Chapter 7

988 36 0
                                    

Zia POV

"I can't believe this!" OA na sabi ni Khrislyn habang pinapanood yung mga video na ginawa namin ni Half kahapon, na ngayon ay naka-upload na sa Youtube.

"Ang sweet niyo!! Kayo na!" Napangiti na lang ako at umiling.

Kung alam lang ni Khrislyn na kunwari lang ang lahat ng na sa video na 'yon sasabihan niya siguro akong nababaliw na well, baliw na nga siguro ako.

"Eh, pano si Ichiro? Naka-move on ka na?"

Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ko ng marinig ang pangalan na 'yon.

Ichiro.

Move-on? Bakit ko naman gagawin 'yon.Siya ang dahilan kung bakit bumalik ako dito sa Pilipinas.

"May girlfriend na siya." Ani ni Lance sakin na lubos kong kinagulat.

"Kailangan ko siyang makausap." Giit ko at nagpupumilit na pumasok sa Wilton.

"Stop it Zia, tapos na kayo.May mahal na siyang iba." Pigil sakin ni Azer habang napapailing.

No, hindi ako naniniwala hangga't hindi ko siya nakakausap.

Aasa ako na ako parin ang mahal niya.

"O-Oo naman..." Pag-sisinungaling ko habang pilit na iniiwasan ang mapanunuri niyang mata.

"Haist, mukhang naka-move on ka na nga talaga." Sabi niya habang nilipat ang tingin sa picture namin ni Half.Buti naman at nakumbinsi ko siya.

*****

"We need to talk." Sabi ni Mom ng maitapat ko ang phone ko sa tenga ko.

Alam ko na naman na tatawag siya at pag-uusapan kung anong kalakohan tong ginagawa ko ngayon.

"Seriously Zia? Alcantara? It should be Wilton!" Napapikit ako ng madiin.

"Please Mom.Pabayaan niyo naman ako.Kahit dito lang."

Buong buhay ko si Mommy ang nagdedecide sa mga gagawin ko, but not this time.Not again.I need Half.I need him.

*****

"Kumusta?" Nakangiting salubong sakin ni Half habang pinaglalaruan ang susi ng sasakyan niya sa kamay niya.

"Hmmm...Ganon parin." Kibit balikat kong sagot.Pinagbuksan niya ko ng pinto kaya agad na kong sumakay.

Pinanood ko siya habang umikot at pumasok ng driver seat.Nakangiti parin siya habang patingin tingin sakin.

"What's your problem?" Tanong ko ng mainis na ko dahil sa pasilip silip niya.

"Sungit." Dinig kong bulong niya pero nakangiti parin.Aish! Bakit ba siya nakangiti? -_-

Kinuha ko na lang yung camera sa bag ko at sinet 'to sa video.Inayos ko ang buhok ko bago nilingon si Half na ngayon ay nakakunot na ang noo.

"Stop the car Half." Sabi ko at sinilip ang labas.Kitang kita ko na ang park mula dito.

"Okay." Sagot niya at nag-park ng maayos.

Pinidot ko na ang play bago bumaba.Pinakita ko ang buong lugar bago itapat kay Half na ngayon ay nag-oobserba sa kabuuang lugar.

"Honey babe!" Mabilis siyang lumingon sakin.Kumaway siya sa camera.

Napakagat ako sa ibabang labi ko ng maalala kung paano namin binuo ang endearment na honey babe.

"Honey!"

"Ang panget! Babe na lang!" Kontra ko sakanya pero hindi siya nagpatalo.

"Babe kasi Half!"

"Honey!"

"Babe!"

"Okay, honey babe." Napalingon ako dahil sa sinabi niya.

Right! Honey babe.

"Come here." Lumapit ako sakanya at inikot ang camera para makita na kaming dalawa.

"Where are we going now?"

"There." Sabi ko sabay turo doon sa gilid ng park.Tumingin ako sakanya at napangiti na naman ako dahil sa gulat niyang mukha.

"What? Are you serious?"

"Yes! Let's go!"

Hinawakan ko siya sa kamay at hinila sa direksyon ng mga nagbebenta ng mga street foods.

Tinapat ko sa camera ang mga tinda doon.May isaw,barbeque,
dugo,kwek-kwek,fish ball, at iba pa.

"Nakain ka niyan?" Tanong ko kay Half habang tinapat ang camera sakanya.

"No." Diretso niyang sagot habang tinitignan parin ang mga pagkain sa harap niya.

"Try this, honey babe." Tinapat ko ang isaw sa bibig niya.Ilang segundo niya yong tinitigan bago dahan-dahang kumagat.

"Masarap?"

"Hmm...let me taste it again." Hinawakan niya ang kamay ko na may hawak ng isaw at tinapat sa bibig niya para kumagat ulit.

Buti na lang at hindi nakatapat sakin ang camera dahil alam kong namumula na ang pisngi ko.Urgh, this feeling is.....different.

"Ano?" Tumango tango siya na parang sinasabing masarap habang nag-okay sign.

Matapos kumain ng mga street foods.Nag-rent kami ng bike.Tinuruan ako ni Half mag-bike at masasabi kong ang hirap! >_<

"Huwag mo ko bitawan!" Saway ko kay Half na ngayon ay nasa likod ko.

"I won't, don't worry."

Madami na ring nag-papicture samin ng magpahinga kami sa bench sa may gilid ng park.

"Im tired, honey babe." Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Half dahil sa pagod.

Six na ng gabi kaya medyo madilim na rin pero madami pa ring tao.

"Rest now." Sabi niya habang hinahagod ang buhok ko.

Napapapikit na lang tuloy ako.Pagod na talaga ako dahil naghabulan pa kami matapos naming mag-bike.Parang bata lang right? Pero masaya.

Sa paglipas ng dalawang taon ngayon ko lang ulit narasan ang sayang 'to.

"Let's back here tomorrow, honey babe." Dinig kong sabi ni Half.

"Alright.."

Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon