"Si Half na ba 'to? Ang laki na niya."Pilit akong ngumiti sa mga bisita ni Mommy kahit ang totoo ay gusto ko ng maglibot sa buong Hotel at hanapin si Autum.
Isang linggo na ang lumipas at nagpaparty si Mommy dahil sa wakas ay nakauwi na raw ulit kami ng Pilipinas.
Inimbitahan niya ang mga kilalang business man kaya sigurado akong nandito si Autum dahil isa ang mga Pereira sa may malaking kumpanya dito sa bansa.
"Mom, mag-iikot lang po ako."
"Okay."
Mabilis akong umalis doon dahil baka hilahin na naman niya ako pabalik katulad nang nangyari kanina.
"Hey! Bro! Hinahanap mo si Autum?"
Lumingon ako kay Whole na may kaakbay na dalawang babae na kinailing ko
Kahit kailan talaga umiiral ang pagkababaero.Nakatingin siya sa exit kaya sinundan ko na lang iyon ng tingin."Bilisan mo uuwi na yata." Tumango ako at tinapik siya sa balikat bago tumakbo palabas.
Nakita kong sumakay na siya sa kotse niya kaya naisipan kong humarang sa dadaanan niya.At last! Makakausap ko na rin siya.Luminga linga ako sa paligid dahil baka may makakita sakin at sabihing na babaliw na ko.Well, baliw na nga siguro ako.Pero...
"Shvt!"
Ano na naman bang ginagawa ng babaeng 'to? Aish! Lumipat lipat ang tingin ko sa kotse ni Autum na papalapit sakin at kay Zia.Napapikit ako nang madiin.
Wala akong nagawa kung hindi ang umalis doon at tumakbo sa direksyon ni Zia.Sinuluyapan ko ang truck na palapit ng palapit sakanya.
Hinila ko siya at niyakap ng mahigpit.Baliw talaga ang babaeng 'to at kahit kailan hindi ko sasakyan ang kabaliwan niya.
"Half?" Tinulak niya ko at lumingon sa kalsada.
"Bakit mo 'yon ginawa? Gusto ko nang mamatay! Bakit mo pa pinigilan?!" Nakita ko ang luha niyang sunod-sunod na bumagsak.Hindi ko alam ang problema niya pero hindi sagot ang kamatayan at naiinis ako pag-nakikita siyang umiyak.
"I hate you!!!" Tinulak niya ko at nag-simulang tumakbo palayo sakin.
"Zia! Wait!"
"Don't follow me!!"
Sinundan ko parin siya hanggang sa makapunta kami sa mataong lugar.Hindi ko iniwan si Autum para lang takbuhan niya ko.Bakit hindi na lang siya magpasalamat dahil niligtas ko siya? Nahawakan ko ang wrist niya at mahigpit tong hinawakan.
"Let me go Half! Sisigaw ako ng rape." Laglag panga ko siyang tinignan.What the hvll?
"Mukha ba kong rapist?" Ilang minuto kaming nagkatitigan ng bigla siyang humagalpak ng tawa.
Hindi ko maintindihan ang mood ng babaeng 'to. -_-
"Hahahaha! Seryoso ba yang tanong mo?"
"Im serious, Zia." Mas lalo siyang tumawa kaya wala na akong nagawa kung hindi ang hilahin siya palayo sa mataong lugar na 'yon dahil konti na lang mapagkakamalan na siyang baliw.
Hindi ako makapaniwala na iniwan ko si Autum para sa babaeng 'to.Kausap ko na sana siya sa mga oras na 'to pero dahil ulit sa...urgh! Nevermind ako naman nagdesisyon nito.
"You know Half? Pwede mo naman akong pabayaan sa mga gusto kong gawin." Tumingin ako sakanya.Naglibit balikat siya at humigop sa juice na inorder niya.
Hinila ko siya sa isa sa mga cafe dito na halos kami lang yata ang tao.But what did she say? Pabayaan siya? So this is useless? Kung pwede ko nga lang siya pabayaan but i cant and i don't fvcking know why.
"Hindi ko alam kung bakit tuwing kailangan ko ng tulong lagi kang nanjan."
"Isang araw pa lang tayo magkakilala and yes! Pangalawang araw pa lang natin ngayon matapos nating hindi magkita nang isang linggo."
Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating pero...
"Wala lang tayo.Were not friends."
Mas masakit pala na malaman na wala ka lang sa taong gusto mo pa lang kilalanin.
"Were nothing.So can you please? Leave me alone?"
Ilang minuto kaming natahimik.Huminga ako ng malalim at dahan-dahang tumango.
"I will."
*****
"Hey bro! Nakausap mo ba?"
"Hindi." Tipid kong sagot bago humigop sa kape ko.
"Good morning boys!" Rinig kong sabi ni Mommy at ilang saglit lang nakaupo na siya sa tabi ko.
"Good morning Mom."
"So? Nakapili na ba kayo ng school na papasukan niyo?"
Ah, shvt nakalimutan ko 'yon.Next week na pala ang start ng pasukan.
"Yes!"
"No."
Pareho silang napatingin sakin.Eh sa wala pa talaga akong napipili.
"Maybe tomorrow?"
Medyo busy talaga ako dahil tinuturuan na ako ni Daddy na mag manage ng company.His not here.Obviously.Naiwan siya sa Seoul dahil nandoon ang isa sa mga malaki naming business.
"Alright! I hope makapili ka na, as soon as possible." Tumango ako kay Mommy at pinagpatuloy ang pagkain ko.
Hanggang ngayon hindi ko parin nakakausap si Autum.Tuwing pupuntahan ko naman siya sa bahay nila na katabi lang ng bahay namin.Lagi naman siyang wala.
"Anyway, sino si Zia Dethon? Is she your---"
"Mom, pati ba naman 'yon?"
Napailing ako at walang gana na binitawan ang kutsara at tinidor.Ilang minuto kaming natahimik na tatlo bago ko mapagdesisyonan na umalis na doon.
Ayoko talagang pinakikialaman ang mga bagay na ginagawa ko.Alam 'yon ni Mommy and this past few weeks parang alam niya lahat lahat nang nangyayari sakin.
Isa pa ayaw ko nang pag-usapan si Zia matapos ng nangyari, weeks ago.She's right.Were nothing kaya dapat hindi ako nangingialam sa buhay niya.Maybe im just...im just...urgh...nevermind.
BINABASA MO ANG
Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]
Teen Fiction"...sometimes letting go is the best decision." Meet Half Alcantara. Good guy, handsome, rich, kind. Lahat na yata na sakanya maliban sa pag-ibig.Love sa family? Check! Love sa friends? Check! Love sa isang tao? Uhm...nevermind! Always rejected sa b...