Half POV"Ikaw na bahala jan bro." Lumabas na sila Renz habang iniwan kami ni Zia dito sa loob.
Tsk akala niya hindi ko napapansin ang plano niya.Napailing na lang ako at tumingin kay Zia na ngayon ay naka-higa na sa lap ko.Hinawi ko ang buhok niya at nagtaka ako ng makitang may luhang tumulo sa gilid ng mata niya.Pinunasan ko 'to habang sinubukan siyang gisingin pero mukhang tulog mantika siya.
Wala kong nagawa kung hindi buksan ang pinto at buhatin siya para ihatid sa kwarto niya.Tumango lang ako sa mga kaibigan kong nakakasalubong ko habang may kakaibang tingin sa babaeng buhat ko.Tch ba't ganon sila makatingin kay Zia? ^_-
"Dito na lang siya." Sabi ni Khrislyn habang tinuro ang kama ni Zia.
Ba't ito ang kasama niya? Hindi ko parin nakakalimutan ang mga salitang sinabi niya patungkol kay Zia at umiinit lang ang ulo ko pag-naaalala ko 'yon.
"Ikukuha ko na lang siya ng bagong kwarto."
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at nilipat na ng ibang kwarto si Zia.Sa katapat na kwarto ko.Hinalikan ko siya sa noo bago tuluyang lumabas doon.
Kahit pinili niya si Ichiro hindi ko parin mapigilan ang sarili ko na mahalin siya at alam kong tanga na ko. -_-
"Happy birthday bro!" Salubong sakin ng kumag ng makapasok na ko sa kwarto.
"Hindi ko pa birthday Renz." Saad ko at naupo sa kama ko.
"Edi advance!"
"Lumayas ka na nga dito.Magpapahinga pa ko." Tinuro ko ang pinto at buti naman lumabas na siya pero bago 'yon may sinabi pa siya.
Loko talaga!
"Sige, baka mapagod ka mamaya.Kailangan mo talagang magpahinga."
*****
Ilang oras pa ang lumipas at nagsimula ng magdatingan ang mga kumag kong kaibigan.
"Nasaan na girlfriend mo bro?" Tanong ni Renzo at tumitingin pa sa paligid.Sasagot na sana ako pero biglang dumating ang kapatid niyang si Renz.
"Nasa taas pa kuya.Diba Half?"
"Hindi---"
"Nice! You know what dude? Bagay kayo!"
Hindi na lang ako sumagot sa dalawa at iniwan na sila doon.Tch.Gvgo talaga 'yon si Renz pag nalaman 'to ni Zia paniguradong mag-wawala 'yon.
-_-Tumingin ako sa wrist watch ko at 7:30 am na pala.Nagikot-ikot muna ako sa beach dahil ngayon lang ulit ako nakabalik dito.It's been a years.
"Hey bro!" Natanaw ko si Whole na nakaway sakin sa malayo.Bakit na kasama 'to dito? -_-
"Don't you miss me?" Saad nito ng tuluyan ng makalapit sakin.
"No."
"Ouch! Nakakasakit ka na ng damdamin." Napailing na lang ako.
"Bakla ka ba? -_-"
"Oy! Grabe ka sakin! Baka gusto mong halikan ko ang babaeng 'yon? Para mapatunayan na hindi ako bakla." Sinundan ko ng tingin ang babaeng tinuro niya.
"Sige nga." Binalik ko ang tingin ko sakanya at nag-cross arms.Tinignan niya ang babaeng tinuro niya at nakita ko ang bahagyang paglaki ng mata niya.
"H-Hindi pala yan! Iyon na lang." Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin pero sinundan ko na lang ulit ang tinuturo niya.
"What the...No!" Mabilis kong sagot ng makitang si Zia 'yon.Baka mapadugo ko lang ang labi niya.
-_-"Sige na nga! Yung nauna na lang." Tumakbo siya palapit doon sa babaeng nauna niyang tinuro at halos lumagapak ako ng tawa ng makitang sampalin siya nito matapos niyang halikan.
"Shvt, ang sakit non." Sabi nito habang nakahawak sa kanan niyang pisngi.
"Don't worry naranasan ko rin yan!" Tatawa tawa kong sagot habang naalala ang pagsampal sakin ni Zia doon sa bar ng Seoul.
"No way! Wala pang nagkakamaling sumampal sa Whole Alcantara!"
"Ngayon meron na." Tinapik ko siya sa balikat at tumatawa siyang iniwan.
"Napatunayan ko ngang hindi ako bakla pero nasampal naman ako." Dinig kong bulong niya.Masyado niya talagang sineryoso ang pagtawag ko sakanya ng bakla.Hahaha!
*****
Sabay-sabay kaming kumain lahat ng breakfast at nagtabi kami ni Zia dahil kay Renz dahil sinabi niya sa lahat na kami parin.Hindi nagsalita si Zia kaya tumahimik na lang din ako.
Patay talaga sakin si Renz pag nakahanap ako ng oras para bugbugin siya. -_-
"LQ?" Tanong ni Stephen ng matapos kaming kumain.Tumango na lang ako habang pinapanood si Zia na nakikipag-usap sa ibang mga babae.
"Kaya pala." Sabi ni Renzo na napapatawa.
"Magbabati rin 'yan." Sinamaan ko lang ng tingin si Renz.Alam ko sa sarili kong hindi na dahil may napili na siya.
At kahit kailan hindi magiging ako 'yon.I love her and I will do everything just to win her but I can't do anything if she already choose what she wants and sometimes letting go is the best decision.
BINABASA MO ANG
Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]
Teen Fiction"...sometimes letting go is the best decision." Meet Half Alcantara. Good guy, handsome, rich, kind. Lahat na yata na sakanya maliban sa pag-ibig.Love sa family? Check! Love sa friends? Check! Love sa isang tao? Uhm...nevermind! Always rejected sa b...