Chapter 40

778 23 0
                                    


Zia POV

"Tara sa West Adams University!" Sabi ni Khrislyn habang hinihila ako palayo sa booth namin.

"Sino magbabantay dito?"

"Sila na bahala jan." Sabay turo doon sa dalawa naming classmate na babae.

Nag-alinlangan pa kong iwan 'to sakanila pero sa huli nahila ako ni Khrislyn palabas.May program ang bawat school at kasama na rito ang paglaban sa iba't-ibang eskwelahan ng basketball.

May laban din ng basketball ang school namin pero mga babae since all girls school 'to pero itong si Khrislyn mas gusto pang panoodin ang laban ng ibang paaralan.Pwedeng makapasok ang mga outsider sa mga school since may program at kailangan makabenta ng bawat booth.

Medyo malapit lang ang West Adams University kaya mabilis kaming nakarating at nalaman kong Wilton University ang kalaban nila.

Pagbaba pa lang namin dito madami na kaming nakita na iba't-ibang uniform habang may nakita rin kaming taga-samin.Ang daming students pero dahil isang Khrislyn ang kasama ko mabilis kaming nakapunta sa gym.

"Mukhang medyo maaga tayo." Sabi niya ng makitang hindi pa masyadong puno ang mga upuan.

Hinila ulit ako ni Khrislyn papasok pero natigilan ako ng makita si Ichiro.Kasama niya sila Azer.Kumaway siya sakin kaya napatingin silang lahat sakin.

"Si Ichiro 'yon diba?" Tango lang ang sinagot ko kay Khrislyn habang kumaway ako sakanila pabalik at ngumiti.

"Honey babe." Biglang may humarang sa harap ko kaya hindi ko na nakita sila Ichiro.

Tinignan ko mula ulo hanggang paa si Half.Maglalaro rin siya?

"Una na ako doon Zia."

"Sige." Sagot ko kay Khrislyn bago ulit humarap kay Half.

"Akala ko hindi ka na makakapunta."

"Nakatakas kami." Saad ko habang iniikot ang paningin sa kabuuang gym nila.Mas malaki pa 'to sa gym namin.Naramdaman ko naman ang pagpulupot ng kamay niya sa bewang ko kaya napatingin ako sakanya.

"Half, ang daming tao." Sabi ko pero hindi mapigilang ngumiti.Aish! Nakakahiya pero ba't ganon? Mas nangingibabaw sakin ang saya.

"Good luck ki---"

Mabilis ko na siyang hinalikan sa labi niya bago pa siya matapos sa mga sasabihin niya.

"Good luck honey babe." Bulong ko at humiwalay na sakanya.

"Fighting!"

"Hahaha.Thanks honey babe." Napasimangot ako ng kurutin niya ko sa cheeks.

"Why did you---" Nagulat ako ng siya naman ang humalik sakin.Oh my! Masyado na kaming PDA! >_<

"Watch me." Sabi niya at tumakbo na palayo habang nakaway.

"Masyado kayong PDA ng honey babe mo." Saad ni Khrislyn ng makalapit ako sakanya.Tumingin ako sa paligid at halos na sakin ang mga tingin nila kaya napayuko na lang ako.Aish!

>\\\>

Naupo na lang ako sa tabi ni Khrislyn at pilit na iniiwasan ang mga tingin ng tao.Na sa kabilang side ang Wilton University at mula dito kitang kita ko ang mga lalaking nakasama ko ng pumasok ako doon.Kahit mga bad boy sila masasabi kong may mga puso pa naman sila.

Narinig kong magsisimula na ang laban kaya mas lalo pang dumami ang mga tao.Tumingin ako kay Half at mga mata niya agad ang nasalubong ko.Kumindat siya sakin kaya ngumiti ako pabalik.

Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon