lang naaksidente siya.Bakit hindi ko alam 'yon? Masyadong ba kong abala sa paglayo sakanya?
"Kailan Half? Are you okay?"
"You don't need to know." Malamig niyang saad at napahilamos sa mukha niya.Nawala yata ang tama ng alak sakanya.
Bakit hindi ko na kailangan malaman? At bakit ako masyadong nag-aalala? Pero gusto ko lang naman malaman kung ayos siya.
"Good night." Naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa noo ko.Pero hindi yon ang na sa isip ko.
Sasakay na sana siya sa kotse niya pero pinigilan ko siya mula sa pagyakap mula sa likod niya.
"Good night." Bulong ko pero sapat lang para marinig niya.Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.Para akong nakukuryente kaya dahan-dahan ko ng tinaggal ang kamay ko mula sakanya.
Tuluyan na siyang umalis habang naiwan ako ditong nag-iisip.
Im right pero saan galing yon? Kailangan kong makausap si Renz.
BINABASA MO ANG
Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]
Teen Fiction"...sometimes letting go is the best decision." Meet Half Alcantara. Good guy, handsome, rich, kind. Lahat na yata na sakanya maliban sa pag-ibig.Love sa family? Check! Love sa friends? Check! Love sa isang tao? Uhm...nevermind! Always rejected sa b...