Chapter 27

747 21 0
                                    


Pinanood ko si Renz kung paano niya alalayan si Half na halos wala ng malay.Akala ko ba uuwi na siya? Bakit nandito pa siya sa bar?

"Zia, pabuksan naman ng backseat." Sinunod ko si Renz habang nilagay na niya si Half dito.

"Okay lang ba na dito ka na rin maupo?" Aapila pa sana ako kay Renz pero hinigit na niya ako papasok dito.

"Hindi siya makakahiga ng maayos.Lilipat na ko jan." Sabi ko kay Renz ng makapasok 'to sa driver seat.

"Huwag---sabi ko sayo eh." Natatawang sagot niya habang ako napatingin sa mukha ni Half.Bumagsak kasi siya sa lap ko.

Bakit ganon? Ang gwapo niya parin.Inangat ko ang kamay ko para sana hawakan ang mukha niya pero mas pinili ko na lang mag-iwas ng tingin.Nakalimutan ko galit pala ako sakanya.

"Shvt!" Napatingin ako kay Renz sa biglaan nitong pagmumura.Tumingin ako sa labas nandito na pala kami.

"Bakit?"

"May emergency sa bahay.Alam mo naman kung saan ang condo ni Half diba? Ikaw na maghatid sakanya." Hindi na niya hinintay ang sagot ko dahil nagmamadali siyang lumabas at pinagbuksan ako.

"Sorry Zia, kailangan lang talaga ako sa bahay."

"Sige okay lang."

Inalalayan ko na si Half ng mailabas na niya 'to.Ang bigat!

"Alis na ko."

"Salamat din." Tumango lang siya at mabilis na pinaandar ang sasakyan.

"Half." Tinapik ko siya sa mukha.Pero no effect.May tama na talaga 'to.

Pahirapan pa bago ako makapasok sa building buti ma lang tinulungan ako ni manong guard.

"Salamat po kuya."

"Sige po ma'am." Tumango 'to sakin at iniwan na rin kami sa harap ng condo ni Half.

Sinandal ko siya sa gilid at tinapik pa ng mas malakas.

"Hmmm?" Nagmulat ng konti ang mata niya.

"Anong password mo?" Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin lang sakin ang mata niyang maliit ang bukas.Napairap na lang ako.Baka naman yung dati pa rin ang password niya? Sinubukan ko 'to at nakahinga ako ng malalim ng bumukas 'to.Yes!

"Ang bigat mo!" Nasabi ko na lang ng mahiga ko siya sa sofa niya.Hinilot ko ang batok ko dahil sa mukhang na ngalay 'to.

Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang sumuka.Aish! Lumapit ako sakanya at hinaplos ang likod niya.Mukhang marami siyang nainom.

Nang tapos na siyang sumuka hinila ko siya ng buong lakas ko.Ililipat ko na lang siya sa kwarto niya.

"Zia..." Para akong naestatwa ng marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko.

Ilang segundo akong napatitig sakanya bago naisipang buksan ang pinto ng kwarto niya.Bumungad sakin ang pamilyar na kwarto.Walang pinagbago.

Hiniga ko na siya sa kama niya pero pati ako natangay.Tatayo na sana ako pero sa isang iglap na sa ibabaw ko na si Half.

"H-Half..." Napalunok ako habang nakatingin sa mga mata niyang pumupungay.

Pumikit siya at dahan-dahang nilapat ang labi niya sa labi ko.Gahd! I miss him! Napapikit din ako at ginantihan siya ng halik hanggang sa lumalim 'to ng lumalim.

"I love you." Bulong niya sa tenga ko habang bumababa ang halik niya sa leeg ko.

"But w-why can't you l-love me Zia?" Napamulat ako dahil doon.Tumigil siya sa paghalik at sinubsob ang mukha niya sa dibdib ko.

"Half I---"

"Si Ichiro? Siya mahal mo?"

"No---" Nag-angat siya ng tingin at nakita ko ang luha sa mga mata niya.

"You choose him! Fvck!" Sinuntok niya ang gilid ng kama na kinagulat ko.Muntik na ko doon!

"Shhh, stop." Hinawakan ko ang kamay niyang nanginginig.

"You need to rest now." Umiling siya at nakita ko ang pagpapanic sa mukha niya.

"Don't...don't leave me..."

"I won't." Pinilit ko siyang ihiga sa kabilang side at buti naman nagpatangay siya.

Bigla niya kong niyakap kaya wala akong nagawa kung hindi hintayin siyang makatulog.Pinunasan ko ang luha sa pisngi niya.

"I love you too." Hinalikan ko siya sa noo.

"And I will always choose you." I kiss him on his cheeks.

"I will never leave you." And last sa labi niya.

Nang masigurado kong tulog na siya dahan-dahan kong tinanggal ang braso niya na nakapulupot sakin.

Sinimulan ko siyang punasan at palitan ng damit na sobrang hirap! Hinubad ko ang sapatos at pants niya.Buti na lang naka-boxer siya.Aish! Kung nandito lang sana si Renz hindi ako mahihirapan sa pagpapalit ng damit.

Pinatay ko na ang ilaw at lumabas na ng kwarto niya.Nilinis ko muna yung suka niya sa living room bago tuluyang umalis.Sa condo ko na lang ako didiretso.

Napasampal naman ako sa noo ko ng maalala yung mga gamit ko.Na sa kotse ni Renz! Malapit lang naman ang building ng condo ko dito lalakadin ko na lang dahil nandoon din ang wallet ko sa bag ko.Malas! >_<

Kaya sa huli pagod na pagod akong nakarating sa condo ko.Gusto ko ng maligo dahil
pakiramdam ko sobrang lagkit ko na.

Habang naliligo naalala ko yung nangyari samin ni Half kanina.Muntik na 'yon! >_< Kung hindi siya tumigil baka kung ano ng nangyari samin.

"Waaahhh." Niyakap ko ang unan ko ng makahiga ako sa kama ko.Sa wakas! Makakatulog na rin.

Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon