Zia POV"Hindi ko po kaya Dad." Walang takot kong saad habang nakatingin ng diretso sakanyang mga mata.
Galit, iyon agad ang nakita ko sa mga mata niya at handa na ko para doon.
"Hindi ko na po kayang maibalik sa dati ang lahat." Dagdag ko pa ngunit isang iling ang natanggap ko.
"Walang kwenta!" Dalawang salita pero dahilan para kumirot ang puso ko.
Walang kwenta.'Yon nga siguro ang matatawag niya sakin.Sa isang anak na wala ng ginawang tama sa mata niya pero ano pa bang magagawa ko? Wala, wala na.
"...but I can manage the com---"
"No! You can't." Napakagat ako sa ibabang labi ko.Lumabas din ang totoo.He can't trust me.
"Why Dad?" Lakas loob kong tanong kahit alam ko ang isasagot niya pero umaasa pa rin ako na mali ang iniisip ko.
"You can't Zia! You can't, because---"
"...because im a girl?" Putol ko sakanya at napayuko na lang.
Alam kong iyon 'yon.Iniisip niya na wala akong magagawa dahil babae lang ako.
"Yes." Napatunghay ako habang mapait na ngumiti sakanya.Hindi ko alam kung matutuwa ba ko dahil sinabi niya ang totoo o masasaktan dahil wala siyang tiwala sakin.
"I know Dad but the problem is you never try me, you always ignore me, you always choose other people instead of me because in your eyes im just a girl who can't do anything.Im sorry if I dissapoint you.Maybe you're right."
I can't stand here anymore kaya tumalikod na ko at mabilis na lumabas sa bahay na 'yon.Daddy...why are you doing this to me? Im lose.I can't find my place.Hindi ko na alam kung saan pa ko lulugar sa mga taong nakapalibot sakin.
*****
"Im going to France." Gulat akong tumingin kay Mommy.Nakauwi na ko dito sa condo ko at nabigla ako ng makitang naghihintay si Mommy sakin.Tapos ngayon binigla na naman niya ko sa balita niya.
"Binabalak kong isama ka at doon na ipagpatuloy ang pag-aaral mo." Agad akong napailing, kahit napakarami ko ng problema dito sa Pilipinas hindi ako aalis dito.
"Mas maganda ang magiging buhay mo doon Zia." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at tumingin sa mga mata ko.
"Pero Mommy pano si Dad?"
"Siya ang may gusto nito."
Parang mas lalo pa kong nasaktan.Gusto akong paalisin ni Daddy dito? Bakit? Ayaw na ba talaga niya kong makita?
"Sorry Mommy pero hindi po ako sasama.Hindi ako aalis dito."
*****
Umiyak lang ang ginawa ko buong araw.Halos mabasa ko yata ang lahat ng unan.Hindi ko rin namalayan na nakatulog na pala ko at nagising lang ng makarinig ng paulit-ulit na door bell.
Binuksan ko lamp at tumingin sa orasan na katabi nito.Napasimangot ako ng makitang 4:30 am pa lang.Sinong matinong tao ang mangbubulabog sakin ng ganitong oras?
Wala akong nagawa at antok na lumabas ng kwarto para buksan ang pinto.
"Goodmorning."
Halos mawala ang antok ko ng makilala ang taong nasa harap ko ngayon.
"K-Khrislyn..."
Ngumiti siya at tinulak ako papasok.Huwag niyang sabihin na may natanggap na naman siyang litrato habang sasampalin niya ulit ako?
"Mag-impake ka na." Sabi niya at naupo sa couch.
"Bakit?" Naguguluhan kong tanong pero irap lang ang natanggap ko.
"Akala ko ba sinabihan ka na ni Renz?" Ilang segundo akong nag-isip at napapikit na lang nang madiin ng maalala ang sinabi niya tungkol sa birthday ni Half.Akala ko sa Sunday pa?
"Bilisan mo, naghihintay na sila sa labas.Alcantara's beach tayo pupunta."
"Ayokong sumama."
Wala talaga akong balak sumama sakanila mas pipiliin ko pang matulog na lang.
-_-
*****
"Ang tagal niyo naman." Umirap ako kay Renz pero kinuha niya lang sakin ang mga gamit ko at nilagay ito sa likod habang binuksan ni Khrislyn ang pinto sa tapat ko at tinulak ako papasok.
Kainis!!! Mukhang bagay nga silang magsamang dalawa!!
"Hindi mo na naman ako kailangan itulak.Tsk."
"Baka tumakas ka mabuti na yung sure." Sagot nito at sinara na ang pinto.Urgghh!!!
"Kainis!" Inis akong sumandal at ngayon ko lang napansin na may katabi pala ako.
Nanlaki ang mata ko at agad na nag-iwas ng tingin.Bubuksan ko na sana ang pinto para lumabas sa Van na 'to pero nakasakay na sila Renz at ni-lock na ang lahat.
Aish!!! Tumingin ako kay Renz sa salamin at kung nakakapatay lang ang tingin baka kanina pa siya pinaglalamayan.Nginitian niya lang ako ng nakakaloko dahilan para mas mainis pa ko.
Pinikit ko na lang ang mga mata ko.Inaantok pa ko dahil hindi ko alam kung anong oras na ba ko natulog dahil sa kakaiyak.Mabuti na nga lang at hindi masyadong halata ang namamaga kong mga mata.
"Sleep well." Gusto kong imulat ang mata ko pero tuluyan na kong nahuhulog sa pagkakatulog pero sobrang pamilyar sakin ng boses na 'yon.
BINABASA MO ANG
Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]
Teen Fiction"...sometimes letting go is the best decision." Meet Half Alcantara. Good guy, handsome, rich, kind. Lahat na yata na sakanya maliban sa pag-ibig.Love sa family? Check! Love sa friends? Check! Love sa isang tao? Uhm...nevermind! Always rejected sa b...