Zia POVI can't let him go.
Ito ang na sa utak ko buong magdamag pero naisip ko hindi ko nga ba kaya? What if may pangyayari na hindi ko inaasahan?
Pinagmasdan ko si Half na ngayon ay mahimbing na natutulog sa tabi ko.I can't lose him again pero tuwing naaalala ko si Mrs.Alcantara at ang pamilya ko hindi ko maiwasang mangamba.
Dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng kwarto.Nagulat ako ng madatnan si Lola sa kusina na nakupo sa isa sa mga bangko at mukhang nagkakape.
"Oh? Bakit Gising ka pa?" Tanong nito ng makita ako.
"Hindi po ako makatulog." Sagot ko at naupo sa katapat niyang upuan.Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng lamensa.
"Naaalala ko sayo ang anak ko." Saad nito at agad kong nakita ang lungkot sa mga mata niya.Mommy ni Half.
"Si Rebecca." Hindi ako nagsalita at nakinig lang sakanya.
"Hindi siya nakuntento sa aming buhay kaya naglayas siya at nalaman na lang namin na kinasal na siya." Agad akong napatango kaya pala wala man lang kaarte arte sa katawan si Lola dahil masaya sila sa buhay nila.
"Isang beses nagkita kami at doon namin nakilala si Half at Whole.Sumama si Half samin.Walang nagawa si Rebecca kaya dito nanirahan si Half ng ilang taon pero kinuha rin siya ni Rebecca at dinala sa Seoul." Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak niya sa kamay ko.
"Ngunit kahit na ganon siya.Si Rebecca parin ang nag-iisa kong anak." Mapait akong ngumiti sakanya.Maswerte si Mrs.Alcantara at may ganitong 'to siyang ina at ama.Kuntento sa buhay at hindi na humihiling pa ng sobra.
"Paniguradong mahal na mahal niya rin po kayo."
Bigla ko tuloy na-miss si Dad.Kamusta na kaya siya? Galit parin kaya siya sakin? Siguro.
"Iha naalala ko.Saan pala kayo kina---"
"Zia!" Pareho kaming natigilan ng marinig namin ang boses ni Half.
"Sandali lang po Lola." Tumayo na ko at isang ngiti ang ginanti niya sakin.
"Sige, puntahan mo na siya."
Lumabas na ako ng kusina at bumalik sa kwarto pero hindi ko pa napipihit ang door knob ng bumukas na agad 'to.Ilang segundo kaming nagkakatitigan at nagulat na lang ako ng bigla niya kong yakapin.
"I though you really leave me." Dinig kong bulong niya na ipinagtaka ko.
"...panaginip lang pala." Dagdag niya at parang nakahinga ng malalim.Niyakap ko siya pabalik.Manatili na nga lang sana na panaginip 'yon.
*****
Magdilig ng halaman sa hardin nila Lola,Maglinis ng bahay,Mamili sa palengke ng mga kailangan.Ang dalawang araw na naming ginagawa ni Half at sa huli manuod ng mga stars sa langit oh kaya naman mag-usap ng kung anu-ano sa taas ng puno.Ang saya palang mamuhay dito.Ibang iba 'to sa inaakala ko.
Pangatlong araw na namin dito at akala ko magdidilig kami ng halaman pero bigla na lang niya akong hinila at pinasakay sa bike.
(N/P: Thinking of you by Katty Perry)
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko at kumapit sa waist niya pero hinawakan niya 'to at hinigit dahilan para mapayakap ako sakanya.
"Baka mahulog ka." Saad niya bago ipedal ang bike.
"But I won't let that happen." Dagdag niya pa at mula dito alam kong nakangiti siya.Napangiti na lang din ako at hinigpitan ang kapit.
Pumikit ako upang pakiramdaman ang hangin.Kung ganito lang sana kami araw-araw, pero alam kong pag-umuwi na kami sa Manila hindi na magiging ganto ang lahat.Para tong isang panaginip at oras na bumalik na kami sa Manila isa na yong realidad.
Minulat ko ang mata ko ng tumigil kami.Agad akong napababa ng bike.Is this real? Ang daming bulaklak.Napakatahimik ng paligid at tanging lagaspas lang ng mga puno ang maririnig mo dahil sa hangin.
"Beautiful right?" Lumingon ako kay Half na ngayon ay katabi ko na.Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta dito.
Kitang-kita ko sa mukha niya ang saya.Nandon na lang sana lagi 'yon.Tumigil kami sa gitna at mas maganda pa pala dito.Humarap siya sakin habang inabot ang isang puting bulaklak.
"Thank you for coming in my life." Hinawi niya ang buhok kong nililipad ng hangin at ngumiti sakin.Hindi ko alam kung gaano siya kasaya ngayon at ayokong mawala 'yon.
Pumitas ulit siya at muling inabot sakin.
"Thank you for loving me." Ilang minuto kaming nakatitig sa isa't-isa.Pilit akong ngumiti.
Niyakap ko siya para matago ang luha ko.I don't know.Hindi ko na alam ang gagawin ko.I can't let him go again.
"Hindi pa ko tapos honey babe." Saad niya at niyakap ako pabalik.Kunwari akong natawa habang mabilis na pinunasan ang luha ko.
"I want to hear your heart beat." Sabi ko bago pumikit.I can't but I need to let him go again.Parang libo libo karayom ang tumutusok sa puso ko pag naiisip 'yon.
Im sorry Half.Im sorry.
BINABASA MO ANG
Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]
Teen Fiction"...sometimes letting go is the best decision." Meet Half Alcantara. Good guy, handsome, rich, kind. Lahat na yata na sakanya maliban sa pag-ibig.Love sa family? Check! Love sa friends? Check! Love sa isang tao? Uhm...nevermind! Always rejected sa b...