Half POV"You know Half, hindi mo naman dapat siya hinahanap isa siyang malan---"
"Shut up.Nandito ako para makausap siya at hindi para makinig sayo." Napailing na lang ako sa kaibigan ni Zia na sa pagkakaalam ko ang pangalan ay Khristine? Krissa? Khrislyn? Uh! Alin man jan!
Sumakay na ko sa bago kong sasakyan at pinaandar na 'to paalis sa Dethon University.
Dalawang araw pa lang ang lumipas simula ng makalabas ako nang hospital at ito ako ngayon hinahanap si Zia.Saan naman kaya nag-suot ang babaeng 'yon?Nag-ring bigla ang phone ko at ng makitang si Renz ang natawag agad ko tong sinagot.
"Confrim bro!" Bungad niya sakin kaya medyo nakahinga ako ng maayos.
"Nandito nga siya sa Tagaytay." Dagdag niya.Hindi na ko sumagot at in-end na 'to.
Binilisan ko pa ang pag-dadrive ko.Tama nga ang katulong nila Zia.Na sa Tagaytay nga siya.Pumunta kasi ako sa bahay nila at isang matandang babae na sa tingin ko ay katulong doon ang nagsabi saking 'baka na sa Tagaytay siya' kaya agad ko tong pinapuntahan kay Renz.
Inabot na ako ng gabi nang makarating ako sa Tagaytay pero pinili ko pa ring makipagkita kay Renz para alamin kung saan natuloy si Zia.
"Sinundan ko siya kanina at 'yan yung address." Tumango ako at inabot ang maliit na piraso ng papel na binibigay niya sakin.
"Salamat." Sagot ko habang nakatingin sa papel.Medyo nakahinga ako nang maayos dahil alam ko na kung saan siya makikita.
"You know what bro? Hindi ko akalin na gagawin mo 'to." Hindi makapaniwalang saad niya.Lumipat ang tingin ko sakanya at napangiti.Hindi niya alam kung gaano ako tinamaan sa babaeng 'to.
"Pano mo na sabi?" Humigop ako sa orange juice pero hindi parin nawawala ang ngiti ko sa labi.
"Sa ilang taon mong panliligaw sa babaeng nagustuhan mo pagsinabi nilang 'ayaw ko na' sinusunod mo sila pero bro diba sinabi rin 'yon ni Zia? Bakit hinabol mo parin siya? And yes! Alam ko na ang sagot." Iling-iling niyang saad, napatawa na lang ako.
All i know is, she's different.Really different.....
*****
Huminga ako nang malalim habang nakatitig sa pinto na nasa harap ko.Mabilis akong nakapasok sa gate dahil bukas 'to.Hindi yata marunong mag-sara nang gate ang babaeng 'to.Pano na lang kung may ibang pumasok dito? Tsk.
Tinaas ko na ang kamay ko para sana kumatok but im fvcking nervous right now! Napahinga na lang ako ng malalim at umatras ng dalawang hakbang.
"Ako na." Bago ko pa mapigilan si Renz kumatok na siya habang mabilis na lumabas.Pasaway! Mas lalo akong kinabahan! Urgh! Shvt!
Halos 8:00 na ng gabi.Gising pa kaya siya? Nataranta naman ako nang magbukas ang ilaw sa living room.Gising pa siya! At sa tingin ko bubuksan niya ang pinto.Malamang Half! Paniguradong narinig niya ang katok ni Renz.Dapat ba kong magpasalamat sa kumag na 'yon? -_-
Narinig ko na ang pagtanggal niya ng lock sa pinto.Shvt, pinagpapawisan na ako ng malamig.
*BLAG!*
Napapikit ako ng madiin ng bigla niyang isarado ang pinto ng makita ako.Galit nga.Tumingin ako sa mga bulaklak na hawak ko.Lumapit ako sa pinto at tinapat amg tenga ko rito.
"Zia let's talk please?" Ilang minutong walang sumagot.Mukhang mahihirapan ako dito.
"What are you doing here? Pano ka nakapasok?" Mas diniin ko pa ang tenga ko sa pinto.God! I miss her!
"Bukas yung gate mo.Pano kung may nakapasok ditong may masamang balak sayo? Nag-lolock ka dapat ng gate Zia." Shvt! I want to see her, her expression.
"Urgh, Mahigpit naman security dito."
"Kahit na.Naglolock ka parin dapat."
"Oo na! Umalis ka na nga!" No Zia, im desperate now.
"Can you please open this door?"
"Hindi pwede diba ayaw mo kong makita?" What? May sinabi ba kong ganon? Hindi niya ba alam na gustong gusto ko na siyang makita.
"Okay, sisirain ko na lang tong pinto mo."
"What? No!"
"Then open this fvcking door!" Sinipa ko 'to para iparating na hindi ako nagbibiro at sisirain ko talaga 'to paghindi niya 'to binuksan.
Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa bewang ko habang hinihintay na buksan niya ang pinto.Wala ka nang takas.
Unti-unting bumukas ang pinto and at last! Nakita ko na rin siya.Isang nakasimangot na Zia.Pinigilan ko naman ang sarili kong yakapin siya.
"Umalis ka na."
Umiling ako at sa isang iglap ay na sa harap na niya ko.Kinuha ko ang kanang kamay niya at nilagay dito ang mga bulaklak.Ilang minuto kaming nagkatitigan pero binasag niya yon.
"Bwisit ka! Ang kapal ng mukha mo! Diba ayaw mo kong makita?! Eh bat ka nandito? Alam mo ba na sobra akong nag-alala sayo? Para akong mababaliw sa kakaisip kung nasaan ka na ba! Tapos magpapakita ka sakin ngayon? Umalis ka na! Ayaw din kitang makita! I hate you!!!" Pinalo niya sakin ang mga bulaklak na dala ko .Wala naman akong sinabi na ayaw ko siyang makita.Ayaw ko lang na makita niya ko sa ganong sitwasyon.
"Then, why are you crying?" Hindi siya sumagot sa tanong ko at tinulak ako habang balak sanang isara ulit ang pinto pero hinila ko siya at niyakap.
(N/P: Jar of hearts by Christina Perri)
"Let me go!"
"I can't..." Tumigil siya sa pagwawala at tanging hikbi niya na lang ang namamagitan samin.
I can't let her go.Hindi ko kaya.
Tinulak niya ko at tumingin sa mga mata ko.Yung mga mata niyang malungkot and it hurts me a lot.
"You can Half kasi ginawa mo na.Yung araw na 'yon nagawa mo na." Umiling ako at balak sana siyang hawakan pero umatras siya.Shvt!
"I can't Zia, i need you."
"Na kaya mo ngang wala ako ng ilang araw." Napahilamos na lang ako sa mukha ko.Hindi ko 'yon kinaya.
"I love you." Nakita ko ang pag-iling niya.No, fvck! Ano? Hanggang dito na lang ba? Si Ichiro parin ba? Dito na lang ba magtatapos ang lahat? Wala na naman ba? Reject na naman ba ko? Fvck! But she loves me nararamdaman ko 'yon kasi hindi naman siya iiyak ng ganito kung hindi right? right?
"Zia, please! Choose me..." Tinalikuran na niya ko pero bago pa siya makahakbang niyakap ko na siya.
"Honey babe...please..."
"Im sorry Half..."
BINABASA MO ANG
Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]
Teen Fiction"...sometimes letting go is the best decision." Meet Half Alcantara. Good guy, handsome, rich, kind. Lahat na yata na sakanya maliban sa pag-ibig.Love sa family? Check! Love sa friends? Check! Love sa isang tao? Uhm...nevermind! Always rejected sa b...