Zia POV"Hindi mo ba talaga 'to ititigil Zia?" Nakayuko lang ako habang pinagsasabihan ni Mommy.Pumunta ulit siya dito sa condo hindi para kamustahin ulit ako upang pagsabihan sa nangyari kahapon.May nag-video kasi samin ni Half.
"Mas lalo mong pinakukumplikado ang lahat! Zia please? Stop this."
"I-I can't Mom.Im sorry.I love him." Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa dalawang balikat.
"Sasama ka sakin sa New York pag pinagpatuloy mo pa 'to." Agad akong umiling.No.Hindi ako pupunta doon.
"May mahal ng iba si Ichiro Mommy.Hindi na niya ko mahal.Hindi ko na mababalik ang dati.Mahal ko si Half."
"Wala ka ng ginawang tama!" Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko dahil sa pagsampal niya sakin.
"Sinubukan ko naman po Mom pero kung itutuloy ko pa 'yon maraming---"
"I don't care!"
"Hindi ako makasarili Mommy! Please? Tama na." Iling ang sinagot niya sakin.Napayuko na lang ulit ako.
"Ikaw ang makasarili dito Zia.Leave Half Alcantara at aayusin natin ang---"
"Ayoko Mom.Im sorry." Tumakbo ako palabas ng condo habang naririnig ang pagtawag niya sakin.I can't leave him.Hindi ko kaya.
Minsan ko na silang sinunod at ayoko na ulit mangyari ang nakaraan.Hindi ba pwedeng ako ang magdedesisyon sa magiging buhay ko? Wala ba akong karapatan? Pumasok ako ng Wilton para sakanila.Ginawa ko 'yon dahil akala ko magiging masaya sila.Nagkilala kami ni Ichiro sa maling pagkakataon at ang iwan siya ay isang tamang desisyon na ginawa ko pero ang iwan si Half sa pagkakataon na 'to ay maling desisyon.Masyado ko na siyang nasaktan.Masyado na kaming nasaktan at wala akong dahilan para iwan siya.
Tumigil ako sa pagtakbo at napasandal na lang sa isa sa mga poste dito pero napaayos din ng tayo ng may tumigil na sasakyan sa harapan ko.Bumukas ang bintana at nagulat ako ng makita kung sino ang na sa loob nito.
"Maaari ka bang makausap?"
Mommy ni Half.
*****
Sa isang malapit na coffee shop kami dumiretso at hindi ko rin alam kung bakit gusto niya akong makausap.Ang dami ng napasok sa utak ko habang hindi pa siya nag-sasalita pero isa lang ang sigurado ko dito.Tungkol samin 'to ni Half.
"Saan kayo nag-meet ni Half?" Bigla kong naalala ang nangyari kahapon.Doon ko lang nalaman na hindi pala dito sa Pilipinas ang una naming pagkikita.
"Sa Seoul po." Sagot ko at nakita ko ang pagtaas ng kilay niya.
"Matagal din kaming nanirahan sa Seoul and this year lang kami umuwi dito sa Pilipinas.Sinundan mo ba ang anak ko dito?" Agad akong umiling.Hindi ko alam kung saan patungo ang usapan na 'to.Bakit ayaw niya na lang sabihin ang pakay niya?
"Pinauwi po ako dito ng parents ko kaya---"
"Do you love him?" Kumunot ang noo ko pero mas pinili ko paring tumango.
"Opo."
"Madami na akong babae na nakausap at tinanong kung mahal ba nila ang anak ko at pare-pareho lang kayo ng sagot." Napatawa siya at nag-labas ng brown envelope.
"Leave my son." Dagdag pa niya at nilapit sakin ang brown envelope.
"No." Matigas kong saad dahilan para maglaho ang ngiti niya.
"Hindi ko 'yan tatanggapin.Marami na ngang nagmahal kay Half na mga babae pero iba ako sakanila.Hindi ko kailangan ng pera niyo.Kung iiwan ko man si Half mas pipiliin ko pang umalis ng walang tinatanggap mula sa inyo." Tumayo na ako at hindi na naghintay ng mga sasabihin niya dahil tuluyan na kong lumabas.
Napahilamos na lang ako sa mukha ko.I can't believe her! Mukha ba kong pera? Inisip ko ang mga babaeng mamahalin pa lang sana si Half pero hinarangan na ng Mommy niya.
Always rejected? Si Half Alcantara?
Napangiti ako ng mapait.Ano kayang magiging reaksyon ni Half kung malaman niya 'to? Naalala ko si Mommy at Daddy.Ganto rin sila sakin pero ang kaibahan ako ang pinapalayo.
"Honey babe!" Nakita ko si Half na nakaupo sa bench habang nakaway sakin.Mukhang kanina pa niya ako hinihintay.
Kung hindi lang sana pumunta si Mom sa condo at kung hindi lang sana ako hinarang ng Mommy niya kanina pa ako nakarating dito.
"Sorry nakatulog ako." Palusot ko sakanya at ngumiti.
"Mukha nga." Tumingin siya sa paa ko kaya napatingin din ako dito.Aish! Naka-tsinelas pa ko ng pambahay.
Tumayo na siya at hinawakan ang kamay ko.Pakiramdam ko tumalon ang puso ko.I will never leave this man.
"Bumili na lang tayo ng sapatos mo."
"Sige."
BINABASA MO ANG
Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]
Teen Fiction"...sometimes letting go is the best decision." Meet Half Alcantara. Good guy, handsome, rich, kind. Lahat na yata na sakanya maliban sa pag-ibig.Love sa family? Check! Love sa friends? Check! Love sa isang tao? Uhm...nevermind! Always rejected sa b...